NO TO COPY-PASTE
PLAGIARISM is not allowed..
Original Story From By MissNoName
Underproperties of TSLS ..
TAGALOG SHORT LOVE STORY ..
In Love With My Brother
(James&Clara)By:MissNoName
Epilogue
" mama! Mama icontinue niyo na po yung story about sa inyo ni Papa!'' Pangungulit ni Chesca..
Napangiti naman si Clara, at tumingin kay James na napapailing.
" Ay nako anak, mas mabuting wag yan ang ipost mo sa watpad mo.. napakaduwag ko kasi ng mga panahon na yan .. " malungkot na sabi ni James. Hinawakan naman ni Clara ang kamay nito .
" Kahit na ! Pa! Kaya mo lang naman nagawang pakisamahan si Paula dahil sa gusto mong di mapahamak si Mama . Pls mama. Icontinue niyo na po . Nag aabang na kase ang mga readers ko e.. " isa kasing writter sa watpad ang anak na si Chesca nagmana siguro ang anak sa kanya dahil napakahilig nitong magbasa ng story at hilig na rin ang magsulat ng story. 13 years old palang ito pero napakagaling na rin magsulat ng mga kwento kwento pa nito marame daw siyang fans sa watpad dahil sa magaling daw siyang magsulat ng kwento. Okay lang sa kanila na ganun ang hilig ni Chesca basta wag lang daw nito papabyaan ang pag-aaral niya. 2nd year high school palang kasi ito.
" Okay okay! Sige na at ng matahimik kana jan .. " sabi naman ni Clara .. napakakulit lang kasi nito ayaw magpatalo sa khit sa anong mga bagay bagay.
" Pero saglit lang ititimpla ko muna ng gatas si Charlie.. " tumayo naman si Clara upang puntahan ang bunsong anak nakalagay lang ito sa crib nito.
Habang tinatahak nya ang daan papunta sa kwarto ng anak di nya maiwasan na di mapangiti, dahil para sa kanya siya na ata ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa. Di lang kasi maalaga sa pamilya si James talagang napakamapamagmahal nitong asawa . Di na nga niya pinoproblema ang pagluluto dahil ito na ang nagluluto, sinadsya pa nitong mag-aral sa pag-luluto ng sa ganun daw ay magustuhan namin ang mga lulutuin nya.
* * *
" Ma,sige start na .. " excited na sabi ni Chesca.bumalik na rin kasi si Clara, saglit lang nyang tiningnan ang anak at itinimpla ng gatas para pag gising nito mamaya tamang-tama lang ang init ng gatas nito.
" okay ... ganito ang nangyare matapos abg insidenteng yun ... "
* FLASH BACK .. *
James Pov's
Hindi ko aakalain na hahantong ang lahat sa ganito, ang akala ko ay magiging masaya na kami ni Clara ngunit mali pala ako .
Kahit siya man ay nabigla sa pangyayare, di niya inaasahan na darating duon ang kanyang papa at ito pa mismo ang nag-announce na sila ni Clara ay malapit ng ikasal, marahil ito yung sinasabi ng kanyang ama na balang araw ay pasasalamatan nya ito.
Walang nagawa ang ama ni Paula ng sabihin ng ama nya ang mga bagay na yun sapagkat kapag kinontra nito ang kanyang ama.. babagsak ang kompanya nito at mawawalan ito ng posisyon bilang principal sa school nila. Kaya kahit gustuhin man niyang awatin ito wala siyang nagawa, ang inawat nalang nito ay si Paula ngunit sadyang matindi ang naging galit nito sa mga nangyare bigla nalang nitong kinuha ang baril mula sa isang lalakeng nakahawak sa kanya at itinutok saakin ngunit sa di inaasahang pagkakataon si Clara pa ang tinamaan... ...