In Love With My Brother
(James&aClara) -MissNoName
"THE WORST DAY EVER!"
CHAPTER TEN
-Clara Povs-
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana ng kwarto ko. Diko na pala ito nasarhan.. Naalala ko yung nangyare kagabe.
Nagsisimula na naman akong mapaiyak,pero pinigil ko nalang, kailangan ko pa kasing pumasok ngayon. Ngayon ang examination namen sa major subject Sa English,Math and Science .. bahala na si Batman wala akong study kagabe.. at diko na alam ang gagawin ko.
Mabilis akong bumangon then tinungo ang Cr.. naalala ko si James.
(Pumasok na kaya siya ? )
Naitanong ko sa sarili.
Diko parin kasi matanggap yung sinabi niya kagabe, sila na daw ni Paula at wag ko na daw silang iistorbuhin, pabayaan ko na daw sila. E papano naman kami? Yung relasyon namin..
Bago pa man ako maiyak nagmadali na ako sa pagligo,napatingin ako sa salamim halata talaga yung pamumugto ng mga mata ko.
( di bale na.. wala akong pake sa iisipin ng ibang tao)
* * *
Sa School ..
Pagpasok ko pa lamang sa Campuss si James na at Paula ang una kong nakita, magkatabi silang dalawa sa isang bench habang yung ibang teammates ni James nanduon din pati ng mga kaibigan ni Paula.
Pinilit ko nalang na wag silang pansinin kahit na sobrang sakit na ng nararamdaman ko, gustuhin ko man silang sugurin duon at pagsasampalin wala na akong magagawa pa, pinakaayaw ko sa lahat yung gumawa ng eksena. Pag-uusapan ka ng maraming tao, kakalat sa buong campus at ikaw ang trending sa usapan ng mga tsismosot/tsismosa.
" Clara! " tawag ni Jonas saakin. Nasa harapan ko na pala ito. Siguro naging bussy lang ako sa kakaisip ko kina James at Paula kaya pati yung mga tao sa paligid ko nakakalimutan ko na.
"H-hi ..." napipilitan na sabi ko. Inis parin kasi ako sa kay Jonas dahil sa pagsisinungaling nya saakin.
"Okay kalang ba ? " nag-aalalang tanong nito sa kanya. Tsinek din nito ang nuo nya kung okay lang ba talaga siya.
" yeah I'm good . Dont worry." Sagot ko naman then nagpatuloy sa paglalakad pero bago ko ginawa yun sinulyapan ko muna yung pwesto nila James at Paula.
Nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa yun ginawa, nakita ko pa kasi silang dalawa naghahalikan na naman.
( mga walang hiya lang ! Wala na talagang pinipiling lugar! )
Napatingin naman si Jonas sa tinitingnan ko.
" Tara na Clara, ilang minuto nalang start na ang first period natin .. .. " nauna na rin tong maglakad.
" Sige . " sabi ko then sumunod na sa kanya.
* * *
Sa Room ..
Grabe lang wala akong malaman na isagot sa test paper ko, blanko parin ang papel na nasa harapan ko.
" Uy Clara .. ano ba ? Bakit dika pa sumasagot jan? 10 mins nalang ang natitirang oras para sumagot.. " pabulong na tanong ni Jonas saakin. Nasa harapan kasi namin yung teacher mahirap na baka masita pa kami.