TWENTY NINE

50 4 0
                                    

(A/N:

Henloo~ Click the video above para mas dama niyo po ang pagbabasa ng chapter na ito. Maghanda nalang din po kayo ng isang box ng tissue at baka maiyak kayo, charot! 😂 Enjoy reading mga marurupok! Don't forget to vote and comment! Borahae! 💜

-A 💛)

-------------

Athena Jophiel

1 week na akong nandito sa hospital. I am still recovering. I still feel loneliness and emptiness. Isang linggo na akong nandito, pero hindi pa din pumupunta dito si Timothy. Nakalimutan na ba niya ako agad?

I am all alone in this room. Hindi ko alam kung ano'ng oras bibisita sila Vane. Nakaupo lang ako dito sa higaan ko't tinitignan ang mga pictures namin ni Timothy sa phone ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko.

"I miss you so much, love." I blurted.

Biglang may kumatok sa pinto. Nang bumukas iyon ay si Cody ang nakita ko. Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko at pilit na ngumiti sa kanya. He smiled back at me at umupo sa upuan na katabi ng higaan. Nagtataka ako kung bakit siya lang mag-isa ang nagpunta dito.

"Yoongi-oppa." I uttered. "Ikaw lang ba mag-isa? Asan sila?"

"Ah... nasa dorm sila. Hindi na ako nagpaalam na pupunta ako dito." Sagot naman niya.

Tumango na lamang ako.

"Kamusta ka na?" Tanong niya. "We miss you princess."

I sighed. Tumulo na naman ang mga luha sa mga mata ko. "I... I don't know." Sambit ko sa kanya. "Magsisinungaling lang ako kapag sinabi kong okay lang ako."

Napabuntong hininga din siya. "You'll be fine soon." He said.

"Hindi ko alam." I uttered. "K-Kamusta si Timothy?"

"He's not the same Timothy that we've known for years." Sagot niya. "He's always in his room. Lalabas lang siya kapag kakain na kami. Ang cold na niya din. Ang tipid na niya sumagot kapag kinakausap namin siya." Napabuntong hininga siya muli. "We miss our golden maknae. Namimiss na namin yung kakulitan niya. Yung pang-aasar niya sa amin."

I bit my lower lip. "I'm sorry. I'm so s-sorry. It's all my fault." I blurted habang patuloy pa din ako sa pag-iyak.

"No, Jo-ssi. It's not your fault. Don't say that." Sambit niya. "Walang may gusto sa nangyari. Brian was in denial na hindi na siya yung nilalaman ng puso mo that's why he did something unexpected. Ikaw naman, I know you really tried na iwasan iyon. It's just that... too late lang kasi nakita ni Timothy. And yun, si Timo... nilamon siya agad ng hinala at galit niya that's why he chose not to listen on your side."

Hindi ako umimik. Iyak lang ako ng iyak. Naupo siya sa side ng higaan ko at niyakap ako, isang bagay na madalas niyang ginagawa sa akin kapag may problema ako. I hugged him back.

"Sshhh. It's okay. Let it all out." Sambit niya. "It's okay to cry, para mailabas mo lahat ng nararamdaman mo."

Ilang minutong ganun ang posisyon namin. Ilang saglit pa'y kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanya nang kumalma na ako sa pag-iyak. He patted my shoulder and flashed his gummy smile. Hindi ko din naiwasang mapangiti.

Cody may be a cold-hearted guy, but in times like this, nailalabas niya ang soft side niya. I am such a lucky one to have a brother like him.

"I think you two need some space and more time para makapag-isip isip." Sambit niya. "Especially Timothy. Alam kong nahihirapan pa siyang makalimutan ang nangyari."

I just nodded. Hinayaan ko lamang siyang magsalita.

"At ikaw din. Ayaw naming nakikita kang nagkakaganyan. Nangyari na ito dati sa break up niyo ni Brian eh. You know parang kapatid na din ang turing ng iba sa'yo. Our little princess." Natawa naman ako sa sinabi niya sa huli.

"Kahit puro tulog lang ang alam ko't medyo savage minsan sa inyo, ayoko namang nakikita kayong nahihirapan sa pinagdadaanan niyo. Nadedepress na din ako sa inyo eh, jusko."

"Mianhaeyo." I uttered.

Bigla naman siyang tumawa ng mahina. "Biro lang, tuleg." Natawa nalang din ako. "Bago kayo humingi ng tawad sa isa't isa, patawarin niyo muna ang sarili niyo. Sa ganon, matututunan niyo ding tanggapin lahat. Love yourself. Love myself. Peace."

I just nodded at him as a response.

"Accept. Move on. Life goes on. Hindi porket nasaktan kayo, titigil na din ang takbo ng buhay niyo. Madaming maaapektuhan. Lalo na yung trabaho niyo." Dagdag pa niya. "Tuloy lang sa laban. Pasasaan pa't makakabangon din kayo ulit. Everything's gonna be fine, Jo-ssi." He suddenly sighed. "Kaya hindi ako naglolovelife eh. Mas okay pa talaga matulog. Di ka pa madedepress. Di ka pa masasaktan."

Napangiti na lamang ako't napabuntong hininga. "Kamsahamnida, Yoongi-ah."

"Wow. Asan na yung manners mo?" He said sarcastically.

I laughed. "Sorry. Yoongi-oppa. Okay na?"

Napangiti na lamang siya't ginulo ang buhok ko. Agad ko namang tinapik ang kamay niya.

"Yan. Ngiti ka lang. Tawa ka lang." He blurted.

"Did you tell eomma and appa about this?" I asked him. Ayokong mag-alala sila sa akin.

He shook his head. "Nope. Alam ko din namang ayaw mo na makaalam sila about sa nangyari sayo ngayon."

I smiled and hugged him. I am grateful for having a brother like him. Ganito pala yung feeling nang may kuya kang nag-aalala sayo. Kahit papaano, gumaan din ang loob ko. Pero hindi pa din mawawala ang lungkot at ang sakit.

Kumalas siya sa mga yakap ko. "Sana madalaw ka na ni Timo dito." Biglang sambit niya.

"I hope so, too. I really miss him." I uttered.

"We all miss him." He said. "Kelangan lang din maenlighten ng batang yun. Si Alex hyung na ang bahala dun."

"Thank you." Bulalas ko.

He hissed. "Wala yun. Ano ka ba. I'm just helping you to make you feel better. Tsaka kelangan maging okay na ang lahat, bago pa maisipan ni Bang-pd na magcomeback ulit kami."

Oo nga pala. Ilang buwan na din silang nakapagpahinga. Ilang buwan na silang namimiss ng mga ARMYs. Baka anytime tawagan sila ni Bang-pd para maghanda sa muling comeback nila.

I just nodded at him and sighed.

"Magpagaling ka na, ah?" He blurted. "Don't let your brother worry so much."

"I will."

Ngumiti naman siya at biglang humikab. "Aigoo~ inaatake na naman ako ng antok."

Natawa naman ako. Kahit kelan talaga puro lang tulog ang alam nito. "Wala ka na ba talagang ibang pwedeng gawin kundi matulog ng matulog?"

"Meron. Magproduce ng kanta. Kaso nagawa ko na lahat eh. Hinihintay ko nalang kung kelan mairerelease ang mga iyon." Sagot naman niya.

He is one of the best producers sa Bangtan. Siya din minsan ang nagsusulat ng mga kanta nila. Ganyan ka-talented ang isang Cody Min. May ibang artist din na nakikipag-collaborate sa kanya minsan. Ang layo na din ng narating nitong tuod na ito.

Ilang saglit pa'y nagpaalam na siya sa akin.

"Hanap na ako sa dorm. Nagtext na si Alex hyung." Sambit niya habang nakatingin sa phone niya.

"Thanks again, Yoongi-oppa." I said.

He smiled and gave me a hug. "You're always welcome. You can count on me kapag may problema ka. Pamilya tayo eh."

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at saka ngumiti. "Thank you. Ingat ka pauwi."

He nodded at saka lumabas na. Everything's going to be okay, Jophiel. Babalik din si Timothy sa akin. Mahal ako nun. Babalik siya.

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Where stories live. Discover now