NINE

54 2 0
                                    

Athena Jophiel

Flashback...

It's been four months since Brian and I broke up. Medyo naging okay na din ang pakiramdam ko, thanks to my brother Cody and to my best friend, Timothy na talagang hindi ako pinabayaan.

Sa apat na buwang lumipas, mas lalo kong nakita ang mga efforts ni Timothy. Whenever I feel so down, he was there to lighten up my day. He never fail to make me smile. Kita at ramdam ko yung pag-aalaga at yung pagmamahal niya sa akin.

My phone suddenly interrupted me from daydreaming. I got up from my bed and took my phone na nakalagay sa side table. Timothy. Siya ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot.

"Hey. Do you have any plans for today?"

Napaisip naman ako saka sinagot siya. "Nope. Why?"

"Great! Date tayo?"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "A-Ano sabi mo?"

Rinig ko naman ang pagtawa niya. "I-I mean, labas tayo. Let's go to the mall?"

"Hmm. Papaalam lang ako kay Cody." Sambit ko naman.

"Okayyy!" Maligaya niyang tugon. "Text me, okay? Sunduin kita diyan. Bye!"

Ang saya ni kupal. Napangiti na lamang ako't binitawan ang phone ko. Dali dali akong bumaba at hinanap si Cody. Pero wala siya sa living area o kahit sa kusina. Umakyat muli ako saka tinignan ang kwarto niya.

"Aish. Ano'ng oras na tulog pa din siya." Sambit ko sa aking sarili saka pumasok sa kwarto niya.

"Yah, Cody-oppa." I uttered habang tinatapik tapik ang kanyang balikat.

He groaned. "Hmmm..."

Malakas kong hinampas ang kanyang balikat. Nagising naman siya at napatayo saka tinignan ako ng masama.

"Ano ba, kupal? Kita mong natutulog ako eh!" Bulalas niya.

"Papaalam lang ako." I said and smiled at him. "I'm going out with Timothy today."

His eyes widened. "What? At saan naman kayo pupunta? Tsaka ano'ng oras palang aalis ka na!"

"Tsk. Tanghali na ho." Sambit ko. "Tsaka sa mall lang kami pupunta. Pumayag ka na o sisirain ko yung 'Genuis Lab' mo."

He hissed saka humiga ulit. "Bahala ka. Huwag lang kayo magpapagabi. Saka susunod ako sa inyo, kapag makumpleto ko na tulog ko."

"Huwag ka na sumunod. Thank you! Sleep well!" Sagot ko saka daling lumabas ng kanyang kwarto.

Agad akong dumiretso sa kwarto ko at naghanap ng maisusuot. I want to look beautiful. I took a red dress from my closet.

"Hmm, nope. Ba't ka magde-dress, tanga?"

Agad kong binalik iyon. Kinuha ko na lamang ang aking black high waist shorts and a white shirt.

"Ito nalang. Baka mag-arcade lang kami ng batang yun." Sambit ko saka inilapag sa higaan ang aking napiling isusuot.

Dumiretso na ako sa CR para maligo. Pagkatapos ay agad akong nagbihis. Bigla namang pumasok sa kwarto ko si Cody na aking ikinagulat.

"You startled me." I uttered. "Bakit?"

He looked at me from head to toe and hissed. "Why are you wearing shorts, young lady?" Sambit niya while raising his eyebrow. "Magpalit ka."

Umiling naman ako. "Ayoko."

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Where stories live. Discover now