THIRTY SIX

71 3 0
                                    

Athena Jophiel

Bumalik ako sa bahay namin ni Timothy ngayon. Gusto ko lang masulyapan ang buong bahay. This is it. It's time to say goodbye.

Nasa kwarto ako ngayon. Hinahaplos ang blanket habang nakaupo sa edge ng higaan. Nag-umpisa nang nag-unahan sa pagpatak ng mga luha ko. Kinuha ko ang unan na ginagamit ni Timothy at niyakap ito.

"I'm sorry, love." I said habang umiiyak. "Mamimiss kita."

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Pagkababa ko'y ilang minuto kong pinagmasdan ang living area. Ang dami naming masasayang alaala dito. Mas lalo akong naiyak. Naupo ako saglit sa sofa at pinagmasdan ang paligid.

"Ito na talaga 'to." Sambit ko sa sarili ko. "Hindi ka pa rin ba magpapakita sa akin?"

Isang buwan na ang nakalipas. Umaasa pa din akong magkikita kami. Umaasa pa din akong pupuntahan niya ako dito. Umaasa akong dadating siya ngayon para pigilan ako. Kaso mukhang malabong mangyari iyon. Napabuntong hininga na lamang ako saka pumunta sa dining area.

Naalala ko noong unang beses na pinagluto niya ako. At humingi pa talaga siya ng tulong kay Alex. Masaya kaming kumakain dito palagi, pero ngayon hanggang alaala nalang ang lahat ng iyon.

Sunod ko namang pinuntahan ang garden. Kung saan nangyari ang hindi inaasahang pangyayari. Bumigat ang aking pakiramdam at mas lalo lamang akong naiyak nang maalala ko iyon.

"Love..." Sambit ko. "I-I'm sorry. I'm so sorry."

Naglakad na ako papunta sa gate. Lumingon ako sa aking likuran at pinagmasdan muli ang kabuuan ng bahay namin. Iiwan ko na dito ang mga alaala naming dalawa. Hindi ko ito ginusto pero kailangan. Para sa ikabubuti ng lahat.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata saka binuksan ang gate. Sa pagbukas ko nito ay hindi ko inaasahan ang makikita ko. Nanlaki ang aking mga mata. I froze. Totoo ba talaga 'tong nakikita ko? Andito siya? Siya ba talaga 'to? Baka nananaginip lang ako.

Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong niyakap. Ang yakap niyang matagal ko nang hindi naramdaman. Mahigpit niya akong niyakap.

"J-Jo... Jophiel." Sambit nito. His voice cracked. He's sobbing. Lalo ko ding hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

I smiled. I'm not dreaming. Andito nga siya. "Love..." Tanging iyan lang ang lumabas sa bibig ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. He cupped my face and kissed my forehead. Namiss ko siya. Sobra.

He stared at me and flashed his smile habang patuloy pa din sa pagpatak ng kanyang mga luha. "Damn. I missed you so much." He uttered as he gently kissed me. His kiss. Namiss ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Oh god. I can feel butterflies in my stomach again.

Hinawakan ko ang kanyang mukha at ilang segundo siyang tinitigan. "I missed you more." Sambit ko sa kanya. "I... I'm sorry, love. I'm so sorry. I'm sor---"

Natigil ang pagsasalita ko nang bigla niya akong hinalikan ulit. I smiled between our kiss.

As he broke the kiss, he flashed his bunny smile again. Pinunasan niya din ang mga luha sa aking mga mata gamit ang kanyang mga kamay. "Sshh. I should be the one saying that, love." He uttered. "I'm sorry for not giving you a chance to explain your side. I'm sorry for being such a stupid jerk. Pinangunahan ako ng galit ko. Binalot ako ng galit. I'm so sorry, love. I really am."

Ngumiti ako sa kanya't muli siyang hinagkan. Hindi ko naman masyadong namiss ang mga labi niya. "Naiintindihan kita, love." Sambit ko sa kanya. "At naiintindihan ko din kung ano man ang magiging desisyon mo para sa atin." Baka kasi ito na ang huli. Kailangan ko maging handa.

Best Part Of Me (BOOK 1) || Wattys 2019 (COMPLETED)Where stories live. Discover now