Madaling Araw 1

794 10 0
                                    

Ang kwentong ito ay nangyayari sa aking kaibigan na itatago lang natin sa pangalang Jam. So gagawin kong POV niya :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pupunta kami sa bahay ng antie ko kasi meron daw party sabi ng mama.

Ng marinig ko ang salitang "Bahay ni Auntie"

Gusto ko ng umatras kasi sabi ng mga pinsan ko ay may kababalaghan daw na nangyayari sa bahay ni antie.

Kesyo raw may white lady na umiiyak, may multong nagpapakita at marami pang iba at ayoko ng alalahanin kasi kinilabutan lang ako.

Sadyang matatakutin talaga ako.

"Ma, ayokong sumama!" sigaw ko kay mama

"Kung ayaw mong sumama, mag-isa ka lang sa bahay dito." wika ni mama

GULP!

M-M-MAG-I-I-ISA?!

"Sasama na po ako ma!" kinabahan kong sabi

No choice ako.

Dun kasi kami matutulog kasi malayo ang bahay nilang antie.

Kaya nag-impake na ako ng mga damit ko.

FAST FORWARD.

Malaking handaan talaga ang sumalubong sa amin ng pamilya ko sa bahay ng antie ko.

Kaya naman pala kasi galing america ang pinsan kong si Kuya Mark (not real name) at nagpa-party si antie sa kanyang pagdating.

Pagdating namin sa may gate, beso-beso ang peg at kamustahan dito at doon.

Minabuti kong maupo nalang sa sofa bibit ng aking backpack na hindi mabigat.

Isang gabi lang kami dito.

Buti naman isang gabi lang baka ikamatay ko pang mamalagi dito o baka hindi ko kakayanin ang isang gabi, eh! Gulp!

"Oh, jam ba't nandito ka? Ayaw mo bang makihalubilo sa mga iba nating pinsan?"

sabi ni ate Jane (not real name), isa sa mga pinsan ko at anak ni antie.

"Ayaw ko ate. Tutuksuhin laman nila ako"

sabi ko.

"Okey, sabi mo eh!" nakangiting sabi niya

So far, so good, successful naman ang party ni antie and it's getting late na.

"Jam, dito ka matulog sa kwarto ko" sabi ni ate Jane

"Okey ate" ani ko

It was past 11 in the evening ng natapos ang party at kasalukuyang humiga na kami ni ate sa bed niya.

GRRRRRRRRRRR!

Hindi talaga ako makatulog eh!

Time check: 12: 03 AM

Hatinggabi na pero hindi pa rin ako dinalaw ng antok.

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10 TUPA

Wala talaga! Ayaw pumikit ng mga mata ko.

Isa pa!

1

2

3

4

5

6

6

6

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ

Time: 3:06 AM

Huh?!

Napansin kong may humawak sa dalawa kong paa at parang hinihila ako.

Hindi dinilat ang aking mata sa pag-aakala na si ate Jane iyon.

Makalipas ng ilang segundo, may humawak naman sa mga paa ko at hinila naman at this time, malakas iyong paghila niya.

Dinilat ko ang aking mata at...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Tumambad sa akin isang babae na gumagapang patungo sa akin! Maputi siya at nanlilisik ang mga mata!

Lahat na yata mga balahibo ko tumaas dahil sa nakakatakot ng mukha ng babae.

Pero hindi ako nagpatalo sa takot ko!

Sinarado ko aking mga mata sabay sabing:

"P*tang*na niyo! Bwiset! Walang hiya kayong hayop kayo!"

Sinadya ko talagang pinalakas ang boses ko

Nagising si ate jane at pagdilat ng mga mata ko, wala nadun ang babae.

Tinanong niya ako kung anong nangyari sa akin.

Umiyak kong isinalaysay ko sa kanya kung anong nangyari sa akin.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinilabutan talaga ako nung narinig ko ang kwento niya lalong-lao na nung sinulat ko ito.

Promise, palinga-linga talaga ako sa paligid ko.

Ito muna guys ha? Masyado akong natakot eh! Hahahahaha

Ciao! :*

-KeeM

True-to-Life Horror Story (A compilation of one shot stories based on real-life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon