This my experience way back when i was in my elementary years :)
-------------------------------------------------------------------
Grade 3 ako noong nangyari sa akin ang isang kababalaghan na hindi ko malilimutan.
Sabi nila na marami daw mga nangyayaring kababalaghan sa school namin kasi sementeryo daw ang school namin dati.
Pero binabalewala ko nalang kasi bata pa ako at that time.
Not until nararanasan ko rin ang isang nakakilabot na pangyayari.
It was afternoon at that time at iyong teacher ay panay sa pagdi-discuss ng lesson namin.
At ako naman si mabait, nakikinig ako sa mga lessons niya.
In the middle of the discussion, nakaramdam ako ng pagkaihi.
Itinaas ko ang kamay para magpaalam sa aking teacher na magc-cr ako.
"Yes (insert my name here) ?"
tanong ng teacher ko
"Maam, may i go to the cr?"
tanong ko kay maam
Aba! May GMRC kami nun kaya dapat polite :)
"Yes you may, (insert my name). You may go to the restroom"
Pagkasabi ng teacher namin, lumabas ako agad para mag-cr.
Malayo kasi ang cr ng school namin. Ang classroom namin at that time ay second floor ng building at kailangan mo pang bumaba para mag-cr.
Kaya bumaba ako upang tahakin ang daan patungong cr.
Pagkarating ko sa cr, pumasok na ako sa loob cubicle para umihi.
Nasa first cubicle ako para madali lang ako makalabas.
Kasi kinilabutan ako nung pagpasok ko sa cr. Pero dahil nanguna ang paiihi ko, tiniis ko nalang.
Pagkatapos kong umihi, lumabas na ako ng cubicle at dun ko inayos ng mabuti ng uniform ko nang napadako ang aking tingin sa last cubicle ng cr.
Ganun nalang ang paghilakbot ko ng nakita ko ang isang nakaputing babae na tinakluban ng kanyang buhok ang kanyang mukha ang much worse is nakalutang ito.
As in hindi nakasayad ang kanyang paa sa sahig.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Totoo pala ang sinabi nila 'pag nakakita ka ng nakakatakot na bagay, hindi ka makagalaw sa kinatatayuan mo.
Iyong tipong gusto mong tumakbo pero ayaw gumalaw ang mga paa mo, gusto mong sumigaw pero walang boses ang lumabas sa lalamunan mo?
Iyon ang nararamdaman ko eh!
Hanggang nag-ring ang school bell namin para sa recess namin sa hapon.
Iyon ang cue ko na tumakbo palabas ng cr.
-------------------------------------------------------------------------
A/N: Okay ba guys? Matagal ba ang update? Sensya na talaga guys kasi puyat si otor sa kanyang work kaya intindihin niyo na :).
Vote and Comment :)
-KeeM
BINABASA MO ANG
True-to-Life Horror Story (A compilation of one shot stories based on real-life)
KorkuCompilation of one shot stories based on real-life stories :) I dare you, sa may sakit sa puso, Kaya niyo bang magbasa na nag-iisa? Ang mundo ay puno ng kababalaghan at nababalot ng misteryo. Kaya, INGAT! :)