A/N: Hi guys at ako po ay nagbalik! ^O^
Anyways, next story happens sa library ng isang lumang unibersidad dito sa lugar namin at itatago ko lang po ang name ng school for protection. Actually, sa lahat ng naririnig kong nakakatakot na stories, ito ang nakakapanindig balahibo.
So here's the story at itatago natin sa pangalang Claire na mismo siya nakaka-experience nito. So ill make her as her POV ;)
----------------------------------------------------------------------
Lintek na assignment naman oh!
Kung hindi lang ipapasa bukas, siguro hindi ako gagawa ng assignment muna!
Busy kasi ako kanina sa practice namin sa volleyball kasi malapit na ang intrams. Dapat panalo ang team namin.
At dahil malayo ang internet cafe mula sa bhouse ko (boarding house) kaya no choice ako kundi ang pumunta sa library.
It was 6 o'clock nung tinahak ko ang hallway patungo sa library. Hindi naman nakakatakot kasi may mga students pa naman sa oras na ito kc malapit na ang intrams kaya ang mga tao busy busy rin 'pag may time.
Ewan ko lang sa prof namin kung bakit nagbigay pa ng assignment na hindi mo mahahanap sa aklat! Asar lang noh?! Tsk!
Anyways, malapit na ako sa pinto ng library at naaninag ko ang ibang mga students dito na nag-aaral at meron ding naglalandian. Srsly?!
Pero ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang babae sa sulok ng library na nakaupo at nakayuko. Parang meron siyang binabasang aklat.
Nakapagtataka, ang daming bakanteng upuan pero pinili niyang pumwesto sa sulok.
Oh well, makapunta na nga sa mga shelf at mag.research sa assignment nang sa matapos na ako kc 8 o'clock magsarado ang library.
Kumuha ako ng mga aklat at pumwesto ako sa bakanteng upuan na hindi naman kalayuan sa pwesto ng babae sa sulok at nagsimulang gumawa ng assignment.
--------
Nagpatuloy pa rin ako sa assignment ko at hanggang unti-unting lumisan na ang mga tao sa library.
Hanggang sa tatlo nalang kami sa loob ng library.
Ako, ang librarian at ang babae sa sulok.
Tiningnan ko ang babae,
Ganun pa rin ang position niya nung tiningnan ko siya kanina.
"Oh hija, malapit na magsarado ang library, pwede paki-balik nalang ang mga aklat" sabi ng librarian.
Medyo may katandaan na kc ang librarian sa school namin.
"Okay po, maam"
wika ko
Buti nalang tapos na ako.
Tumingin ako sa relos ko.
7:48 pm
Oh! Kaya pala kasi 8pm magsara ang library.
Matagal-tagal rin pala ang pagre-research ko.
"Ah hija, mag-c-cr lang ako ha? Bilis-bilisan ko lang. Pwede paki-bantay muna sa library saglit?"
Pakiusap ng librarian.
"Okay po, maam"
Sabi ko nalang.
Total dalawa naman kami kaya hindi ako natatakot.
"Cge, salamat hija. Total ikaw lang naman isa ang tao, pwede ka nalang sa may pintuan maghintay"
Wika ng librarian at nagmamadaling lumabas.
Mukhang hindi na talaga mapigilan ni maam pero anong sabi niya kanina,
Ak-ako lang isa ang tao dito?
Hindi ba niya napapansin ang babae sa sulok at mukhang nagbabasa pang nga ito eh!
*lunok laway*
Tumingin ako sa direksyon ng babae, kinabahan ako.
Humakbang ako palapit sa kanya.
1
2
3
4
5 steps
Konti nalang.
6
7
8
*woossshhhh*
Ng biglang humangin at tumindig ang balahibo.
Malapit na ako sa babae at dalawang hakbang nalang.
Natatakot ako.
Pinikit ko ang aking mata at nagdasal ng "Our Father"
"Our father, who art in heaven, holy be thy name, thy kingdom come, thy will be done on earth as it is in heaven....."
hina kong dasal
Unti-unti kong buksan ang aking mata
At
Tumambad sa akin ang babae na kani-kanina lang sa sulok at ilang inch lang ang pagitan ng aming mukha!!!
Naninindig ang lahat ng balahibo ko at ang mas kinatakot ko ay sinabayan niya ako sa pagdasal!
"Our father, Our father, Our father, Our father!!! Ha Ha Ha Ha Ha!!"
-Wika ng babae
Nang bigla akong hinimatay.
----------------------------------------------------------------------
A/N : Goosebumps all over. What can you say guys? Natatakot pa rin ako sa kwento ng kaibigan ko. Palinga-linga kaya ako sa paligid habang tina-type ko 'to! O_O
Hahahaha
Votes and Comments are highly appreciated! ^____^
-KeeM
BINABASA MO ANG
True-to-Life Horror Story (A compilation of one shot stories based on real-life)
TerrorCompilation of one shot stories based on real-life stories :) I dare you, sa may sakit sa puso, Kaya niyo bang magbasa na nag-iisa? Ang mundo ay puno ng kababalaghan at nababalot ng misteryo. Kaya, INGAT! :)