Doppelganger

608 11 0
                                    

A/N: Happy 1K reads! Uwaaaah!! Unexpected talaga! Thank you sa mga bumoto at sensya na kung matagala nag-update si otor. Eh sa nakakalurkey ang wi-fi eh! Kainis! >___<

Oh siya siya. Tama na ang drama.

Here's the update guys! ^___^

Ang storyang ito ay galing sa karanasan sa mommy ng kaklase ko. So ill make her as her POV :)

credit to Renzy's  Mommy! ^___^

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kasalukuyan nandito ako sa loob ng kusina kasi magta-tanghali na at kailangan kong magluto ng ulam para sa pamilya.

Di porket may katulong kami eh dun ko na aasa.

Aba! Baka hihiwalayin ako ng asawa ko!

Di ba may kasabihan po tayo: "The best way to man's heart is through his stomache"

Oh siya! Tama ng drama. Magluluto pa ako.

Hmmmmmm.........

Matikman nga 'to

*plaaaaaaak*

(sensya sa sound effects ^___^V)

Mukhang may kulang na sangkap itong luto ko.

"RENZZZZZZZZZ!!!!!!"

tawag ko sa anak ko

May narinig akong kalampag sa taas hanggang pagbaba.

"Oh?"

Bungad ng anak ko

Tsssss......

Kahit kailan talaga itong anak ko! Ganda ng bungad ha!

"Bumili ka ng magic sarap sa tindahan!"

Utos ko sa aking anak.

"kay"

Hanggang sa nawala siya sa paningin ko.

Tsssss..... kainis na bata!

Maturuan nga ng leksyon!

Psh! -__-

Habang naghihintay, may narinig akong kalabog sa itaas.

Kaya pumunta ako taas baka si bunso iyon.

Pero nung napadaan ako sa sala, nandun naman siya nanood ng TV.

Hmmm....

Sino kaya iyon?

Nasa labas naman si Mister naghuhugas ng kotse at imposible naman si Panganay eh may lakad iyon kasama ng barkada niya. Tatlo kasi ang mga anak ko puro lalaki.

Hmmmmm......

Not unless.......

"Hoy reeeennnnnzzzzzzzzz!!!! Aba! Sumosobra ka ng bata ka ha! Di ba inutusan kitang bumili ng sangkap!"

Nakita ko kasi si Renz naglalakad patungo sa kwarto niya.

At ABA!

Ang lakas ng loob pagsaradohan ako ng pinto.

"HOY RENZ! BASTOS NA BATA 'TO! LUMABAS KA DIYAN! DIBA SABI KO BUM---"

Naputol ang aking sasabihin ng may narinig akong nagsasalita sa likuran ko.

"My? Tinatawag mo ako?"

Pag lingon ko, nandun si Renz nakatayo na may pagtataka sa mukha.

"Saan ka ba galing ha?!"

Tanong ko

"Diba inutusan mo akong bumili ng sangkap sa tindahan? Angats (tanga) lang mommy?? Tsss..."

Aba! At---

"Teka kung kanina ka umalis, sinong nasa loob ng kwarto mo? Eh kitang-kita ko talaga na ikaw iyong pumasok sa silid mo"

Tanong ko sa aking anak.

"Paano po iyon nangyari my eh inutusan mo nga ako?"


Paano nga ba? Hindi naman ako matatakutin. Tsssss bahala na.

"Oh siya! Akin na nga iyang sangkap para matapos nang niluluto ko!"

Sabi ko nalang sa anak ko sabay hablot sa sangkap na inutos ko sa kanya at dumiretso sa kusina na parang walang nangyayaring kababalaghan.

Kababalaghan nga ba?

-----------------------------------------------------------------------------

A/N: okay lang guys? Hahaha. Alam niyo kasu hindi naman talaga matatakutin ang mommy ni renzy. Ewan ko nga ba kung bakit. Sige ito lang muna ^____^

Vote and Comment guys!

-KeeM

True-to-Life Horror Story (A compilation of one shot stories based on real-life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon