A/N: Ang estoryang ito ay karanasan ng aking co-workmate na si Jay. Babae po siya guys ha? :)
So gagawin kong POV niya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Isa akong adventurer na tao. Iyong tipong gusto kong bumisita ng iba't-ibang lugar.
But as for now, maghahanap pa ako ng trabaho dahil KAILANGAN.
Nararamdaman ko talaga na meron akong 6th sense.
Ni hindi ko nga alam kung iyong mga nakasalubong ko kapag naglalakad ako sa daan lalong-lalo na pag gabi is tao o hindi.
Pero hindi ako pareho ng ibang tao na likas matatakutin.
Sadyang sanay lang ako sa 6th sense ko.
Espirtu lang sila, hindi sila makapanakit sa atin.
Dalawa lang kasi ang dahilan kung bakit nananatili sila sa mundo natin.
Either naghahanap ng justice sa pagkamatay nila at hindi sila tanggap ng langit at impyerno.
Kaya palaboy-laboy sa mundo natin.
Ika ng, Matakot ka sa buhay at huwag sa patay.
Anyways, kasalukuyang nandito ako sa bus kasi pupunta ako ng Manila Embassy para ma-proseso ang mga papeles ko papunta China.
Kasi ng naghahanap ako ng trabaho.
Dahil isa akong adventurer, kaya mas prefer akong sumakay ng bus keysa taxi.
Pero sa bus ng pinag-sakyan ko ay hindi naman masyadong maraming pasahero.
Tama lang ang dami.
Naramdaman ko na may umupo sa tabi.
Nasa may bintana kasi ako naka-pwesto para makalanghap ng fresh air :D
So ayun nga, may umupo sa tabi. Hindi ko nalang nilingon.
Iidlip sana ako ng biglang nagsalita ang katabi ko,
"Baba"
Huh?!
Baba daw? o_O
Naguguluhan ako.
Sino bababa? Ako?
Hindi ko sana pansinin ang sinabi ng katabi pero nilingon ko siya.
Pero takang-taka ako na wala pala akong katabi!
Which is far from impossibe kasi nga nakita ko sa peripheral vision ko na may nakaupo sa tabi ko at nagsalita pa nga eh!
Ewan ko pero may nag-udyok sa akin na bumaba.
Kaya sinabi ko sa driver na bababa ako.
Pinahinto niya bus at bumaba na ako.
Saktong-sakto pag baba at ilang distansya lang sa akin ang bus ay biglang sumabog ang bus!
Natakot ako at kinabahan and relieved at the same time.
So kaya pala sinabihan ako ng katabi ko na bababa raw ako kasi may pagsabog na maganap.
Laking pasasalamat ko sa kanya na niligtas niya ako sa kapahamakan.
Isa kaya iyong...........
.
.
.
.
.
.
PREMONITION?
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Totoo na nangyari ito guys though i don't what exact date and year kelan nangyari. Pero lumabas ito sa balita iyong pagsabog ng isang bus sa maynila dahil may naglagay na bomba. At si Jay lang ang nakaligtas sa pagsabog na iyon. So isa pala iyong premonition o babala ng katabi niya.
Votes? Comments? :)
-KeeM
BINABASA MO ANG
True-to-Life Horror Story (A compilation of one shot stories based on real-life)
HorrorCompilation of one shot stories based on real-life stories :) I dare you, sa may sakit sa puso, Kaya niyo bang magbasa na nag-iisa? Ang mundo ay puno ng kababalaghan at nababalot ng misteryo. Kaya, INGAT! :)