Training Room

89 3 1
                                    


A/N: Sorry sa late update busy kc ako this past few months. Hohoho. So here's the story. Enjoy!

Personal experience ko po ito noong training pa lang ako sa bagong call center company. Umalis kc ako previous company for some reason. Basta here it goes.

Meron po kaming mock call at that time tas individual.

Bale isa-isa kayo pumasok sa training's quarter kc mag ma-mock call kayo ng trainer niyo.

Kaya lahat kaming trainees ay pinabunot kami ng numero kung sino ang ma-una at sa kasamaang palad ay ako ang nauna. Kainis! 😑

Kaya lahat sila doon sa training room # 1 at kapag tapos na ay isa-isa kayo papasok sa training room # 2.

Kaya ako ang nauna.

Fast Forward.

Nung tapos na ako ay pumunta na ako sa training room number # 1 para sabihin sa ikalawang nakabunot na siya na ang susunod. Dala-dala ko kc ang keycard ng trainer.

Hindi ka kc basta-basta makapasok sa training room kapag wala kang access o keycard which iyong ID ng trainor. Lahat kami merong access dito so company except sa training room, security section (para sa security o guard ng company) at sa operations floor (at that time pero ngayon meron na kaming access sa operations).

Kaya pumunta na ako sa training room # 2 tapos tinap ang access nang makapasok ako sa loob.

Nung pumasok na ako sa loob, parang hindi lang ako iyong tao sa loob. Meron kc akong pakiramdam na kapag may espirito sa paligid ko. At iyon ang nararamdaman ko sa loob ng training room.

Ginagala ko ang mga mata ko at dun ako naka pokus sa file cabinet sa likod ng last row ng mga pc.

By row kc ang set-up ng pc dito.

Para makita ko lahat ay doon ako nakaupo sa trainers table at buti nlang ay merong magazine (magazine ng isa pang account dito sa company na pinapasukan ko). Kaya iyon nlang ang pinagkaka-abalahan ko. Pero kahit ganun, naka-pokus pa rin ang nga mata ko dun sa file cabinet. Medyo madilim kc ang part na iyon kaya kapansin-pansin talaga plus kinikilabutan talaga ako. Promise!

Pero hindi ko ko nlang pinansin kc kapag papansinin ko, ako lang matatakot plus wala pa akong access ng training room palabas.

Buti naman dumating ang co-trainee ko at may kasama na rin ako sa wakas!

Ikaw kaya ang mag-isa lang sa loob ng training room! Nakakabingi ang katahimikan.

Ng bigla niyang sinabi:





"Oh! May kasama pala tayo!"




At dun lang niya kinuwento nung marami na kami dito sa training room.

Bukas pala ang third eye niya at tama rin ang hinala ko na hindi ako nag-iisa at that time kc may bata dun sa file cabinet nakatayo nung pumasok siya!






Napasarap ang kwentohan namin hanggang sa..................









A/N: may karugtong pa to guys! Sa next story ko nlang sasabihin at dun pa rin sa training room nangyari. Basta please be parient at salamat sa mga nagbabasa sa short story ko kahit minsan parang mali ang tagalog ko. Pasensya na kayo. Hindi kc ako sanay magtagalog. Tubong bisaya po ako!! ^__^

P.S. Happy 10K reads! Im so happy. Love you guys! 😘😘😘

-KeeM

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True-to-Life Horror Story (A compilation of one shot stories based on real-life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon