The Black Shadow

690 10 0
                                    

A/N: Hi guys! i'm back! ^__^

Sorry for the loooooooooong wait. Eh kasi busy si otor sa work niya. Nakaka-stress talaga! >__<

Anyways, ang kwentong ito ay kinuwento sa akin ng neighbor namin na ka-close ko na si Ate Jhing way back when she was in College sa Boarding House na tinutuluyan niya noon.

So, ill make it as her POV :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi! Ako nga pala si Jhing! Pero Thadz ang tawag sa mga ka-boardmates ko.

Ewan ko nga ba bakit yun ang tawag nila sa akin.

Kasalukuyang nandito ako sa 2nd Floor ng boarding house namin kasi naglalaba ako.

It was 12 Midnight na malapit na akong matapos sa ginawa kong paglalaba.

Yeah. You heard it right guys.

Gabing-gabi pero naglalaba ako. Sanay na kasi ako.

Hindi naman ako matatakuting babae kasi sa katunayan nga meron pang gising sa oras na ito kasi may nag-stu-sudy ng lessons, pati silang Kuya at  Ate ay gising pa sa oras na ito.

Ang tinutukoy na Ate at Kuya ko ay ang may-ari sa Boarding House na tinutuluyan ko ngayon.

Jamming kasi sila kahit Muslim sila. Marunong makibagay at makisama sa kapwa nila :)

Anyways, back to reality kung saan malapit na akong matapos sa paglalaba.

Ako lang kasi ang tao dito sa 2nd Floor since nandun ang lahat sa 1st Floor.

Habang nagku-kuskus ako ng damit  (Tama ba ang term? Hahaha) ,

nang may biglang dumaan na anino sa likod ko.

Pero 'pag lingon ko, wala namang tao.

Inisip ko na siguro guni-guni ko lang iyon.

Tinuloy ko ang ginawa ng may bigla na namang anino dumaan but this time, sa gilid ko na.

Pag lingon ko, wala naman.

Ang bilis kasi eh!

Binabalewala ko nalang.

Tapos ng magsampay na ako sa damit na nilalabhan ko, meron na namang dumaan na anino, Itim siya!

Sa likod ko at ang bilis! Muntik ng malaglag ang sinampay ko.

Graaaaabeh!! Ang bilis ng tibok ng puso ko! O___________o

Hindi man ako likas na matatakutin na babae pero this time, lahat ng balhibo ko sa katawan ay nagtatayuan!!

Binilisan ko ang kilos ko sa pagsampay na damit di bale di maayos pagka-sampay basta masampay ko lang at makapanaog rin sa baba.

Nung lumabas ako ng Laundry Room, dumaan na naman ang itim na anino!

Kaya binilisan kong pagbaba sa hagdan. Muntik na nga akong mahulog sa hagdan eh dahil sa takot!!

Pag baba ko, nakita ko si Rose (not true name) ka-boardmate na namumutla.

Tatanungin ko sana siya kung anong nangyari ng magsalita siya,

"A-At-Ate, n-na-na-nakita mo b-ba i-iyon??" tanong niya

"Ang alin?" inosente kong tanong pabalik sa kanya ng may pagtataka.

"Iyong ITIM NA ANINO! Nakit ko kasi noong pumanhik ako sa taas bago ka nanaog! Ang bilis nga ate eh!"

Maluha-luhang sabi niya.

Pagkasabi niya, tumakbo papunta sa salas at iniwan si Rose.

Dahil akala ko guni-guni ko lang iyon, Iyon naman pala, DALAWA KAMING NAKAKITA!!!!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Okay lang guys? Madami pa siyang kwento sa akin na naging karanasan niya sa boarding house noong college pa siya. Kaya, abangan niyo nalang :)

-KeeM

True-to-Life Horror Story (A compilation of one shot stories based on real-life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon