Chapter Eleven (sort of)

774 11 1
                                    

Last update for this year. Masyado akong busy (naks) at baka sa Sembreak ko maiupdate ko to(ulit) pero, I doubt. Yes maikli 'to. Hindi eto 'ung dapat ipopost ko, pero sa ngayon..

고마워, 화재. You were the reason why I continued this crap. Haha. I hope you're reading this.

~

-Mark-

Hinanda ko ang mga maleta ko. Final na ang desisyon ko. Aalis ako. Ano pa bang silbi ng pagsestay ko dito? Masasaktan lang ako.

Nakakainis. Bakit kasi kailangan ko pang marining ang lahat? Bakit? Bakit siya ang pinili ni Ice at hindi ako?

Noong sinamahan ni Ice si Troy, lumabas din ako. Kung mali man ang sasabihin ni Troy kay Ice, maririnig ko at ako ang magsasabi ng totoo.

Pero wala. Mas malala pa ang nasaksihan ko.

Hindi niyo maiintindihan, kahit paulit-ulit niyo ko pakinggan.. Hindi niyo talaga maiintindihan. Naka-tatak na sa 'kin 'ung sakit, 'ung heartbreak, hindi ko na nararamdaman, pero hindi ko kaya kalimutan.

That's the last straw. Tama na ang pagpapakatanga. If they don't work out-- hell, they will, and have to, because I'm two steps behind them, and I'm gonna watch them intently. The minute na saktan niya si Ice, ako na ang kusang aagaw.

Nakakapanghinayang, ano? Akala ko talaga magiging kami ni Ice.. akala ko lang pala.

Tinawag na ang flight ko. Kaya ko ba? Oo kaya ko.

Pagbalik ko, at sila pa rin, sisiguraduhin kong kaya ko nang tumingin sa mata niya at sabihing, "hindi na kita mahal."

The Coldest IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon