Chapter 7- Saranghae

1.2K 24 4
                                    

(A/N: Wala akong mapiga. Sarreh, okay. Sarreh.)

Troy-

Hindi ko alam kung paano ako napilit ni Mark na pumunta dito sa bahay nila Ice. Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang tapang na pumasok dito. Tangina, ako na torpe pero kasi naman eh, kinakabahan talaga ako.

Nandito ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Ice, sabi kasi nung maid nila, nandito siya sa kwarto niya. Madalas naman kapag napunta ako dito derederetso lang ako. Ni hindi nga ako kumakatok. Pero ngayon hindi.

Kasi maraming nagbago.

Kasi awkward na.

Kasi alam at inamin ko na sa sarili ko na gusto ko siya.

At...

Oo na, kakatok na ko hindi muna ako magmomonologue =_=

Kumatok ako ng tatlong beses. Pero wala. Teka, paano pag nakaheadsets to, shunga naman oh.

Kumatok ako ulit, mas malakas. Pero wala. Isa pa uli. Tapos isa pa. Tapos isa pa. Pero wala!

Sa inis ko bubuksan ko sana 'yung pinto niya... pero nagbago isip ko. Kinakabahan talaga ako eh.

Umupo ako sa harap ng pintuan niya. Five minutes lang naman siguro. Then tumayo ako. Man up, Troy.

Kumatok ulit ako, pero wala talaga, "Ice?" I called. Pero wala. So nag-simula na lang ako magsalita.

"Ice, I like you. No doubts, no uncertainties, ikaw na talaga Ice. And I'm willing to step from the friendship line to the other side, gusto ko magtry. Mas okay naman na magsisi dahil ginawa ko, kaysa hindi," I stopped. Naririnig naman kaya niya ako? I sighed, "I.. really want you. Alam kong natatakot ka na masira ang pagkakaibigan natin but please.. Let's give it a try. Liligawan kita and that's final."

I held my breath before opening the door. Bam. She was sleeping.

Napabuntong hininga ulit ako. Sa haba ng sinabi ko, hindi niya naman pala narinig? Hay jusko.

Umupo ako sa gilid ng kama niya. She's still pretty kahit medyo gulo gulo ang buhok. Right Troy, in love ka talaga. I smiled at that thought. I kissed her forehead without even thinking about it and to my surprise she shot her eyes open.

"Troy!" she stood up. "Nanliligaw ka pa lang, kiss agad?! You bastard! Nakakailan ka na! Pang apat na 'yan!"

"Binibilang mo, ha?" I laughed. Teka, did she-- "so pumapayag ka na?"

Hinampas niya ko. "Stop embarrassing me!"

"Hindi naman, ah! Nagtatanong lang!"

"Magtatanong ka na lang obvious pa 'yung sagot!" she exclaimed.

"So it's a yes?"

She rolled her eyes, "it's not that sasagutin kita."

Ewan ko pero naging malungkot ako. Grabr kahit pabiro 'yun... Wag naman!

"Joke lang," bawi niya agad.

Tumalikod ako, kunwari nagtatampo.

"Troy hindi bagay."

Hindi ako humarap.

"Troy!"

Hindi pa rin.

"Kasi! Isa!"

"Dalawa!" Lumapit siya.

Hindi ako lumilingon.

"Troy--" paglingon ko sakto sa... sa... lips niya. "How dare you! That was my fifth! I hate you!"

The Coldest IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon