Chapter 20- Where are you?

514 13 0
                                    

Pasukan.

If you're thinking na magkasama na kami ni Ice, well, you're wrong. Damn wrong.

January 3 dapat ang uwi niya... pero wala pa rin siya. January five na ngayon.

"Troy, malelate na tayo!" sabi ni Karen. Nakatayo pa rin kasi ako dito sa gate, hinihintay na dumating si Ice.

Pumasok lang kami ng marinig ko 'yung bell. Wala pa rin.

~•~

Puro useless shits lang naman ang klase. Mga essay na ginawa noong vacation, wala naman akong ibang magawa. Wala tuloy maisulat.

Inisip kung kamusta na si Irisdessa C. Epino. I wrote in my paper. Pero binura ko rin kaagad.

Nakakamiss.. nakakainis. Nakakafrustrate. 'Yung hindi mo mashake off 'yung feeling na baka may nangyayaring hindi mo alam?

I miss Iris so bad. Nakakabaliw. Sabi nila, kapag wala ang isang tao, mababawasan ang pagmamahal mo. They are wrong. I fall for Ice harder, every single day, kahit wala siya sa tabi ko.

"You okay?" Kevin asked.

"Yep," pagsisinungaling ko.

Okay lang ba si Iris? May problema ba sa kumpanya nila? Ang daming tanong. Nakakagago. Kasi kahit isa walang kasagutan.

Kevin smiled at me.

"Baka nadelay lang flight, wag ka masyado paranoid, mahal ka nun," Kevin joked.

Ngumiti na lang ako.

~•~

Ako pa ang naging tanungan nila. Kanina, inexcuse pa ako ni Pat sa klase, tinatanong kung nasaan si Ice. Sabi ko wala pa rin.

Nasaan ka na ba, Iris?

Ang tagal maubos ng oras. Gusto ko na umuwi. Nandun na kaya si Ice? Baka naman nakauwi na... hindi lang pumasok? Nakakainis! Bakit ba kasi paranoid ako? At kabang-kaba?

"Mr Sy, please pay attention," sabi ng teacher namin. Tinatawag pala ako para magrecite. Pero wala akong naririnig. Tinanong nila kung ayos lang ako. Nagdahilan na lang ako na masama ang pakiramdam ko, kaya pinapunta nila ako sa clinic. Nung chineck ng school nurse 'yung temperature ko, surprisingly, may sakit nga ako.

Pinayagan ako umuwi, ni hindi ko alam kung paano ako nakarating ng maayos. Siguro pinagsama-samang puyat, stress at kung ano-ano pa kaya ako nagkasakit.

"Uminom ka ng gamot tapos magpahinga ka," sabi ni Mama.

Uminom naman ako at nagpaghinga. Pagod na ako.

~•~

Pag-gising ko, walang balita kay Ice. Ni hindi siya nag-online. Kahit si Fen.

Nakakalungkot.

Tumingin ako sa orasan. 2:11.

Tadtad ako ng message kay Karen. Si Kevin naman, tumawag. Nakalimutan ko nga pala sila itext. Naggm ako sa kanilang dalawa.

Nagbihis ako at naligo, tapos nagjacket. Lumabas ako. Maglalakad lakad. Mababaliw ako kakaisip kay Ice.

Unfortunately for me, napadpad ako sa bahay nila. Walang ilaw. Wala pa rin talaga.

Pupunta sana ako sa park kaso nakita ko 'yung mga security guard na nagiikot ikot sa village pagka gabi. Shit. Curfew. Agad akong bumalik sa bahay.

Nakatulog ako bandang four, pero noong gigisingin ako ni Mama para pumasok, mas tumaas pa daw ang lagnat ko. Ba naman, ang lamig lamig kasi kanina, tapos lumabas pa ako. Napa-tsk siya at sinabing kung hindi daw bababa ang lagnat ko, dadalhin niya sa ospital.

Sabi ko magpapahinga lang ako, wag siyang paranoid. Then I mentally laughed. Wag paranoid? Kinakausap ko ba ang sarili ko?

Siguro nagising ako bandang ten, wala na akong lagnat. Sinat na lang, at medyo masakit ang ulo ko. Mabigat ang katawan. Ipinagluto ako ni Mama ng arrozcaldo at kumain.

"Anak, may pumunta kaninang babae dito, lagi mong ikinukweto nakalimutan ko pangalan," sabi ni Mama.

Itatanong ko sana kung si Ice, kaso naalala ko na kilala niya 'yun. Pero sino naman kaya? Ah, baka si Karen.

"Si Karen po ba?"

"Oo, ayun ata. Kinakamusta ka. At magpagaling ka daw dahil may balita siya kay Iris."

Agad akong tumayo para kunin ang cellphone ko. Sakto reccess nila ngayon.

"Hello Troy? Ayos ka na?" Karen asked.

"Medyo. Ano yung..." naghesitate pa akong itanong 'yung kay Ice.

She sighed. "It's not really a good one, and I don't want to tell it over the phone, dadaan naman kami ni kuya diyan mamaya."

I sighed. Mukhang importante eh. Hihintayin ko na lang.

~•~

"I forced Papa na silipin lahat ng Beijing-Manila flights," Karen said.

"Paano mo nagagawa yan?" I asked.

She just smiled.  "Don't ask. My father's got sources. Anyway, so ayun nga.."

"Ano?" I asked hastily.

"Wala pa ring Iridessa C. Epino ang nagbobook ng flight.."

I sighed. Ano ba ang nangyayari?

"The minute I found out she is going to China, nagalit ako. Alam ko na eto ang mangyayari. Hindi na siya papakawalan ng Papa niya. Ice never go to China unless Mama niya ang nagpapatawag. She never did. Ayaw niya doon. And wala naman talagang pakialam ang Papa niya sa kanya noon, dahil hindi siya ang dapat na tagapagmana. Si Fen. But she got pregnant and... napasa lahat ng responsibilidad kay Ice.

She never wanted it, but she has no choice. Wala na silang maasahan sa ate niya. Kaya pumayag siya. They had this deal that she will work for the company, after she graduated. And you came. Naisip siguro ng Papa niya na magiging distraction ka lang kaya.. rinush niya si Ice. Sabi niya, magbabakasyon lang si Ice, pero.." Karen explained.

"That is just our theory, Troy. Kilala namin ang Papa ni Ice. We know he could do such things. But Ice is smarter, you know? Magagawan niya 'to ng paraan."

Natahimik ako. Ang dami palang nangyayari. At kahit isa, wala akong alam.

"Bakit hindi niyo kaagad sinabi sa 'kin?" sabi ko. Hindi ko itinago 'yung galit at pagkadismaya ko.

"Ayaw namin makialam," Karen snapped. "Pero narealize namin ni Kevin... involved na kami eh, kaibigan namin kayo. The thing is.. we thought Ice told you."

"But the way we see it, mukhang tinago niya sa'yo. Ayaw niyang magalala ka. Gusto niya maayos niya 'to mag-isa ng hindi mo nalalaman," sabi ni Kevin.

Napatungo ako. So ano ako ngayon? Isang walang kwentang boyfriend? Ganon?

"Wala akong kwenta," I said.

"Hindi ganun, Troy. Hindi basta basta ang pamilya ni Iris. Hindi porket mahal niyo ang isa't isa, papabayaan na nila kayo. Hindi nila kinoconsider ang nararamdaman ni Iris. She knows what her family is capable of, and she doesn't want you involved. Troy, if dumating man sa point na madamay ka, madadamay ang Papa mo. 'Yung trabaho ng Papa mo. Paano kayo ng Mama mo? Naiisip niya lahat 'yun, Troy," paliwanag ni Kevin.

Tahimik lang ako. Wala naman kasi akong magagawa, hindi ba?

"She'll find a way, Troy. You just have to wait. We will wait."

Hinihintay ka na namin, Iris.

The Coldest IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon