Chapter 16- California

619 10 0
                                    

~16

-Mark-

Sino ba kasi nagsabi sa akin na magbukas pa ng facebook? Ayan tuloy. Nadedepress lang ako.

Nakikita ko lang ang mga posts nila. Masaya talaga sila kahit wala ako, ano? May ipinalit pa silang kaibigan, and take note, dalawa pa!

Hindi naman sa nagseselos ako kay Karen at Kevin, kakilala ko rin sila, pero kasi!

"Huy, ano na naman 'yan?" Nandito na naman si Rain sa bahay. Kaasar kasi hindi ko siya mapaalis! Kahit anong gawin ko, wala! Matigas talaga mukha niya.

'Yun bahay niya kasi, katapat lang namin. Oo! Katapat lang namin! Ewan ko kung paano niya napaalis 'yung nakatira dun.

"Facebook," sabi ko. Since hindi ko siya mapaalis, hinahayaan ko na lang. Nakiki wifi at XBOX lang naman siya eh, and nakikikain, since magisa lang siya sa kanila. Nagbibigay naman siya ng share sa pagkain. In fact magkasundo sila ni Nana Alma, mahilig kasi magluto si Rain.

"Tsk, tapos mag-eemo ka? Eh kung binablock mo na lang 'yan sila Ice!"

"Edi nagmukha akong bitter?" sabi ko.

"Bakit hindi ba?" she said.

Napa "=_=" na lang ako. Tama kasi siya eh.

"Wait.. sa tingin mo alam nilang nandito ako?" I asked.

"Siguro. Hindi naman tanga si Ice," she said.

"Edi alam niya rin na.. na magkasama tayo?!" I said.

"Siguro. Pero wala namang pakialam 'yun." And again, she was right.

Umupo siya sa tabi ko at kumain ng chips. Sinilip niya 'yung iPad ko, pero tinatago ko.

"Ano baaa!" sabi ko.

"Madamot! Patingin kasi!" Inagaw niya. At nung nakuha na niya nagsimula siyang tumakbo. Naghabulan kami sa labas, sa sala, umakyat pa siya sa taas at bumaba ulit, tapos sa kusina. Pag dating sa kusina nahuli ko siya sa baywang. Napaharap siya sa 'kin at muntik na siyang ma out of balance pero nasalo ko 'ung likod niya. Kaso ako naman ang naout of balance kaya..

"I'm back, anong lulutuin ko-- JUSKO! Ano ba naman 'tong mag ire!" Nasa itaas ako ni Rain nang biglang pumasok si Nana Alma.

"N-Nana Alma! Teka! Mali po ang iniisip niyo! Kasi ano... inaagaw niya sa 'kin 'ung iPad!" sabi ni Rain.

"Eh iPad ko 'yan eh! Bakit mo kinuha?!" I said.

"Nanghihiram lang kasi!"

"Meron ka namang iPad, 'ung akin pa!"

"Osya, tama na 'yan!" awat ni Nana Alma. "'Ku, kayo talaga, para kayong mga bata! Dun na kayo sa sala mag away at magluluto na ako! Pag kayo nagkatuluyan eh!"

"ASA!" sagot ko.

~

"Oy," pumasok si Rain sa kwarto ko. Hindi naman siya off limits dito. Nakakapasok siya kung kailan niya gusto. Kahit naman pigilan mo, wala kang magagawa.

Tinignan ko siya.

"A-ano.. aalis ako." Medyo nagpanic naman ako. Hala paano kung hindi siya makabalik bago mag-pasukan? Ayoko pumasok mag-isa. Baka magmukha akong tanga!

"Ha? Hindi pwede!" sabi ko.

"Hindi naman ako maguuwi ng Pilipinas eh! Magbabakasyon ako!"

Natigilan ako. Seriously, Mark? Sanay-sanay ka na sa presensya niya? Nako ha!

Kasi, paanong di masasanay! Laging nandito, kulang na nga lang, dito na rin siya matulog eh. Pero... it's nice having someone who's always on your side.

The Coldest IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon