Chapter 26- New home

526 14 0
                                    

-Troy-

"That is unfair! Wag mo naman kami iwan!" sabi ni Karen.

It's already March. Don't ask if the pain decreased though, because it definitely didn't. I miss Iris every single day.

"Karen..." I said. "You know I have to." 

"What, pati kami kakalimutan mo?"

I smiled. "It's not like that. I'll be back when I'm ready."

"Para mo na rin kaming iniwan..." she said.

I patted her head. "This will be for the best."

"Pero--"

"Shh! Si Kevin nasa stage na!"

May award si Kevin, kaya nandito kami ni Karen ngayong Recognition Day. Magkakaroon din sana ako eh, kaso masyado akong maraming absences. Umakyat si Kevin to get his medals. Yup. Two. Akalain mo kahit super late transfer siya may award? Magaling. Haha.

Proud sister naman itong si Karen at picture ng picture. Inaasar ko nga eh, wala kasing award. Sabi buti pa si Kevin but she just laughed. Hindi niya pinatulan. Not like before, she would probablly pinch me or hit my head. Pero wala.

Naiinis ako pagkaganun. Hindi lang naman siya, eh, maging si Mama. Pag nasa grocery kami, lagi siyang, "Allen, pili ka lang gusto mo," parang bata ako na iniispoil. Binilhan ako ng bagong sapatos, cellphone at gadgets ni Papa. Si Kevin naman, tuwing naglalaro kami para bang laging nagpapatalo. I get it. They are trying their best cheer me up. Pero sa totoo lang... wala, eh. I want to tell them, ayos lang, ayos lang, hindi niyo naman kailangan maawa sa 'kin, eh. Ayos lang. Sapat na naawa ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'kin, basta ang alam ko, malungkot ako. Hindi ko alam kung anong magpapasaya sa akin. Tinatry ko rin naman magpakasaya eh. Tinatry ko gawin 'yung mga bagay na nakahiligan ko dati. Magbasa. Makinig sa music. Movie marathon. Pero wala. At the end of the day, I'm on my bed, looking at the ceiling and remembering every memories I had with Iris since day one. I got it bad, I know. Pero hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw na ako. One time, I even asked Mama if I could at least see Ice's body, but sabi niya nasa China daw. Tangina lang, ano? Wala na siya lahat lahat linalayo pa rin sa 'kin? Ang sakit.

"Papicture naman kami, Tr--Allen!" Lately Karen is trying to call me Allen. Nararamdaman niya ata na nalulungkot ako if somebody calls me Troy.. it's just.. everything reminds me of her.

Pinicturan ko sila. After nun, kumain kami sa labas. Tapos umuwi na rin.

~•~

"Agad, Allen? Iiwan mo na si Mama?" she joked. Nakaimpake na lahat ng gamit ko. Aalis na ako pa-Manila ngayon.

"Ma..." I said. "Maganda rin naman 'to para sa 'kin. Uuwi naman ako every weekend."

"Magsisixteen ka pa lang, Allen. Iiwan mo na kaagad ako?" she said. Kahit nagbibiro siya maluha-luha na siya.

I know I have to do this. I have to leave this place. Pansamantala lang naman eh, hindi... hindi ko talaga kaya. Masyadong masakit. Traumatic. Tama si Mama, magsisixteen pa lang ako. Pero grabe na ang mga nangyayare sa buhay ko. Pakiramdam ko masyadong marami, at masyadong mahirap para sa kagaya ko.

Nag-apply ako ng scholarship sa isang school sa Pasig. Doon ko itinuon lahat ng oras ko. Nagrant ako at isa na akong full scholar. Nga lang, malayo. Kailangan ko talaga na duon na magstay, masyadong malayo kung uwian. Katapusan ng March ngayon, pero nagpilit na ako na magstay sa Pasig. May condo, kami roon. Dati naming pinagtirhan nung sa Quezon City pa nakabase si Papa. Duon ako titira. Wag mo na itanong kung paano ko sila napapayag.

The Coldest IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon