Chapter Two- Vulnerable

3.2K 40 12
                                    

"Seriously, Ice. Tinkerbell and the Great Fairy Rescue?" Kanina pa ko tawa ng tawa dito.

"Shut up, Troy. Bakit ba? Vidia's cute." Natawa naman ako. Si Vidia kasi dun ung medyo maldita.. Parang s'ya.

Nandito ako sa bahay ni Ice. Yep. We got closer. I really can't believe I managed to be her. Minsan, mapapanis laway mo, she barely talks. At kung magsalita man s'ya, english. Mapapasubo ka talaga. Minsan nakaka-intimidate s'ya kausapin, masyado s'yang matalino.

It's Saturday, 9 o' clock in the morning. May practice kami ng sayaw mamaya sa bahay nila Raoul, dito lang din sa Lim Executive Village. Kaya dumaan muna ako kila Ice. But she was already up at 6, sanay daw s'yang maaga gumigising pag Saturday, kasi nagjojogging s'ya. Pagdating ko sa kanila, I caught her watching cartoons. Tinker bell pa!

"I mean, come on, it's you, Ice. You hate stuffs like that." It's been, just 6 days I guess? Pero parang, kilalang kilala ko na s'ya.

"You need a break from a reality sometimes." she shrugged. Here she goes again, her words of wisdom.

"Dudes!" Dumating si Mark.

"Why are you here?" sabi ni Ice. "Umalis ka nga!"

"Tse!" sabi ni Mark. Humiga s'ya sa kama ni Ice. "Pahiram ng Deathly hallows! Wala akong makitang pdf sa net. Meron man pero ayaw ma-read sa iPad ko." sabi ni Mark. Sineryoso niya na magbabasa siya ng HP. Pero nagsimula s'ya dun sa panglimang libro.

"Ayoko nga." sabi ni Ice. Pero nakuha na ni Mark sa bookshelf n'ya. "Uy tara na, pag-initan nanaman tayo ng mga 'yun. Magsa-start na 'ung practice.

Ice stood up and grabbed her bag. "Tara."

~

Like Mark said, pinagiinitan kami. 'Ung tipong, mag-gugrupo grupo sila, hiwalay kami. Outcasts. Pansin naman namin 'yun. Pero to be honest, I'd rather be with Ice than be with them. The other day, Ice said that I should keep my distance from her, pero sabi ko ayoko. I guess she was just waiting for me to say that, because after nun, hindi n'ya na ko pinaalis.

There's something from her, basta, hindi ko alam, I want to know more about her. No, don't get me wrong, it's not like I already like her more than friends, but she's very opaque, and kung ako ikaw, ma-cucurious ka rin. Tama, 'yun, nakaka-curious kasi kung ano ba talaga s'ya, at sino

"You're idling." Ice said. "Nandito na tayo." Bumaba kami ng kotse nila, hinatid kasi kami ng driver nila sa bahay nila Raoul. Buti na lang naunahan namin 'ung mga kaaway ni Ice, hindi kami mapag-iinitan.

"Hey guys." Bati sa 'min ni Raoul. "Aga natin. Upo muna kayo, wala pa naman 'ung iba." Meeting place lagi dito sa bahay nila Raoul, hindi naman kalakihan 'ung pinaka-bahay, pero may garden kasi sila, medyo malaki 'ung space, dun kami nag-papractice.

"So Ice, napractice mo na routines mo?" Tanong ni Raoul kay Ice.

Ice nodded. Pag alis ni Raoul--

"Fuck no. I didn't. I hate dancing. Why would they even put me in front?!" she said to us. Tumawa si Mark. Well, okay naman sumayaw si Ice, in fact, more than okay, tinatamad lang talaga s'ya. If I know, kaya ayaw n'ya sumayaw, kasi katabi n'ya si Rain. Pag pinapractice nila 'ung routine na 'yun, todo bigay si Rain, pero si Ice... We all know sinasadya n'ya yun. Sabi n'ya aayusin naman daw n'ya pag mismong show na.

Dumating na ung iba at nagsimula na kami mag-practice. Madali naman kami nakakaraos bawat routine, pag tinuturuan 'ung boys, sumusunod. I wondered why. Sabi ni Mark 'ung mananalo daw kasi, exempted sa monthly exams sa mga minor. Magaling magturo si Raoul, bit by bit, hindi n'ya kami minamadali. Kapag may isang hindi makuha 'ung step, he would teach him/her personally while the other who got the routine practice. Organized.

The Coldest IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon