Pinipilit ni Leila na mag concentrate sa binabasa niyang libro pero lalo lang itong na de-depress. Kung bakit naman kasi sa lahat ng libro na pwede niyang dalhin ay Twilight Saga pa ang nadala niya dito sa Baja Resort. Love story of the century!!! Pero wala na siyang choice ngayon. Gustong matawa ni Leila sa sarili, nasa most romantic and beautiful resort siya pero, eto, nagbabasa siya ng libro. Patawa talaga.
Nakaupo si Leila sa isang umbrella beach bench at nagsimula uling basahin ang libro niya nang napansin nito ang isang lalaki na may dala dalang walong malaking kahon na nagpatong patong. Ibinaba ni Leila ang kanyang libro matapos niyang lagyan ng bookmark.
Pinagmamasdan niya ang lalaking may dalang boxes na mukhang aakyat pa sa hagdan na nasa malapit sa bench niya. Aalukin pa sana ni Leila ng tulong ang lalaki nang mahulog ang tatlong boxes na dala dala nito. Bigla na lang tumayo si Leila at dali daling nilapitan ito at nagsimulang tulungan ang lalaki.
" I got it,"sabi ni Leila sabay kuha ng tatlong boxes na nahulog. Magaan lang pala ito.Ibababa na sana ng lalaki ang mga boxes pero nagsalita si Leila. "Ako na ang magdadala nito. Turo mo na lang ang daan."
The guy smiled sheepishly."Thank you," sagot ng lalaki sabay akyat sa stairs. Sumunod si Leila sa kanya hanggang makapasok sila sa loob ng isang kitchen. Sa back door pala sila ng resort kitchen pumasok. Ibinaba ng lalaki ang dala dala niyang boxes sa isang malaking table at ganoon na rin ang ginawa ni Leila.
"Hi ! I'm Troy ,"pakilala ng lalaki sa kanya sabay abot ng kamay niya para mag handshake. Inabot ni Leila ang kamay nito and shook his hand. Bago pa nakasagot si Leila ay may paparating na isang matanda na nakachef ang suot. Lumapit ito sa kanila. "Eto naman si Tatay Ben, ang main chef dito sa resort,"pakilala din ni Troy sabay tapik sa balikat nito."Thank you uli sa pagtulong mo. I really appreciate it."
"I'm Leila Chase,"pakilala din ni Leila na inabot ang kamay ni Tatay Ben para mag handshake," and don't worry about it. Magaan lang naman ang mga boxes eh. You looked like you really needed the help."
"Salamat Iha. Ito kasing si Troy eh. Sinabi ko na na magpatulong eh. Hintayin ninyo akong dalawa dito at may kukunin lang ako,"nagmamadaling sabi ni Tatay Ben at umalis na ito.
"Okay Tay," sagot naman ni Troy .
Sandali lang itong umalis at bumalik ito agad na may dala-dalang dalawang shake. Binigay nito sa kay Troy at Leila. "Thank you sa tulong ninyong dalawa,"sabi nito." Eto, magpalamig muna kayong dalawa."
"Wow! Hindi ko 'to tatanggihan Tatay Ben,"sabi ni Leila sabay sip sa shake niya."Sarap! Strawberry Banana Shake. My favorite. Thank you Tatay Ben."
Napangiti lang si Tatay Ben." Welcome iha. Thank you din sa tulong mo kay Troy.O siya , doon na kayo sa labas at mainit dito.. Mag-aamoy kayong ulam. Nagsisimula na silang maghanda ng mga pagkain eh."
Nagpaalam silang dalawa kay Tatay Ben at bumaba na. Dumiretso sila sa bench kung saan nakaupo si Leila kanina.
"Sit down and join me Troy, kung wala ka ng gagawin," sabi ni Leila kay Troy at umupo na si Leila sa bench. Si Troy ay umupo na rin sa kabilang chair.
Napatitig si Leila kay Troy at may napansin ito." You know , you look like......" sabi nito pero hindi niya na tinuloy dahil nakita nitong umiling si Troy." Never mind".
Napangiti si Troy na nakatingin kay Leila." No, it's okay. Finish what you are about to say,"sabi ni Troy." I look like who?" urge pa nito.
Tumawa si Leila."Wag na. You don't so look happy about it," sabi ni Leila."We can talk about something else. You can tell me something about you instead".
BINABASA MO ANG
Sunset
RomanceThey say sunset is meant to be shared by the person you love the most. What if you found that special someone? What if you can share sunset with him but could never have him? Leila met Troy and was lucky enough to have watch sunset with him ..... bu...