Talo
-✍🏻"Bakit di mo magawang umamin?" sambit ko sa kaniya ng at kumirot naman aking puso. Matagal na kong may lihim na pagtingin sa kaniya, pero iba ang tinitibok ng kaniyang puso.
"At bakit naman ako aamin? Kung sa una pa lang talo na ko." malumanay niyang saad, pero ramdam kong nasasaktan siya sa mga salitang kaniyang binitawan.
"Eh bakit hindi mo buksan muli ang puso mo, magmahal ka ulit, mahalin mo yung taong makakaintindi sayo at mamahalin ka rin ng buo." saad ko at bumuntong hininga pa.
"Sa tingin mo ganoon na lang kadali iyon?" tanong niya sa akin. "Hindi ko alam kung totoo ba yung kutob ko na may gusto ka sa akin, pero gusto kong malaman mo na hindi ka naman mahirap mahalin pero...pero---" pagpapatuloy niya pero hindi ko na siya pinatapos at dahan-dahan ng tumulo ang mga luha ko hanggang sa humagulgol na ko.
"Hindi mo naman kailangan sabihin sakin yung dahilan kase katulad mo alam kong sa una pa lang talo na ko at wala na talaga kong lugar diyan sa puso mo! Hindi ko nga alam kung bakit ba ako nahulog sayo eh...ang hirap umasa pero kasalan ko rin naman kasi umasa ako na mamahalin mo rin ako, kaso mali pala ako. Pasensya na ah hindi ko sinasadyang mahalin ka ng sobra" hagulgol kong sambit at tsaka umalis na wasak ang aking puso.
🎶~aking pagmamahal sana nama'y maramdaman
at malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito~🎶🎶~aking pagmamahal sana nama'y masuklian
at ang nais ko lang sa iyong maramdaman
ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito~🎶Song title: Aking pagmamahal.💖
![](https://img.wattpad.com/cover/194656054-288-k797741.jpg)
BINABASA MO ANG
One-shot Stories
Short StoryMga istoryang maiikli ngunit siguradong swak at saktong-sakto sa inyong mga panlasa. Ang inyong mga imahinasyon ay aking papalawakin, dahil masyadong maraming karakter ang inyong matutunghayan.