Pagkakamali🥀

12 3 0
                                    

Pagkakamali
-✍

"Masama bang magmahal?" Tanong ni Kein sa'kin. Napalingon naman ako dito at kunot noong tumingin sa kaniya.

"Hindi namam. Bakit mo naitanong?" Sabi ko pero umiling lang siya.

"Wala naman. Kala ko kasi masama eh." Natatawang sambit pa nito at nahawa naman ako sa tawa niyang yon.

"Kung masama ang magmahal, bakit pa tayo nabuhay sa mundo? Bakit pa tayo naging tao? May pakiramdam at emosyon tayo, kaya normal sa ating mga mortal na magmahal. Hindi masama ang magmahal, Kein. Nandito tayo sa mundong ibabaw para magmahal at mahalin." Pagpapaliwanag ko dito at lumiwanag naman ang mukha niya.

"So ibig sabihin may chance na ko?" Deretsa niyang tanong at natigilan naman ako.

"A-anong ibig mong s-sabihin, Kein?" Utal utal kong tanong at tumawa naman siya ng mahina.

"Hindi pa rin ba obvious? Haysss...sabagay ilag din ako sa'yo minsan eh." Nakangiti niyang tugon pero hindi ako sumagot.

Lumingon siya sa'kin ng wala siyang narinig ni isang salita man lang.

Huminga ako ng malalim at tsaka nagsalita.

"Sigurado ka bang mahal mo ko? Aalis ako at pupunta ng ibang bansa. Pagisipan mo muna yang nararamdaman mo." Malungkot kong saad at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Kaya kitang hintayin Xai. At sigurado na ako sa nararamdaman ko." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinalikan 'yon.

Napangiti ako dahil nakikita ko na seryoso siya.

-----------

"Mr. Kein Simon, do you take Ms. Ina Peña to be your lawfully wedded wife?" Tanong ng pari kay Kein.

"I do." Sagot naman nito at agad namang nangilid ang mga luha ko.

"Ms. Ina Peña, do you take Mr. Kein Simon to be your lawfully wedded husband?" Tanong uli ng pari sa kaharap na babae ni Kein.

"I do." Sagot nito habang napapaluha pa.

"By the power invested in me, I now pronounce you, husband and wife." Sabi ng pari at nagpalakpakan naman ang mga tao na nasa loob.

Habang ako ay tumakbo sa kung saan at doon umiyak. Napahagulgol ako dahil hindi ko matanggap ang mga nakikita ko. Masyadong masakit.

Sandali pa akong nanatili sa kung nasan man ako at umiyak.

Napagdesisyonan kong umalis na at inayos ko naman ang sarili ko.

Huminga muna ako ng malalim bago pumunta sa reception.

Nang makarating ako sa reception ay nakita ko si kein na tumayo at papunta siguro sa CR.

Pagkakataon ko na to para makausap siya kaya sinundan ko siya.

Nang makapasok na siya sa CR ng mga boys ay naghingat lamang ako sa labas.

Narinig kong gumalaw ang doorknob ng CR kaya hinanda ko na ang sarili ko.

Lumabas siya at gulat na gulat siya ng makita ako.

"X-xai." Gulay niyang sambit. Ngumiti namana ako ng pilit at huminga ng malalim.

"K-kein." Sambit ko habang nararamdaman ang mainit na likidong namumuo sa mga mata ko.

"A-anong ginagawa mo d-dito?" Utal utal niyang tanong.

"S-sabi mo hihintayin mo ko." Hindi ko sinagot ang tanong niya pero nagulat ako ng umiyak siya.

"U-umalis ka na d-dito." Nakikiusap niyang tugon pero umiling lang ako.

"Ang sabi mo a-ako yung m-mahal mo?" Umiiyak ko na ring sambit.

"Umalis ka na dito!" Galit niang sigaw ngunit hindi ako natinag.

"Anong nangyari, Ke---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumigaw na naman siya.

"Manahamik ka na, Xai Pakiusap! 'Wag mo na kong guluhin!" Pagmamamakaawa niya. Hahawakan ko sana siya pero lumayo siya. "Huwag kang lalapit! Huwag mo kong hahawakan!" Takot na takot niyang sambit.

"Anong bang nangyayari sa'yo, Kein!?" Hindi ko na naiwasang sigawan siya.

"Patay ka na, Xai!" Sabi niya habang umiiyak. Natigilan naman ako at tinignan ang buo kong katawan. Wala namang mali sa'kin. "P-pinatay kita, X-xia." Mahina niyang tugon at doon ko naalala ang lahat.

-----------

"Hindi ka aalis!" Sigaw sa'kin ni Kein, pero patuloy lang ako sa pagiimpake.

"Ano ba, Kein!? Napagusalan na natin to, diba!? Hayaan mo na lang ako!" Pagmamatigas ako at nagulat naman ako ng tumingin ako sa kaniya dahil may hawak na siyang rebolber. "A-anong g-gagawin m-mo?" Kinakabahang tanong ko habang paatras ng paatras.

"Sorry, pero kailangan kong gawin to. Hindi ka aalis." Pagkasabing pagkasabi niya ng mga katagang iyon pinutok niya na ang rebolber sa mismong ulo ko at nandilim na ang paligid ko, natumba ako at nakita ko na lang ang sarili ko sa labas ng simabahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon