Katotohanan
-✍🏻"Para kang isang rosas na namumukod tanging namumukadkad sa isang malawak at magandang hardin..." panimula niyang sambit sa akin habang ako naman ay nagtakip ng pamaypay sa aking mukha.
"Isang binibini sa aking harapan ang pumukaw ng aking mga mata, hindi lang yata mata ang iyong nabihag sa akin, binibini, kundi pati na rin ang aking puso" patuloy niyang saad.
"Iyo yatang iniisip na dinadaan lamang kita sa aking mga mabulaklak na salita, ngunit pangako, totoo ang aking mga sinasabi." sambit niya sabay taas ng kaniyang kanang kamay bilang pagsenyas ng pangako.
"At paano naman ako nakasisiguro, ginoo, kung ikaw nga ay totoong tunay at tapat sa akin?" tanong ko sa kaniya na may halong kilig na nararamdaman.
"Abutin ko man ang mga tala, maghintay man ako ng matagal sa ating unang tagpuan, ikaw pa rin ang pipiliin at hahanapin nitong puso kong umiibig." hindi ko maiwasan ang pamumula ng aking mga pisnge habang binibigkas niya ang mga katagang iyon.
"Mahal kita, binibini, at iyon ang lagi mong tatandaan dahil ikaw lang ang aking sisintahin hanggang kamatayan." sambit niya na agad ko naman tinugunan.
"Mahal din kita, ginoo, at gaya ng iyong pangako ikaw lang din ang aking mamahalin hanggang kamatayan." malungkot kong wika at sabay-sabay kaming tumayo at iniyuko ang aming mga ulo, hudyat na tapos na ang aming ginawang presentasyon.
"Very Good! Magaling ang ginawa ng pangkat nina Zoey at Michael. Nakita natin kung paano nila ipinahayag ang damdamin ng dalawang taong naguumpisa pa lang magmahalan. Dahil diyan, kayo ang nakakuha ng mataas na puntos. Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan!" saad ng aming MC sa programng aming isinasagawa.
Napangiti naman kaming lahat at nagpasalamat.
"Ang galing mo!" sambit ni Michael sa'kin sabay ngiti.
"Ikaw din." sambit ko naman sabay ngiti rin sa kaniya.
Kunwari lang pala yung ginawa namin, akala ko totoo na eh. Sabagay 'di ko naman kailangan ipagsiksikan yung sarili ko sa kaniya, kasi anong laban ko dun sa kaibigan ko na gusto niya? Mas masakit nga pala talaga yung katotohanan noh. Edi sana di na lang ako nangarap at nagimahinasyon, kung wala rin pala. Wala naman talaga kasi nga iba eh, iba yung tinitibok ng puso niya.
BINABASA MO ANG
One-shot Stories
Short StoryMga istoryang maiikli ngunit siguradong swak at saktong-sakto sa inyong mga panlasa. Ang inyong mga imahinasyon ay aking papalawakin, dahil masyadong maraming karakter ang inyong matutunghayan.