Kasal
-✍Tinatahak namin ngayon ang daan papuntang simbahan dahil ngayon ay ang pinakaespesyal na araw para sa'kin.
Ngayon ang araw ng kasal ko.
Napakasaya ko dahil ikakasal na ko ngayon sa babaeng pinakaiinisan ko noon, pero ngayon ay pinakamamahal ko ng tao sa buong mundo.
Natawa ako ng maalala ko ang pakikitungo namin noon sa isa't isa.
***
"Hoy! Ms. Panget! Ulo mo nangangamatis, hindi ko makita yung nakasulat sa blackboard!" Sigaw ko dito at binigyan niya naman ako ng masamang tingin bago yumuko sa armchair niya.
Ilang sandali pa ay iniangat niya ang ulo niya at nainis naman ako.
"Anak ng...Hoy! Ulo mo sabe nangangamatis!" Bulyaw ko ulit sa kaniya at padabog naman siyang tumayo at nagsalita.
"Sa susunod kasi 'wag kang pupwesto sa likod kung alam mong maliit ka!" Sagot niya saka umalis at gulat naman akong pinagmasdan siya palayo.
Maliit daw!? May araw ka rin sa'king babae ka!
***
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Ano!? Anong pakiramdam Ms. Panget!? Ang lakas ng loob mong sabihan ako ng maliit ah!" Tumatawang bulalas ko habang nakatingin sa kaniya na nakahandusay sa lupa.
"O my gosh! Sinabihan niya ng maliit si Neil?"
"Gosh! Hindi man lang siya nahiya!"
"Bagay lang sa kaniya yan."
Bulungan ng mga tao dito sa canteen.
Natapilok siya kasi iniharang ko ang mga paa ko sa daraanan niya at kamalas-malasan namang sa kaniya rin mismo natapon yung mga pagkaing binili niya.
"Sa susunod kilalanin mo ang kakalabanin mo." Maawtoridad na usal ko at tinalikuran siya.
***
"Dito pasa!""Pasa dito bro!"
"Oh Niel!"
~DAGGGG~
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawa ko ng ibato ko ang bola sakto sa ulo ni Ms. Panget.
"Neil! Ano bang ginagawa mo!?" Suway sakin ni coach pero hindi pa rin ako tumigil kakatawa.
"Coach! Walang malay!" Malakas na sigaw ni Chris at tumigil naman ako kakatawa saka mabilis na tumakbo sa walang malay na si Collin.
"Ayan na nga bang sinasabi ko, Neil! Kahit kelan ka talagang bata ka! Ano na lang ang sasabihin natin sa mga magulang nito!?" Galit na sigaw sakin ni coach at dinuro pa ko.
"Collin! Collin! Gumising ka, Collin!" Sigaw ko habang inuuga uga pa siya pero hindi siya gumigising! Dali dali ko siyang binuhat at dinala sa clinic.
***
"Where's my daughter!?" Dinig kong sigaw ng babae sa mga nurse dito sa ospital.
Nandito ako ngayon sa ER dagil pinayuhan ako ng nurse sa school clinic namin na dalhin ko siya dito dahil malakas ang pagkakatama sa kaniya ng bola.
"Who are you!?" Nag-angat ako ng tingin at isang malakas na sampal ang bumungad sakin.
~PAKKK~
Napahawak ako sa kanang pisngi ko at nakita kong dumudugo ang labi ko.
"Ang lakas namam ng loob mong magpakita samin pagkatapos ng ginawa mo sa anak namin!" Nanginginig sa galit na aniya niya.
Napayuko ako at tsaka ko lang napagtanto na nanay ni Collin ang nasa harap ko ngayon.
Magsasalita na sana ako pero lumabas ang doctor mula sa kwarto ni Collin at seryosong seryosong tumingin sa'min.
"Who is the relative of the patient." Tanong niya at nagpalitan ng tingin sa'ming tatlo. Ako, ang mommy ni Collin at ang daddy niya.
"What happened to my daughter, doc?" Biglang usal ng mommy ni Collin at hinarap naman siya ng doctor.
"I'm sad to say pero may namuong dugo sa ulo niya at masyadong malala iyon misis. Kailangan niyang sumailalim sa operasyon pero masiyadong mahina ang katawan niya at base rin sa test namin kanina sa kaniya....may sakit siya sa puso and anytime pwede siyang atakihin." Malungkot na saad ng doctor at napaluha naman ako.
"Wala na po bang ibang paraan doc?" Humihikbing saad ni tita at malungkot na umiling ang doctor.
"Kung isasailalim siya sa operasyon...baka atakihin siya habang inooperahan. Masyadong kumplikado misis. I'm so sorry." Sabi ng doctor at tsaka umalis.
Nakahanap naman ako ng tyempong pasukin ang kwarto niya at saktong gising siya at umiiyak.
"N-neil. H-hindi ko na k-kaya." Bungad niya at halatang nahihirapan siyang huminga.
Lumuhod ako sa harapan niya at saka humagulgol.
"I'm sorry, Collin. I'm so sorry. Patawarin mo ko." Umiiyak kong saad habang hawak hawak ang kanan niyang kamay.
"Shhhh...t-tahan na. W-wala kang k-kasalanan. A-ako lang tong m-masyadong m-makulit at p-palagi kang s-sinusundan..." humihikbi niya na ring saad at iniangat ko naman ang ulo ko't tumitig sa mga mata niya. "M-mahina na ang p-puso ko, N-neil. P-pero ito ang t-tatandaan mo...i-ikaw lang ang l-laman n-nito." Saad niya dahilan para lalo akong maiyak.
"M-mahal din k-kita, C-collin. H-hindi ko aakalaing sa kabila ng mga g-ginawa ko s-sayo...ako pa rin ang l-laman niyang p-puso mo." Sabi ko sabay turo sa puso niya.
Hinalikan ko siya sa noo at sa kamay.
Kaya ko siya ginagawan ng kalokohan ay para mapansin ako.
Hindi ko aakaling aabot sa ganito.
***
"Andito na tayo anak." Saad ni mommy at nakita kong nasa simbahan na nga kami.Mabilis na nangilid ang mga luha ko at huminga pa ng malalim bago bumaba ng kotse.
Ako na lang ang hinihintay at lahat ng tao ay nasa loob na.
Inalalayan naman ako ni mommy at daddy papasok ng simbahan at di ko maiwasang di maluha.
Kakaiba ang kasal na to. Imbes na ako ang maghintay sa kaniya sa harap ng altar ay siya ang naghihintay sa akin doon ngayon.
Wala akong pakielam sa dami ng taong nandito ngayon sa loob ng simabahan dahil nakikita nila kung paano ako umiyak.
Nakikita ko ang ibang mga tao sa gilid ng mga mata ko at kitang kita sa mga mukha nila ang awa at lungkot para sa akin.
Tuluyan na akong nakalapit sa babaeng pinakamamahal ko at pinagmasdan ang mukha niya sa loob ng kabaong.
Napakaganda niya talaga.
Ngumiti ako ng mapait at saka tinanguan ang pari hudyat para umpisahan na ang kasal.
BINABASA MO ANG
One-shot Stories
Short StoryMga istoryang maiikli ngunit siguradong swak at saktong-sakto sa inyong mga panlasa. Ang inyong mga imahinasyon ay aking papalawakin, dahil masyadong maraming karakter ang inyong matutunghayan.