Ginoong Manunulat
-✍🏻"Haiiiii ginoong manunulat!!!" Sigaw ng isang babae na may hawak ng libro at todo ang ngiti habang nagpapapirma ito.
Nasa isang book signing event ako ngayon.
Syempre tulad ng inaasahan, maraming tao. Kitang kita sa mga mukha nila ang sobrang saya. Maingay, dahil pinaguusapan nila ang libro na sobrang sikat ngayon. Kesyo maganda raw at nakakaiyak.
May kumalabit sa'kin at agad naman akong napalingon dito.
"Ate, diba author din po kayo?" Tanong niya. Babae ito at sa tingin ko nasa 16 pataas ang age.
"A-ahhh...o-oo" utal utal kong sagot.
"I have a question...pwede po ba?" Tanong niya ulit na tinanguan ko naman.
"Isa ka rin po ba sa mga fans ni 'ginoong manunulat'?" Aniya na nagpatigil sa'kin.
"Mmmm...before" sagot ko. "Why do you ask?" Tanong ko naman dito.
"I see...kasi po hindi kayo lumalapit sa kaniya. Kanina ko pa po kayo napapansin na nakatayo lang diyan." Sambit nito.
"Ahhh...sige po mauna na ko. Umiikli na rin po yung pila eh. Magpapapirma na ko...hehehe!" Sabi niya sabay talikod at kumaway pa.
Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa naramdam kong mainit na likidong ngumilid dito.
'Ginoong manunulat'...matagal-tagal na rin nung huli tayong nagkausap. Nakakatawa lang kasi mas sikat ka na ngayon kesa sa'kin.
Muli kong inalala ang nakaraan...
You are my number one supporter...before
Martin Ruemzell Santiago, 'yan yung name mo before nung makilala kita. While me...'Binibining manunulat'.
Sabi mo ang ganda ng mga istorya ko. At kahit isang minuto pa lang yung nakakalipas mula ng ipost ko, nagrereact at nagcocomment ka agad.
"Idol!"
"Ang ganda!"
"More! Andami kong napupulot na aral sa mga kwento mo. :)"
Napapangiti mo ko palagi kasi ikaw yung nandyan para palakasin yung loob ko na tuparin yung pangarap ko na maging isang sikat na manunulat.
Ikaw din yung naging inspirasyon ko sa paggawa ng maraming kwento.
Then one time...nag chat ka sa'kin at dun mo na talaga sinabi na no. 1 supporter kita. Sobra kong natuwa dahil dun.
Marami rin akong ginawang tula na ang paksa ay ikaw, kasi request mo yun eh. Pero yung iba kusa kong ginawa...para talaga sa'yo.
Natawa pa ko ng bahagya ng maaalala lahat ng yun.
Pero tuluyan ng bumagsak ang mga luha na kanina ay pinipigilan ko lang.
Ang saklap kasi...
Ginawa mo kong tulay para ligawan yung babaeng katabi mo ngayon.
Kinopya mo lahat ng mga kwento ko pati na rin yung mga tulang ginawa ko sayo.
Pinalitan mo yung ibang mga salita sa tula para maipasa sa kaniya. Yun yung way mo ng panliligaw eh. Hindi nga lang sa'kin, kundi sa kaniya.
'Di ka naman nabigo, kasi napasagot mo siya. Hahaha.
"Grabe noh! Gigil ako nung babae dito sa librong to eh. Hinadlangan ba namam yung pagmamahalan nina Ginoong manunulat at Binibining manunulat. Inangkin niya pa talaga yung mga story ni Binibining manunulat para maagaw lang si Ginoong manunulat. Hmppp!" Usapan ng mga babae sa likod ko.
Hahaha. Ito talaga yung nakakatawa.
AKO yung ginawa mong Antagonista sa kwento. Hinango mo pa talaga sa totoong buhay, pero iba yung naging takbo.
Napapabuntong hininga na lang akong tumitingin sa'yo ngayon. Dati abot pa kita, pero ngayon hindi na.
Sumikat ka dahil sa'kin. Sinagot ka niya dahil sa'kin. Minahal ka ng maraming tao dahil sa'kin.
Iyang libro na pinagpipiyestahan ngayon. Kwento dapat nating dalawa 'yan eh. Kaso...hindi.
Ano nga ba namang laban ko diyan sa babaeng mapapangasawa mo na ngayon. Eh, writer lang namam ako, tapos siya maganda. Anlayo ng agwat naming dalawa. Langit siya lupa ako.
"Nakakakilig talaga sina Binibining Manunulat at Ginoong manunulat, noh!? WAHHH! Ang swerteee nilaaa!!! Parehasss silang writer!" Sabi nung babae sa katabi niya pang babae na napadaan sa harapan ko.
Hahaha. Oo nga pala. Yung katabi mo ring babae ngayon...siya nga pala yung pinakilala mo na 'Binibining manunulat' sa harap ng maraming tao.
BINABASA MO ANG
One-shot Stories
Short StoryMga istoryang maiikli ngunit siguradong swak at saktong-sakto sa inyong mga panlasa. Ang inyong mga imahinasyon ay aking papalawakin, dahil masyadong maraming karakter ang inyong matutunghayan.