Puso🥀

21 9 0
                                    

Puso
-✍🏻

"Bakit hindi pwede?" aniya niya na ikinalingon ko naman. "Bakit hindi pwedeng maging tayo?" Patuloy niyang saad habang nakatingin sa araw na papalubog na.

"Mapaglaro si tadhana eh." sambit ko at tumawa ng mahina pero hindi simpleng tawa yung ginawa ko, kundi tawa sa pigil na pag-iyak.

"Phia...bakit andali sayong magpanggap na masaya? Parang hindi ka nasasaktan" sa pagkakataong iyon alam ko na kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Ayoko siyang tignan dahil ang ayoko sa lahat ay yung may umiiyak sa harapan ko na lalaki.

"Hindi talaga ako nasasaktan, Mark..." at tuluyan ng umagos ang mga luha ko dahil buhay ko ang isasakripisyo para sa kaniya. "Hindi ako nasasaktan kasi alam kong kapag binigay ko yung puso ko sayo ay aalagaan mo yun." sabay turo kung saan nakalagay ang aking puso.

"Bakit kailangan mong mag-sakripisyo, Phia?" Humihikbi niyang saad. Napaisip naman ako. Bakit nga ba? Dahil ba sa pagmamahal ko sa kaniya?

"Sabihin na lang natin na kunwari nasa giyera tayo...tapos babarilin ka na ng kalaban pero nakita kita kaya tumakbo ako papalapit sayo at iniharang ko yung sarili ko, tapos nung kinalabit niya na yung rebolber sakto namang ako yung nabaril, edi nailigtas kita at hindi ka namatay." mukhang naintindihan naman niya ang aking mga sinabi, pero alam kong nasasaktan pa rin siya sa mangyayari samin.

Ilang minuto kaming napatahimik, tanging ang aming mga hikbi ang nakakagawa ng ingay, hanggang sa basagin niya ito.

"Hindi na kaya ng puso ko, Phia..." humihikbi pa rin niyang saad. "Mahina na ito." pagpapatuloy niya at humiga sa aking mga hita.

"Inaantok na ko, Phia." napahagulgol na ko ng iyak ng ipikit niya ang kaniyang mga mata at bumuntong hininga ng napakalalim. Tuluyan na ngang lumubog ang araw, kasabay niyon ay ang pagkawala ng kaniyang buhay.

'Pasensya na, Mark...hindi ko na naibigay yung puso ko sayo. Pinili mong ikaw yung mamatay kesa ako. Bakit 'di mo na lang ako hinayaang ibigay yung puso ko sayo? Handa ko namang isakripisyo lahat-lahat.' Sabi ko saking isipan dahil nawala na ang taong pinakamamahal ko.

Sa huling pagkikita namin at ng ipagtapat ko sa kaniyang na akin manggagaling ang puso na ipapalit sa puso niya ay siya na ang nagsakripisyo.

"Mahal kita, Mark. Mahal na mahal." Sabay halik sa kaniyang noo. Sa huling pagkakataon na siya'y aking mapagmasdan, lahat ng tamis ng nakaraan ay aking naalala at ngayong wala na siya ipinapangko ko na itutuloy ko ang kaniyang mga pangarap.

One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon