One

516 20 9
                                    

Picture nga pala ni Nasareth Keith Thompson. Nandyan po siya sa side.. ------>

CELEBRATING MY COLD CHRISTMAS. AGAIN?

 One

Fin's POV

♪♪ Dashing through the snow

In a one horse open sleigh

Napatigil ako sa paglalakad ng may humarang saking mga limang bata.. Dala dala ang mga lata ng gatas at pangkalembang..

♪♪ O'er the fields we go

Laughing all the way

 

Pumalakpak ako at nag-smile sa kanila habang kumakanta sila sa harapan ko. Tamang tama pala ang pagpunta ko ng Plaza. Feel na feel ko na talaga ang CHRISTMAS. -___- Malapit na naman ang Christmas ibig sabihin member na naman ako ng SAMAHANG MALALAMIG ANG PASKO. Taon taon nalang, suki nako don.

♪♪ Bells on bob tails ring

Making spirits bright

What fun it is to laugh and sing

A sleighing song tonight

NBSB po kasi ako. No Boyfriend Since Birth. But it doesn't mean na pangit ako at walang nagkakagusto sakin sa totoo lang ako lang yung mapili ang dami ko kayang suitor. Pero ewan ko ba at wala akong magustuhan sa kanila! Siguro dahil hindi ko pa talaga nakikita o natatagpuan ang lalaking magpapatibok ng puso ko.

♪♪ Oh, jingle bells, jingle bells

Jingle all the way

Oh, what fun it is to ride

In a one horse open sleigh

Patuloy lang sa pagkanta itong mga bata. Lahat sila mga nakangiti. Haiisssh.. Ano bang date na? September palang ah? Pero mag-October narin. Aga naman nilang magkaroling?

♪♪ Jingle bells, jingle bells

Jingle all the way

Oh, what fun it is to ride

In a one horse open sleigh

 

Patuloy lang sila sa pagpukpok ng mga latang dala nila, paghataw sa kalderong bitbit na mukang itinakas pa sa bahay nila. Haish. Malamig na naman ang pasko ko. 3 months nalang pala at CHRISTMAS na!

 

Pagkatapos kumanta nitong mga bata.

"Wow! Ang galing naman." *0* Sabi ko. Kinuha ko yung wallet ko then binigyan sila ng 100 pesos. Mayaman ako ih bakit ba. Saka ang tunay na diwa naman talaga ng pasko ay ang pagbibigayan.

"Thank you! Thank you! Ang bait po ninyo. Thank you." Kumanta pa talaga sila para mag pasalamat. And with that! Tumakbo na sila palayo. Napangiti nalang ako.

 

Pinagmasdan ko ang buong Plaza. Gabi na at tanging mga ilaw ng poste at mga Christmas Lights ang siyang nagbibigay liwanag. Napahalukipkip ako ng biglang humangin. Ang lamig na ng hangin. Kasing lamig ng LOVE LIFE ko. Aissssh.. Naglakad lakad ako papunta sa isang higanting Christmas Tree sa gitna ng Plaza. Gusto ko mag-picture hehe.. Pero palapit palang ako. May narinig akong nagtatalo.

Celebrating My Cold Christmas. AGAIN? (14-Parts COMPLETED)Where stories live. Discover now