Nine

256 21 11
                                    

Nine

 

***********

Pagkahatid sakin ni Nasareth sa bahay.

"Pasok ka muna." Pag-aaya ko sa kanya sa loob.

"Ok lang ba?" Tanung niya.

"Oo naman." Nakangiti ako sa kanya, bakas padin sa mata niya na galing siya sa iyak, dahil pagang paga ito at pulang pula.

Pagpasok namin sa loob.

"Ma, cheska!" Tawag ko sa kanila. Si Papa nga pala ay nasa Italy nagttrabaho kung hindi ko nababanggit.

Nakarinig naman ako ng mabilis na yanig ng paa na pababa mula sa taas.

"Ateeeeeeeee... 0______0 ooopsss. Kuya keith?" Nagulat si Cheska sa nakitang kasama ko.

"Sino ya.......................n" Tanung ni Mama na nagulat din sa nakitang kasama ko, kakalabas lang kasi niya galing kitchen.

"Ahmmm.. Si Nasareth po." Pagpapakilala ko kay Nasareth..

"Ahmmm.. Good evening po." Tanging bati ni Nasareth. Sila Mama at Cheska naman darechong nakatingin lang saming dalwa at sa.......0________0 magkahawak padin pala ang kamay namin.

 

Napabitaw naman kami bigla. Err -_________- Ngumiti naman si Mama ng malisyosa..

"A-ate?" Nagtatanung ang mga tingin sakin ng Cheska.

"Anak.. Ahhhh.. Ano....Uhmmmmm." Hirap na hirap magsalita si Mama, ano bang ngyari sa dalwang to? =_______=

"Ahmmm.. Nasareth Keith Thompson po." Binasag ni Nasareth ang kagimbal gimbal na AWKWARD MOMENT!

"Ah.. Ako si Melinda Israel, Mama ako nang dalaga na kasama mo." Tinuro pako ni Mama pero darecho lang siyang nakatingin kay Nasareth. Nabigla siguro sila dahil ito yung first time ko na mag-invite ng lalaki sa bahay.

"Ah.. Opo. Hello  po Mama." 0___0 What the? Ano daw mama? Nakangiti lang si Nasareth kay Mama. Si Mama naman feeling ko anytime matutumba na sa kinatatayuan, bakit ba ang OA ng pamilya kung magreact? =________=

"Kuya Keith kayo na ba ni Ate? Boyfriend ka na ba niya?" Napatingin ako kay Cheska na ngiting ngiti na. Feeling ko sa sinabi niyang yun namutla ako.. Mabilis kung kinuha ang sapatos ko at akmang hahampasin si Cheska ng.....

"So far! Hindi pa. But soon to be... Ahmmm.. Mama?" Tumingin siya kay Mama. "Cheska?" Tapos kay Cheska. "Pwede ko pa bang ligawan ang anak ninyo?" Tanung niya kay Mama." ang ate mo?" Dagdag pa niya at humarap kay Cheska at Mama. Napanganga ako sa sinabi ni Nasareth, feeling ko teary eyes ako sa sinabi niya. Bakit ba ang sarap sa pakiramdam, hinihingi niya ang pahintulot ng family ko.

Celebrating My Cold Christmas. AGAIN? (14-Parts COMPLETED)Where stories live. Discover now