Ten point One

322 19 8
                                    

Dedicated ulit sa kanya =)))..

Ten Point One

Minabuti ko na muna ang magdarecho sa Plaza. Ewan ko ba at dito ako dinala ng mga paa ko. Para mas makapag-isip ng matino? Pero bakit walang matino na pumapasok sa isip ko. Nagtatalo ang puso at isip ko. Wala ng luha ang pumapatak sa mata ko pero nandito parin sa puso ko ang sakit na naidulot ng nalaman ko.

 

Mali ba ako na hindi ko manlang siya binigyan ng chance makapag-paliwanag? Nag-over react ba agad ako sa mga pangyayari?

 

Pero hindi pa ba kasagutan ang hindi niya pagpigil sakin kanina? Ang hindi niya pagpilit sakin na magkausap kami at makinig ako sa kanya?

 

Hindi na ba niya ako pinilit dahil alam niya na totoo ang lahat ng sinabi ni Angel sa akin kanina? At wala na siyang mukha o nahihiya na siyang makausap ako dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa akin ang mga ginawa niyang kalokohan?

 

Madaming katanungan ang nagkakagulo sa isipan ko.

 

Sa isipan ko na alam kung KJ.

 

Dahil iba ang sinasabi ng puso ko. Sinasabi nito sakin na puntahan ko si Nasareth ngayon at linawin sa kanya ang lahat. Kung ano ba talaga ako sa kanya? Isang pampalipas oras? O babaeng minamahal niya?

 

Gusto ko malinawan at alam kung sa kanya ko lang makukuha lahat ng kasagutan sa mga tanung ko.

 

Huminto ako saglit at nilibot ang buong tingin sa Plaza, sa  Plaza na punong puno ng mga nagniningningang Christmas Lights na nakasabit sa lahat ng puno. Sa Higanting Christmas Tree na.......Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Sa Christmas Tree kung saan meron kaming first picture together. Mariin kung pinunasan ang luhang pumatak sa mata ko.

 

Siguro tama na kausapin ko siya. Alamin ang lahat. Ganung alam kung hindi rin naman ako papatulugin ng puso ko hanggat hindi ako nalilinawan.

 

Pumara agad ako ng Taxi at nagpahatid sa address ni Nasareth. Sa pagkakaalam ko kasi dun siya tumutuloy ngayon sa condo ng pinsan niyang si Gino daw? Yung asawa ni Liyah. (Gino & Liyah sila po yung nasa BOYFRIEND VS. WATTPAD One Shot ko kung natatandaan niyo?) Saka nakapunta narin ako dun ih.. >.> kung natatandaan niyo? Ng dun ako pinatulog nila dahil sa kalasingan ko.

 

Pagdating ko sumakay nako ng elevator 10th floor..

 

 

 

 Hindi ko alam kung magd'doorbell na ba ako o uuwi nalang.. Pero.... Nandito narin naman ako, bahala na!

 

Celebrating My Cold Christmas. AGAIN? (14-Parts COMPLETED)Where stories live. Discover now