Six

307 18 8
                                    

Six

 

"Yowwww!! Woooooo.. Yaeeeeeeeel" Sigaw ko habang nakatapat ang dalwa kung kamay sa bibig ko. "Wooooooo..." Nagsusumayaw ako waaaahhh..^0^

"Ate umayos ka nga! Lasing kana ata eh." -Cheska.

"Ha? Ano yoooon?" Sigaw ko pabalik. Hindi ko kasi marinig. Tumapat naman siya sa tenga ko.

"Wala!!!" -Cheska.

"Tsk.Ok." Maikli kung sagot. Busy kasi ako kakapantasya sa napakahot nasi Yael.

"Ahmm.. Ferrari.." Napatingin ako sa katabi ko si Nasareth pala.

"Woooooaaahhh.. O bakit?" Binalik ko ang tingin ko sa stage. "Woooaaaahh.. Yeaaaaaaah!! Yael ang gwapo moooooo!!!" Sigaw ko.

 

"Lets go home."

"Ano yooooon??" Hindi ko kasi siya narinig. Dahil tanging boses lang ni Yael ang naririnig ko waaaaaahhh.. Ano ba yan, ang landi ko naman ata masyado!

"Best!!!" Kulbit naman ni George.

"Oh bakit ba tawag kayo ng tawag?" Iritable ko silang hinarap.

"Iuuwi ka na namin." Hinihigit nila ako sa braso ko pero kahit nahihilo ako nanlalaban ako.

"Ano ba dito muna tayo!! Saya kaya dito." Tinaas kopa yung San Mig na iniinom ko saka nagsusumayaw.

"Halika naaaaa!!! Ihahatid ka na namin." -Nasareth. Napatingin ako sa kanya. *0* pinikit mulat ko ang mata ko, tapos kinusot kusot kopa.

"Ate uyyyy lagot ka kay Mama. Umuwi na tayo! Lasing kana." Teka duling na ba ako? Bakit dalwang Nasareth itong nakikita ko?

"Best naman sabi ko sayo wag ka masyadong magpapakalunod dyan sa alak eh." -George. Pinikit mulat ko ulit mata ko saka kinusot kusot. Dalwa talaga si Nasareth eh.

Nilapitan ko siya. Pinilig ko pa ang ulo ko saka mata.

"B-bakit??" Hinawakan ko ang pisngi niya. Atsaka sinampal sampal ng mahina.

"H-huy b-best anung g-ginagawa mo???" -George.

"A-ate ano kaba! N-nakakahiya kay Kuya Keith.." Hinihila ako ng dalwang babaeng to sa pagkakahawak ko kay Nasareth.

Hindi ko alam pero napangiti ako ng mahawakan ko ang pisngi niya, bolta boltaheng kuryente ang tila dumadaloy sa mga katawan namin. May something sa puso ko na mas gusto ko pang mapalapit sa kanya. Ano bang klaseng pakiramdam to! Hindi ko ma-control ang sinasabi ng puso ko sa isip ko. Mas malakas ang hatak ng puso ko sa isipan ko, mas lumapit pa ako kay Nasareth na namimilog ang mata at tila nabato sa kinatatayuan niya. Pakiramdam ko biglang tumahimik at tanging pintig lang ng puso ko ang naririnig ko. Pakiramdam ko kami lang ang tao ngayon. Ipinulupot ko sa leeg niya ang dalwang kamay ko at mabilis siyang hinapit papalapit sakin.

Celebrating My Cold Christmas. AGAIN? (14-Parts COMPLETED)Where stories live. Discover now