Author's POV
Nga pala mga Ka-Fre. Bago ko simulan ang POV ko, siyempre, gusto ko muna magpakilala ng lubusan no ? Kahit through texts lang. Haha. By the way, my biological name was Louie Jay Cumla Nuto, the day I started to write TSTNP was my 15th year of existence in this world (2017), and now I am 17 (2019). Ako'y pangalawa sa tatlong magkakapatid, panganay na lalake (as if you care, haha, joke). Tapos wala pala akong GF. Walang trip sa mga ganyang bagay, ni hindi nga ako marunong magmahal haha, joke. Manhid daw sabi nila, torpe din sabi ulit ng iba. Haha.
Nagsimula ang TSTNP mula nung araw na pinublish ko ang first chapter (malamang). Joke. Inspired by my real story po talaga tong TSTNP, kaso dinagdagan ko lang ng mga konting ka ek-ekan (not my original expression, "ek-ekan").
Nagsimula talaga ang lahat nung isang araw, may umiyak na babae sa harap ko kasi may feelings daw siya sa akin, yun na yun. Tapos ako naman, tawa lang ng tawa dahil nga sa panget kong 'to, may nagkakagusto pa pala sa akin. Hahaha. Hindi naman talaga kasi kapani paniwala na may magkakagusto sa akin, kasi nga panget ako sa mukha, I SWEAR. Tapos 'yun, umiyak nga siya. Tapos narinig ko nalang ulit mga ilang araw na nagkaroon siya ng BAGONG JOWA. Pangalawang Jowa niya ata yun. Ewan. Tapos ayun, hindi ako nagselos, I SWEAR ULIT, pero feel ng mga kaibigan ko, nagseselos daw ako, ni hindi ko nga gusto yung babae, magseselos pa ako ? Kalokohan. Haha. Pero I SWEAR ULIT, napakaganda po nung babae mga Ka-Fre! I SWEAR AGAIN AND AGAIN THREE TIMES. yown. Yung angkyut niyang titigan, especially pag nakangiti siya, haha pero di ko talaga siya gusto promise.
So ayun na, nagkajowa siya, a week after nung MV release ng EXO nung December 2017 (UNIVERSE ERA), naisipan kong gumawa ng libro. Haha siyempre, hindi ko naman inspirasyon ang KPOP sa pagsulat ko neto, ika nga ni @binibiningmia nung sa interview niya "I write just to escape from reality." Which is true to all authors. We write because we want to forget of our problems. We write because we want to share our knowledge with other people. We write because we want to inspire readers. And also, we write because we want to share our stories with you, ka-fre.
Ahay. Andaming liko neto. Eto na. Eto na talaga. Nagsimula ang TSTNP nung isang araw, umiyak ako kasi namimiss ko yung Papa ko. Same kasi kami ni Kathnese Roosevelt, patay na Papa namin. Promise, umiyak talaga ako nun sa kwarto ko. Kaya patungkol sa tatay ni Kath yung unang Chapter ng libro kasi yung papa ko talaga naiisip ko nun. Tapos bigla nang nadagdagan yung mga gusto kong isulat sa kwento at buhay ni Kath, at dun dumating si Art tapos sunod sunod na ang datingan ng mga tauhan.
Nung first time kong mag publish ng chapter, sunod sunod talaga ang update. Mga 3-5 chapters per day. Kunting konti pa nga yung mga readers na natatanggap ng TSTNP noon. Pero nung nagkaroon ng 10 Reads ang Chapter 1, ang saya ko na talaga nun. Yung feeling na halos angkinin mo ang buong mundo dahil sa saya na naramdaman mo, yun yung nafefeel ko nun. Tapos hanggang sa dumami kayo mga Ka-Fre ko.
Yun na yun. Dun talaga nagsimula ang TSTNP. Ang saya ? Hahahaha. Tawa kayo.
Isa din sa katanungan na naririnig o nababasa ko through private messages is BAKIT ANG TAGAL NG UPDATE ?
Ganito kasi yun mga ka-fre. Estudyante kasi ako. Haha. Hindi naman kasi sa lahat ng panahon, sa pagsusulat ko ilalaan ang oras ko. Siyempre, kailangan ko ding mag-aral para narin sa kinabukasan ko at nating lahat. Haha. Gusto ko kasi na makatapos ng pag-aaral kahit na hirap sa buhay. Isa din is maraming nagpapa edit sa akin ng videos and pictures, minsa nakakalimutan kong magsulat. Pero I SWEAR, naka save na sa notes ko ang mga magaganap sa libro. IN TACK na lahat. Dadagdag nalang ako ng texts.
Yun lang mga ka-fre. Sa ngayon, gusto ko namang marinig at malaman ang gusto niyong sabihin sa akin o sa libro.
DON'T BE SHY TO COMMENT ON THE COMMENT SECTION KA-FRE !
------------------
Dear Ka-Fre,
Salamat dahil simula pa lamang ng libro, sinuportahan mo na ang TSTNP. Naway sa mga susunod na mga libro na isusulat ay susuportahan mo pa rin ako at ang mga gawa ko. Hindi ko man lubos na maipakita ang aking pasasalamat, pero alam ko na alam mo kung gaano ako kasaya dahil dumating kayo sa buhay ko. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako makakasulat. Kayo ang naging inspirasyon ko kung bakit ako ay patuloy na nagsusulat. Naway sa pagtatapos ng librong ito ay may natutunan kayong aral. Mahalin natin ang ating mga kaibigan at pamilya, sila ang pinakamagandang bagay na dumating sa ating buhay.Maraming Salamat mga Ka-Fre !
Hanggang sa susunod na mga kabanata.Nagmamahal,
WieJayAlien-----------------
All Rights Reserved 2019.
Vlog Link:
BINABASA MO ANG
That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]
Novela JuvenilArthur Dave "Art" Wright, lalaking walang ibang ginawa sa buhay kundi mag-Joke, tumawa, ngumiti, minsan namimilosopo, madaling mapikon at ang hirap amohin. But, in an unexpected time, there was this girl that whom he fell in love. And also, there wa...