Chapter 04

4.1K 84 2
                                    



"JAKE, ang sabi ko anong ginagawa mo rito sa room ko? At bakit ang lapit nang mukha mo sa akin, hahalikan mo ba ako?"

" Yes I want to wake up you in my kiss, kasi ang sabi nang mommy gigising kita, kanina pa kita ginigising pero di ka naman nagigising kaya naisipan kong sa halik ko na lang kita gigisigin,"pag sisinungaling niya.

" Teka nga bakit ako ang ginigising mo bat hindi si Janine?"

" Ikaw kasi ang una kung nakita eh, kaya ikaw ang unang nilapitan ko."

" Sige na lumabas kana ako na ang gigising kay, Janine."

" Okay, pero kukunin ko muna ako pang pa gising na halik ko,"aniya sabay lapit sa mukha nang dalaga.

" Hep," awat nito sa binata sabay takip sa kaniyang labi, gising na ako kaya no need na iyan kiss mo, you can go now MR. Ramirez,"turan niya habang naka takip pa rim ang kamay sa labi.

" Okay,"wika ni Jake at dahan-dahan inilayo ang mukha sa dalaga kung kayat inalis na ni Vanessa ang kamay na nakatakip sa kaniyang labi.

Napangiti naman si Jake dahil tinangal na ni Vanessa ang kamay na nasa labi nito.

Ang ginawa niya mabilis ang naging galaw ni Jake sa isang iglap sakop na niya ang labi ni Vanessa.

Dahil sa bilis na ginawa nang binata hindi agad naka iwas si Vanessa.

Gusto sana niyang itulak ito pero ayaw sumunod nang kamay niya at ayaw din nang kaniyang isip.

"Iyan ang good morning kiss ko,"wika ni Jake nang putulin na ang iginawad niyang halik sa dalaga.

" Jake, bakit mo ako hinalikan dipa ako nag mugmog man lang eh."

" Itis okay baby, your lips taste sweet pa rin kahit dika pa nag sepilyo. I like it nga eh taste good."

"Shit! Vakit ganito ang nadarama ko sa kanya,nakakainis kasi ang lalakeng ito halik nang halik!"

(Pero gusto mo naman ang halik niya diba?) nang isip niya.

"Hindi no!"protesta naman niya.

Di man aminin ni Vanessa sa sarili pero alam niya na may kilig siyang nararamdaman sa bawat halik nang binata sa kanya.

" Sige labas na ako pakigising na si Janine, siya nga pala sabi ni Tita bilisan ninyo para sabay-sabay na tayong mag almusal."

Ang di nila alam kanina pa pala gising si Janine nag tulog-tulugang lang ito. At napangiti ng lihim dahil sa narinig."Ang bilis nang kambal ko ah, naka score agad."sa isip niya.

"Okay, ako na anng bahala sa kanya go!"

"Minamadali mo naman ako, baby!"

"Bakit mo ako tinatawag na baby ha? I'm not a baby okay!"

"Iyan ang gusto kung itawag saiyo eh, you like it not I will call you baby."

"Jake, my fiance na ako, dont said that in front of him baka mag ayaw kayo!"

Ngumiti si Jake."Of course. Sasabihin ko lamang pag wala siya."

"Please, Jake. Mahal ko si Mico, huwag ka nang mamagitan pa sa amin, please lumabas ka na. Gigisiging ko na si Janine."

" No need to wake me up gising na ako,"nakangiting wika nito.

" Kanina kapa ba gising, Janine?"

" Di naman Vanessa, tama lang naman para na narinig ko ang sinasabi ni kuya na baby your lips taste so sweet!"

Namula naman si Vanessa sa sinabi ni Janine sa kanya.

" Oppss! your are blushing Vanessa, kuya look mo siya. She's blushing so beautiful right my twin?"

" Yes she's, Janine, iyan ang tinatawag na morning beauty."

" Kayong magkambal pinag kakaisahan ninyo ako ah, Jake, puwede ba lumabas kana para makapag handa na kami ni Janine."

" Masusunod my baby, hihintayin namin kayo sa baba."

" Oyyy, kuya ah, talaga bang baby na ang tawag mo kay Vanessa, kinilig naman ako sa inyo."

" Janine, tumigil ka na nga, I dont like calling me baby, kasi hindi na ako baby eh, kaya ko nang mag luwal nang baby ha."

" Ganun ba di palitan ni kuya kung ayaw mo ng baby? Diba kuya?"

Napangiti naman si Jake sa sinabi nang kakambal sinakyan naman niya ang nais nito.

" Of course, palitan ko na lang nang, babe, pero mas gusto ko parin ang baby eh."

"Kuya, bakit ba na gusto mong tawaging na baby si Vanessa?"

" Kasi kapag sinabi ko sa kanya na baby I love you,nice to hear diba, baby?"

Di naman malaman ni Vanessa kung ano ang sasabihin sa binata. Pero sa kaloob-looban niya lalo na ang kaniyang puso ramdam niya ang kilig na dulot nito.

" Silent mean yes, Vanessa, dont worry tayo lang naman tatlo ang nakakaalam nito. Ang fiance mo di niya malalaman, puwera na lang kung madulas ang bibig ni kuya, sigurado maging pinakbet."

"Anong pinakbet ang pinag sasasabi ha, Janine. Ulam iyan eh?"

"Siyempre, kuya ano pa di mag rambol kayo ni Mico diba? Suntukan ba!"

" Kayong dalawa talaga oh ang galing ninyong mag drama muntik na akong maniwala ha."

" Oyyy! Vanessa, si kuya pagdating sa pag-ibig di iyan nagbibiro mula sa kaibuturan nang kaniyang puso ang sinasabi,"bumuka ang bibig ni Vanessa para mag protesta kay Janine. Pero agad na nag salita si Janine ," dont ask me why, Vanessa. I know what I said dahil alam ko ang nararamdaman ni Jake saiyo, mahal ka niya, when we are young pa!"

Pareho naman di naka imik sina Jake at Vanessa sa sinabi ni Janine.

" La-labas na ako bilisan na ninyo okay,"wika ni Jake at agad na itong lumabas nang silid ni Vanessa.

" Vanessa, totoo ang sinabi ko si kuya love ka niya mula noon pang mga bata pa tayo, ikaw ang una niyang naging crush I'm not lying, Vanessa believe me."

" Janine, bakit mo ba sinasabi iyan sa akin? You know naman na may fiance na ako at malapit na kaming ikasal diba?"

" Well, sinabi ko lang naman saiyo para alam mo in case na...you know what I mean, Vanessa."

Get naman ni Vanessa ang ibig sabihin ni Janine.

" Di iyon manyayari, Janine, dahil mahal namin ang isat-isa."

"Okay, you said that. Hindi na ako kokontra pa, mauna na ako sa banyo ha,Vanessa."

" Sure, mauna kana,"wika niya agad naman nang tumayo si Janine pumasok na sa banyo.

Pagpasok ni Janine sa banyo humiga muna si Vanessa habang hinihintay ito.

"Baby, I love you!"biglang nawika niya napangiti naman siya sa sinabi at pumasok sa isip niya ang halik nang binata sa kanya kung kayat napahawak pa siya sa kaniyang labi.

"Tama nga siya, magandang pakinggan ito, gusto ko rin. Hayyy, Vanessa, heto ka na naman,"aniya sa sarili pero naka paskil pa rin ang ngiti sa kaniyang labi.

Habang pababa naman ng hagdan si Jake, hindi mapoknat-poknat ang ngiti niya."Yes! I know, Vanessa. At nararamdaman ko na meron kang pagtingin sa akin? Alam ko na masasaktan ko si Mico, sa gagawin ko pero susubukan kung kunin kita sa kanya. Pero pag hindi kita makuha, it is mean you and him are destiny to each other. I will accept it, pero sa ngayon ipapadama ko muna saiyo kung gaano kita ka mahal, Vanessa Delara."

Masayang tinungo ni Jake ang kinaroroonan ng magulang na nasa garden para doon sila mag almusal. Bago siya lumapit pinapormal muna niya ang mukha.

MINSAN LANG KITA IIBIGIN (SCANDAL 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon