Chapter 07

3.9K 86 0
                                    



NANG IBINABABA NG DRIVER ang salamin ng kotse.

" Misha...?"gulat na wika ni Jake nang mapag sino ang driver nang kotseng muntik nang makabangga sa kanya.

"Hello, lover boy yes it is me long time no see, oh saan ang punta mo? Bakit pagala-gala ka rito?"

"What are you doing here, Misha?"

"I told you already, Jake, na uuwi rin ako diba? So, ano nga ang ginagawa mo rito?"

"Nag hahanap kasi ako nang taxi eh, kanina pa malas nga lahat ng dumadaan may sakay, ikaw kailan kapa dumating?"

" Bago ko sagutin iyan tanong mo, Jake, halika na ihatid na kita kung saan ka man magpunta."

Ayaw sana ni Jake no choice siya kaysa maghintay pa siya ng taxi. Pero sa isang bahagi ng isip niya he said no kilala niya si Misha dead over head ito sa kanya.

"Actually, Misha. Kasama ko sina mommy at mga kapatid ko pauwi na kami sa bahay nila Tita Maribelle."

"No problem, Jake, ihatid ko na kayo, halika na sakay na."

"Okay lang ba saiyo baka makaabala kami?"

"Jake, parang di mo ako kilala ah, I do everything para saiyo dahil mahalaga ka sa akin!" turan nang dalaga dito.

Napalunok naman si Jake dahil alam niya ang ibig sabihin nito.

"Oh, Jake. Ano pang ginagawa mo riyan sumakay kana, walang taxi na dadaan ngayon dito dahil lunch time na sige ka abutin ka nang siyam-siyam sa kakahintay."

Dahil sa sinabi nang dalaga agad naman nang sumakay si Jake dahil ayaw niyang matutong narin sa init ng araw.

" Ahhhhh! Nakakainis ang traffic, kanina pa ako rito di na umuusad ah! "naiinis na wika ni Vanessa dahil kanina pa siya naipit sa gitna nang trapiko.

"Ngayon pa, baka nakaalis na sina Tita."gusto man niyang bumusina wala rin manyayari.

"MOMMY, ang tagal naman ni kuya, kumuha nang masasakyan nating I'm hungry na eh?"

" Hoyyy, Lyka matuto kang maghintay okay, baka wala pang dumadaan na taxi kaya wala pa si kuya."

"Tsseee! Ikaw ba Luis, 'di na gugutom ha?"

" Nagugutom na ako pero, I know how to wait naman di kagaya mo, Lyka!"

" Hmmpp! Siyempre dahil lalake ka malaki ang bituka mo kumpara sa amin mga babae no."

Napangiti naman si Janine sa sagutan nang kambal niyang kapatid dahil ganun din sila ni Jake nun mga bata pa sila.

" Mommy, talagang gutom na ako, nasaan na ba kasi si kuya eh?"

"Batukan kaya kita Lyka, ang kulit mo rin ah, nakikita mo na ngang wala pa si kuya ah."

" Eh kung ikaw kaya ang batukan ko, sa nagugutom na ako!"

" Hoyyy! kayong dalawa tumigil na nga kayo, pag umtungin ko kayo para patas ha, hayan na pala si kuya eh,"turan ni Janine sa kambal.

" Huh? Akala ko ba taxi ang kukunin ni kuya na sasakyan natin? Bakit kotse naman iyan?" ni Lyka.

" Oo nga, hindi naman kay Ate Vanessa, ang kotse na iyan ah,"sigunda ni Luis.

Nagtaka naman sina Veron at Janine kung sino ang kasama ni Jake.

Nang huminto na sa harapan nila ang kotse ng laki ang mata ni Janine nang makita nito kung sino ang driver nang kotse.

" Damn! Bakit agad-agad na andito na ang babaeng ito?!"bulong ni Janine sa sarili narinig naman nang kapatid ang kaniyang bulong kaya bumulong din ito.

MINSAN LANG KITA IIBIGIN (SCANDAL 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon