Chapter 5- The Deal

17.1K 446 13
                                    


Diana's Pov

Kanina pa ako tahamik sa loob ng kotse ng lalaking nakabuntis daw sakin. Err, mali! Ang lalaking binuntisan ako ng walang paalam. Nakalabas na ako sa hospital kaya heto at hinatak niya ako dahil pupunta daw ako sa bagong bahay na titirahan ko at doon ipagpalipas ang aking pagbubuntis.

Naiinis ako sa sarili ko bakit ba kasi naisipan kong pumasok sa kwartong iyon? Ang tanga ko talaga!

Pero wala na akong magagawa eh. Nandito na itong bata at wala akong choice. Hindi naman ako masama para hindi panindigan ang nasa sinapupunan ko. Okay na sakin ito. Nabigla man pero unti-unti ko ng natatangap. Okay na sa parte ko. Okay na nabuntis ako. Walang kasalanan ang bata para pagbuntunan ko ng galit.

Pero naiinis ako sa bwesit na lalaking ito. Parang hinahawakan niya ako sa leeg. Makautos nakakapag init ng ulo. Makasigaw akala mo siya ang may hawak ng buhay ko. Ang sama niya talaga! Sa simula akala mo mabait pero hindi naman pala!

"Don't frawn. My child will be affected"malamig na sabi nito.

Napatingin ako sa kanya.

Ang bastos talaga! Tiningnan ko siya ng masama at iniripan.

"Don't you roll your eyes on me woman! You are bearing my child! So that means you don't have the right to act that way to me"

Blah-blah-blah! Paulit-ulit parang sirang plaka! 'Lintik na lalaki ka!'

Gusto ko yang sabihin sa kanya. Pero wala naman akong magagawa kaya hindi ko na lang siya pinansin. Bahala ka dyan!

Napahawak ako sa tyan ko at lihim na napangiti,alam ko sa sarili ko na hindi inaasahan ang pagdating ng anghel na ito pero napamahal na kaagad ako sa kanya. Siguro ay dahil mahilig ako sa mga bata o may ibang dahilan pa. Hindi ko matukoy.

Hinahaplos-haplos ko ang may kalakihan ko ng puson at hindi na nalang ininda ang sinabi ng bwesit na ama ng pinagbubutis ko!




"Manang pakilagay sa kwarto" utos kaagad ng Don pagpasok pa lang namin ng bahay. Agad naman tumalima ang matanda. Lahat ng mga katulong ay hindi mapakali.Napailing na lang ako.

Nakatingin lang ako sa kanya na inutusan ang mga kasambahay sa napakalaking bahay na ito. Sa labas pa lamang ay namangha na ako. Mas lalong namangha ako sa ng pumasok na kami sa loob. May malaking hagdan sa gitna ng bahay. Ang lahat ng mga bagay ay may classical touch. Hindi masyado maliwanag ang bahay at talagang napakasarap ang kombinasyon ng kulay magmula sa dingding at kurtina. Kulay green ito. Napakaganda. Napakasarap sa mata.

"Wag kang tumunganga dyan. Sundan mo ako"masungit na sabi nito at naunang naglakad.

Agad akong napatingin sa lalaking kinaiinisan ko na. Makautos talaga! Napairap na lang ako ng palihim.

Tumalima na ako at sinundan siya pumasok kami sa isang silid. Mukhang opisina niya ito dahil puno ng mga papel ang desk nito.

Umupo siya sa swivel chair niya at umupo rin ako sa harap niya. Nagtitigan kami sandali dahilan para ako na ang unang bumawi ng tingin.

Natahimik sandali ang silid bago siya nagsalita.

"Let's stop the chase. Now that you are the mother of my child you must keep yourself aware that this makes me your boss"

Nanatili ako nakayuko at hindi siya pinapansin.

"I will pay 25,000 a month. All you have to do is take good care of my child inside you. Dapat hindi ka pabaya dahil hindi na lang ikaw ang may ari ng katawan mo. Five months from now ay makikipagkita tayo sa Lolo ko. We must go there and let him see the proof that I have a child already before he get upset and completely disown me"

Hindi parin ako nakikinig sa sinasabi niya. Bahala siya dyan! Kahit bayaran pa niya ako ng ilang milyon.

Palihim akong napairap.

"You will stay here until nine months and after that tapos narin ang deal natin. You will recieve one million then you have to leave and never show your face again"

Napaangat ang ulo ko. Anong sinasabi niya?!

"Anong sinabi mo?!"galit na sabi ko.

"I said what I said"walang emosyon na sabi niya.

Walang puso! Anong akala niya sakin? Isang deal? Na pag wala ng halaga ay itatapon na lang? Ganyan ba kababa ang tingin niya sakin?

"Nangiinsulto ka ba?! Yan na ba talaga ang akala mo sakin?! Oo alam ko sa sarili ko na aksidente lang ang nangyari! At ngayon dala-dala ko na ang anak mo! Pero wag mo akong insultuhin dahil ina ako! Wag mong sabihin sa pagmumukha ko na kaya mo akong bayaran ng ilang halaga para layuan ang bata! Dahil hindi mo lang siya anak, anak ko rin siya!"Sigaw ko sa kanya.

Umigting ang panga nito at tiningnan ako ng masama.

"You have no right to speak to me that way!"

"May karapatan ako! Mas malaki ang karapatan ko! Ako ang magdadala ng batang to! Ako ang maghihirap! Kaya wag mo akong mautos-utosan na parang hawak mo na rin ang buhay ko! Dahil mas wala kang karapatan!" Napatayo at galit na galit ko siyang tinitigan!

Hingal na hingal ako at kaagad napahawak sa tyan ng makaramdam ako ng pagkirot rito. Napakasakit dahilan upang mapaiyak ako.

"A-aray!"

Agad siyang tumayo at dinaluhan ako.

"Hey are you okay?"tanong nito sakin. May pag alala akong nabasa sa mga mata niya.

Kahit na mahihilo na ako ay tinulak ko siya palayo.

"W-wag mo akong ha-hawakan! Luma------"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ay nagsimulang nandilim ang paningin ko.

"Shit! I-I'm so-sorry!"

Iyan ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.

Accidentally Surrogated✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon