Epilogue

17.6K 382 64
                                    

Warning Matured Scene. R-18. Slight Spg.

Diana's Pov

"Baby naman, Baby D is almost turning one years old at one year narin tayong kasal. Sige naman na. Mag honeymoon na tayo" parang batang sabi ni Deon. Nakakapit pa siya sa sayang suot ko habang nakaluhod. Nakaupo kasi ako sa couch habang nagpapadede kay Baby D.

Napahilot ako sa ulo ko. Ang kulit niya at talagang naiirita na ako. I never imagine that Deon could be this childish. Oo alam ko nang abnoy talaga siya pero mas nag worst ata. Parang linta eh.

Ang totoo kasi ay hindi pa kami nakapag honeymoon kasi nga sa araw ng kasal namin naman ako nanganak. At kahit kailan eh hindi niya pa ako nagalaw. First base lang kami. Kiss lang at kunting hokage.

Aminado naman akong naakit talaga ako sa kanya. Palagi naman. Sino ba kasing hindi maglalaway sa katawan ng asawa ko? Minsan nga muntik nang may nangyari samin pero nabibitin lang kami dahil sa mga iyak ni baby D.

Gusto ko naman nang may mangyari samin. Sino ba naman ang asawa ang hindi? It's a wife's duty to make her husband happy. Sabi nga nila a happy marriage life means having an earth shattering sex everyday.

Eh pano nga kasi namin magagawa yun? Eh nandyan naman si disturbong Baby D? Iyaking bata pa naman. Sabi ni Lolo Delphin manang mana kay Deon. Sa mukha pati sa ugali.

So yun nga, kaya minsan talaga naiirita na ako sa kakakulit ni Deon na mag honeymoon kami. But we can't do that right now. Busy ako this past few weeks dahil sa first birthday ni baby at first anniversary namin ni Deon which is tommorrow.

"Deon naman. Alam mo namang busy ako palagi diba? Hands on dapat ako kay Baby D dahil ayaw kong sa yaya siya masanay"

Napasimangot siya.

"Umalis ka na nga. Naiirita ako sa mukha mo"

Padabog siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Narinig ko pa siyang bumulong.

"Mabuti pa si Neo may kambal na! Kelan kaya ako makakapuntos? Kainis naman eh!"

Napailing na lang ako at palihim na ngumiti. Kinuha ko ang cellphone ko.

"Hello Bre? Oo. Hindi naman niya nahalata. Sige pupunta na ako dyan. Okay, salamat"

Binaba ko na ang tawag. Napatingin ako kay Baby D. Nako talaga ang taba! Nakakagigil. Hinalikan ko siya sa pisnge. Tapos na itong dumedede at naglalaro na sa laway niya. Tinawag ko si Deon.

"Deon! Bantayan mo muna si Baby! May lakad si Brennete nagpapasama!" Sigaw ko pero wala paring sumagot.

Napasimangot ako. Alam ko namang nandyan lang siya sa kusina. Siya kasi ang ginawa kong kusinero sa bahay. May katulong naman kami pero every weekend lang sila pumupunta sa bahay.

"Deon ano ba!" Sigaw ko ulit. Tumingin ako kay Baby D. Hindi naman na siya nagugulat sa mga sigaw ko. Sanay naman na si Baby.

Wala paring lumapit na Deon.

"Deon Nichollo Ramirez! Isa!" Sigaw ko.

Nakita ko siyang nakasimangot na lumapit sakin. Takot naman pala eh. Inirapan ko siya. Binigay ko naman agad si Baby sa kanya.

"I'll be back. Palitan mo nang Diaper si Baby" sabi ko.

Excited akong nagmadaling kinuha ang wallet ko sa center table at akmang aalis ng marinig ko siyang maysalita.

"Diana? Do you still love me? Because still I love you so much" sabi niya.

Humarap ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa pisnge.

Accidentally Surrogated✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon