Chapter 14- Call

15.5K 370 10
                                    

Diana's Pov

Limang buwan na ang lumipas at nasasanay na rin ako sa laki ng baby bump ko. Ang laki ni baby kaya medyo nahirapan ako minsan. Mabuti na lang at nandyan si Deon para alagaan ako. Kaya lang nakakalungkot dahil medyo naging busy si Deon, kaya naman ay nag paalam ako sa kanya na pansamantalang doon muna kay Tata at Toto.

Alam na pala nilang buntis ako at si Deon ang ama, eh ang ugok sinabi na niya pala sa mga kapatid ko kaya naman hindi na sila nagulat nung nagpakita ako sa kanila. Nag alala pa naman ako na baka magalit sila na buntis ang ate nila pero aba't natuwa pa ang mga ito kaya naman ay nakahinga naman ako ng maayos. Ayokong magalit ang mga kapatid ko sakin.

"Ate akyat na po ako natulog na po si Tata eh at matutulog na rin po ako may exam pa ako tommorrow" napalingon ako kay Toto na buhat buhat si Tata. Napangiti naman ako at bahagyang tumango.

"Sige goodnight, wag iwang nakabukas ang ilaw ha?"

"Opo ate"

Tiningnan ko silang paakyat sa taas at binaling kaagad ang tingin ko sa pinanunood ko habang nguya-nguya ang tsokolate at hinahaplos ang baby ko.

Natapos ko na ang pinanood ko at aakyat na sana sa taas ay may narinig akong katok.

'Ha? Sino namang bisita to? Mag a-alasdyes na ah'

Lumapit ako sa pinto at dahan-dahang binuksan ang pinto. Napanganga ako. Aba't bakit nandito to?

"Deon? Anong ginawa mo rito?"

Pasuray suray itong lumapit sakin. Napano to?

"He-hey b-beauuutiful" sabi nito at ngumisi at yumakap sakin.

Abat, amoy alak. Tss.

"Deon bakit ka lasing?" Tanong ko dito pero hindi ito umimik.

"Good evening Diana"

Muntik ko nang matulak si Deon ng may nagsalita sa likod nito.

"Jusko naman Blue wag mo naman akong gulatin!"

Nakita ko itong napakamot sa ulo.

"Hehehe sorry, si Deon kasi bigla na lang lumabas sa kotse kaya nahuli ako ng dating. Nga pala pwede bang dito na muna si Deon? Hindi ko na kasi siya mahatid sa bahay niya dahil malayo pa yun eh, inaantok na ako" sabi nito.

"Ahh okay lang salamat. Bakit ba kasi to lasing? Mukhang hindi ka naman lasing ah?"

"Ahahaha, Deon just need a peace of mind at nagkaanyaan kasi ang barkada, eh si Deon ata pinagdiskitahan nila Exzeck at Allex kaya napainom ng marami yan. Nga pala aalis na ako, send my regards to your siblings"

"Sige salamat sa paghatid ng ugok nato. Ingat ka pauwi"

Ngumiti lang ito sakin at agad sumakay sa sasakyan nito at umalis na.

Napatingin ako sa malaking lalaking nakayakap sakin ngayon. Haaayy.

"Deon ang bigat mo naiipit mo si baby"

Agad siyang napamulat at ngumiti sakin. Ayan nabaliw na.

"Preeettyyy Diaanaaa *huk* pretttyyy preetttyyyy" parang batang sabi nito at yumakap ulit sakin at sumiksik ang ulo nito sa leeg ko.

"Jusko naman Deon! Alam kong maganda ako pero utang na loob wag mo akong yakapin. Ang bigat mo!"
Pilit ko siyang pinaalis sa yakap ko.

"No-noooo" maktol nito.

Napairap ako. Walangya talaga pinapahirapan pa ako.

"Ate may narinig ako---ate si Kuya Deon bayan?"

Accidentally Surrogated✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon