Diana's PovGalit na galit parin ako at talagang bwesit na bwesit sa kumag na yun.
Arrggg!
Pero mas naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko mapigilang magselos. Oo na. Inamin ko na. Eh bawal ba?
Ako itong halos anim na buwang buntis tapos malalaman ko na may kasama siyang linta?! Nakakaimbyerna!
Napabuntong hininga ako sa inis at deretsong nilagok ang juice na iniinom ko. Nandito kasi ako sa favorite tambayan ko sa mall. Kanina pa ako nakarating at hindi muna ako umuwi. Pinapawala ko muna ang inis ko sa kumag na yun.
Hindi ako masyadong nagtagal at tumayo na ako at naisipang maglakad lakad.
Napahinto ako sa isang shop na mga damit pang baby. Agad akong pumasok. Na excite ako kaya hindi ko sinadyang mabunggo ang papalabas na babae. Nahulog ang mga dala nito.
"Naku sorry po" sabi ko at tinulungan ko siyang pulutin ang mga gamit niya.
"Naku salamat"
Binigay ko sa kanya ang napulot ko at napatingin sa mukha niya. Namilog ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko.
"Wait Diana? Diana Chavez? It's you!"
Hindi ko alam kung ma-awkward ba ako o hindi because right in front of me is Dr. Logo. The doctor who process the surrogation.
Nabasa ko sa mukha niya na parang natuwa ito at parang sabik na makita muli ako.
"H-hello po" muntik na akong mapangiwi dahil sa pag pilit ng ngiti.
Niyakap ako nito.
"I see you finally! Will it be bad kung yayain kitang mag late lunch?"
Tiningnan ko siya sa mukha. Para itong nagmamakaawa.
"H-hindi ko po alam. Kararating ko pa po kasi galing sa isang trip at hindi pa ako nakauwi"
"Please Dear. I have something important to tell you"
Wala na akong nagawa pa at nagpaunlak sa imbitasyon niya.
Bigla akong kinabahan. Bakit parang ayokong marinig ang sasabihin niya?
Matapos kong marinig ang mga sinasabi ni Dr. Logo ay hindi ako makapaniwala.
Wha-what the hell?! What have you done to me Deon Nichollo Ramirez?!
I look blankly at the woman in front of me. Umiiyak siya.
"I- Im so sorry hija. I- I have no choice"
"May choice kayo" malamig na sabi ko.
"Ye-yes I do ha-have a c-choice and I'm very very sorry"
Napahagulhol ito. Napabuntong hininga na lang ako. Naawa ako sa kanya.
"Okay lang"
"W-what?"
"Okay lang. Alam kong nagsinungaling kayo. Siya. Pero hindi ko alam na- na ganyan pala kalala ang ginawa niyo sakin"
Hindi ko mapigilan ang luha ko.
"Hindi ko po alam kung mapapatawad ko kayo sa mga pagsisinungaling at ginagawa niyo pero---"
Napasigok ako. Ang sakit eh. Hindi ko inaasahan na gagawin nila iyon sakin. Para akong isang gamit. Ginawang tanga.
"Pero, nandito na si baby at iyon ang mahalaga. Tanggap ko na lahat kahit sa simula pa"
"Hi-hija. What have we done to a very kind woman like you" sabi niya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa.
Tipid akong ngumiti.
"Sa-sana naman po wag itong umabot kay Deon"
"Why? He should know about this"
"Gusto ko pong ako ang magtanong sa kanya"
"O-okay"
Ramdam kung sumang ayon ito.
Napatiim bagang ako. Ang rami na nang kasalanan ng bakulaw na iyon sakin. Mababalatan ko na talaga siya ng buhay.
Pagkatapos ng pag uusap namin ni Dr. Logo ay umuwi na ako sa apartment nila Toto at Tata.
Nakapasok na ako sa bahay at susurpresahin ko na sana sila ng marinig ko silang may pinag usapan. Narinig ko pa ang pangalan ko.
"Kuya kelan ba natin sasabihin kay ate ang totoo?"
"Hindi ko alam Tata. Wag na muna nating sabihin. Yan ang sinabi ni Kuya Deon satin diba? Ang mahalaga ay hindi niya pa nalaman at napansin na--"
"Na ano?" Sumabat na ako sa usapan nila. Nabigla sila at parang nakakita ng multo.
Pabagsak kong binitawan ang mga bag ko.
"A-ate"
"Na ano Toto?! Putang ina ano pa ba ang hindi ko alam?! Punong puno na ako sa kasinungalingan ngayong araw!!"
Nagsimulang umiyak si Tata.
"A-ate S-sorry pero si Kuya---"
"Wala akong pakialam sa kanya! Sasabihin niyo o sasabihin niyo!!"
Lumapit ako sa kanila at umiyak.
"Ano pa ba ang kailangan kong malaman" nagmamakaawa kong sabi.
Napahagulhol ako at napaluhod. Yumakap sakin si Tata.
"Ate ang totoo---"
Habang nakikinig ako ay para akong namulat sa mga katotohanan.
Deon bakit mo ba yun nagawa sakin? Ano ba ang ginawa ko sayo bakit mo ginagawa to sakin?
BINABASA MO ANG
Accidentally Surrogated✔
General Fiction'Para sa pera dahil para sa pamilya' Yan ang nasa isip ng isang Diana Chavez. Mapagmahal at gagawin lahat para sa pamilya. "Having a child is more worth than a hundred billion contract" Yan ang palaging pinapaalala ng lolo ni Deon Ramirez. A bache...