Exzeckel's Pov"Oh akala ko ba sa CATCH ka sasama?" Tanong sakin ni Marc.
"Naah. Kaya na yun ng kapatid ko, Anyway mabuti at hindi ka lasing?"tanong ko sa kanya.
"May yaya na kasi yan. Pinagbabawalan na siyang uminom" sabat ni Allexander.
"Yaya? Anong yaya?"
Tiningnan ko si Marc, nakatingin rin siya ng masama kay Allexander na nakangisi.
"Well napuno na ata si Tita Elyen and Tito Abatar sa pinaggagawa ng kaibigan natin kaya naman binigyan siya ng yaya na babantayan siya 24/7"mapang asar na sabi nito.
"My parents are crazy! A nanny? The hell?! I hate it even more ng pinakalila nila sakin ang babaeng 50-50 ang katinuan! That Bitch! Inubos niya ang isang case kong beer. She drink them! May pa bawal bawal pa siya sakin! Lasinggo din yung bruha na yun. Shit!"mura ni Marc.
"Oh diba? Hindi man lang tumanggi? And take note bro, ang taas ng sentence na sinabi niya"
Tumango na lang ako at nagpipigil ng tawa. Tingnan mo nga naman, may tumatapat na sa pagiging lasinggo niya.
"Hoy anong ginawa niyo dito?!"
Napatingin kami sa likuran namin at napangisi. Mga sampong taong may armas ang nasa harapan namin.
Napatingin kaming tatlo sa isat-isa. Iisa lang ang nasa isip namin.
Matagal tagal na rin na wala kaming exercise.
"Umihi lang boss wala kasing CR dito eh" sagot ni Allexander.
"Umalis na kayo dito!"
"Tss. Cut the crap" sabad naman ni Marc.
"Yeah. Bring it on"nakangising sabi ko.
Agad kaming sumugod tatlo. Hindi naman kaagad nakakilos ang mga hinayupak dahil sa gulat kaya naman tatlo kaagad ang napatulog namin.
"Woah, wala na bang mas mahirap dito? Sayang talaga at wala si Blue at Christian eh." Sabi ni Allexander at mabilis na tumakbo at sinuntok ang kaharap niya.
"Ha? Akala ko ba bumalik na si Christian sa Spain?" Sabi ko. Napatingin ako sa harap ko, tinutukan ako nito ng baril pero bago pa niya napaputok ay binawi ko iyon at sinipa ang mukha niya at binaril sa balikat ang nasa likuran ni Marc.
Hindi naman kami masyadong masama. Illegal parin pag nakapatay kami.
"That asshole. Hindi naman na bago satin tinatakasan niya buhay Prinsipe niya. By the way, Thanks man" sabi ni Marc at pinag untog ang dalawang nahawakan niya sa ulo.
Napatingin kami sa harapan namin bago sabay binagsak ang mga katawan ng mga hinayupak. Aba dalawa na lang sila at mukhang naiihi na tinutukan pa kami ng baril.
"I'm done. Kayo na bahala diyan" sabi Allexander.
Akmang susugod kami ni Marc ng may mga malalaking karayom ang tumama sa dalawang hinayupak. Agad naman silang nawalan ng malay at bumagsak sa lupa ang mga katawan nila.
Napatingin kaming tatlo sa isat-isa bago lumapit sa dalawang katawang tadtad ng karayom. Kinuha ni Allexander ang isang karayom at tahimik na tiningnan ito bago inamoy.
"Cool. Sino naman kaya ang tumulong satin" sabi ni Marc at sinipa ang isang nakatulog.
Napatingin kami ni Allexander sa isat-isa.
"Shit. Dyan na muna kayo may tatawagan lang ako"
Umalis na ito. Napailing na lang ako. That woman kahit may asawa't anak na gumagamit parin ng ganito. Tss.
BINABASA MO ANG
Accidentally Surrogated✔
General Fiction'Para sa pera dahil para sa pamilya' Yan ang nasa isip ng isang Diana Chavez. Mapagmahal at gagawin lahat para sa pamilya. "Having a child is more worth than a hundred billion contract" Yan ang palaging pinapaalala ng lolo ni Deon Ramirez. A bache...