"Okay class,Get your notebook and copy this." Sabi ng teacher namin.
Sulat nanaman.Lagi na lang! Nakakastress na! Feeling ko nasa College life na kami.Nagsulat lang nasa College Life na agad? Ang oa lang!
Kasi naman May Baby Thesis kami na gagawin,Plus sandamakmak na projects tapos mageexam pa tapos Todo Review,Seriously hindi ko na kaya! I'm so tired na! Pwede bang Magrestday ngayon? I need a break for petes's sake.
Eto naman kasing Mapeh teacher ko si Sir Henry,Feeling Major Subject eh,Magpapasulat ng Napakahabang Notes tapos Magpapagawa pa ng Reviewer.pag di pa sya nakuntento magpapaseatwork pa yan.
Nako kung di lang ako masipag magaral.Hindi na ako magsusulat dito.
Nasan na ba yung Mapeh Notebook ko? Nang matapos na to at makapagpahinga man lang ako kahit saglit.
Hanap ako ng Hanap pero wala pa rin.Tinignan ko si Miguel at binigyan sya ng Death Glare.
"Wala sakin." Sabi nya sabay ngiti sakin ng nakakaloko.
"Wala pa nga akong sinasabi eh,Defensive! Akin na! Dali magsusulat na ako." Sabi ko.
"Nakita kasi kita kanina naghahanap ng Notebook eh.MakaDefensive to!"
"Asus! Hoy Miguel Adrian S. Escod! Ibigay mo na Notebook ko! Dali na!"
"Habulin mo muna ako!" Sabi nya habang winawagayway yung notebook ko.
Ayun nga naghabulan kami! Jussmme! Pagod na nga ako pinagod pa ako neto.
Umupo muna ako kasi nakakapagod habulin tong si Miggy.
Oo ang Childish namin ni Miggy pero Wala kaming pakielam.Kung nageenjoy kami go na!
Lumapit naman sya sakin at nilagay yung Notebook ko sa muka ko.
"Jenmar oh!" Aba talagang inaasar ako neto.
Buti na lang lumabas yung teacher namin kundi lagot kaming dalawa.yung about kay Jenmar nga pala,Sya kasi yung nagkakacrush sakin na mukang Hito,Grabe napakaMapanlait ko no? sarreh!
"Excuse me! *Batok* i'm not Jenmar! EWWW!" sabi ko naman sakanya.
"Ashley! Miguel! Magsulat kayo." Sigaw ng Mapeh Teacher namin at bumalik naman agad kami sa upuan namin.
Nagkatinginan lang kami ni Miggy at nagbelatan sa isat't isa.Ganun kami palagi eh.Hahaha!
Ay nakalimutan ko pala magpakilala.Sorry! Ako nga pala
Si Ashley Samantha C. Reyes Babaeng May Magulong Buhay,Sabog pero Pikon.ano connect? Hahahaha!
Grade 9 na kami sa Gracialyn Private School.
At si Miguel,Ang BoyBestfriend ko na Baliw,Galing Mental yan! BWAHAHAHA! Mapangasar at Hindi Gwapo! Joke! Basta para sakin Depende sa ayos ng Buhok nya.
Pano kami naging MagBestfriend?
Crush ko kasi dati yung Bestfriend nya.Si Xsander.Dahil nga Malandi ako.Napansin nya ata kasi na lagi kong tinitigan ang Bestfriend nya ayun tinanong ako kung Gusto ko daw ilakad nya ako sa Bestfriend nya? Siraulo lang! Nung Grade 7 yun nangyari yun eh!
Pero ngayon maniniwala ba kayo na Bestfriend ko na din si Xsander? di ko din inexpect yun eh.Hahaha! Pero wala na akong feelings sakanya mamaya kung anong isipin nyo.Sa ngayon ako ay Walang kalandian o Lovelife.Ayos na yun Less Stress.
Ayan sawakas tapos na ako.Tumayo na rin si Miggy Tapos na din ata sya.
Sabay kaming nagpacheck pero ako nauna.
"Tabachoy!" Sabi nya tapos Kinurot yung pisnge ko.Eh siraulo pala to eh.
"Muka kang asong inulol.Gago!" Asar ko sakanya.Ayun Nagbelatan na lang kami sa huli.
"Baka Magkadevelopan ha." Sabi ni sir pagkatapos chekan yung akin.
"Ako at si Miggy? Di kami Talo."
"Ako at si Ashley? Di kami talo." Sabay naming sabi.
"asus! Mga Malalandi." Sabi ni sir.
Di na lang ako umimik at baka Masagot ko ng pabalang tong teacher namin.Ang hilig mangasar nyan eh.Pero Masaya naman sya kasama.Kwelang Teacher namin yan eh.
BINABASA MO ANG
My Boy Bestfriend
RandomPaano kapag nainlove ka sa Bestfriend mo? Sa tingin mo magiging kayo? o hindi? Sino ang pipiliin mo ang taong matagal mo nang kilala o ang taong hindi kaya ganun katagal magkakilala pero handang pasayahin ka?