Halloween Party na! Party party na! Emeged! Naeexcite ako masyado hindi ko alam kung bakit eh.
*Ring* Ring*
May tumatawag sakin si Nalyn.
"Hello? Uy Nalyn napatawag ka?" Tanong ko sakanya.
"Uy hindi ako makakapunta may sakit ako e."
"Ay sayang naman,sige next time na lang."
"Uy yung suprise natin anyare?"
"Bati na kami e.Sayang! Sige ah pagaling ka.Bye!"
"Babye."
Sabi nya at innend ko na yung call.Kasalukuyan akong nagmamakeup ngayon dahil nga Halloween naglalagay ako ng makapal na Eye liner.Yun lang naman yung makeup ko sa mukha pati na rin foundation.
6pm yung party namin 5:30 na.Ang tagal naman ni Miggy baka malate kami! Ayoko malate.Dapat nga sabay-sabay kami pupunta ng Bestfriend ko,Eh gusto daw nila mamili ng kadate! Mga baliw talaga yun.
*Beep* *Beep*
From: Miggy Pogi
Mauna ka na.Malalate ako,nakatulog ako e.
Nagtext si Miggy sakin.Mauna na daw ako?! E panu yun? Hindi sya yung makakadate ko.Eh bakit ba gustong gusto ko sya kadate? Hay ewan.Parang nawala na yung pagkaexcited ko.ayoko na magreply ng 'Pano na yan di tayo ang magkadate' Nahihiya ako magtanong.Ewan ko ba!
Pupunta na ako magisa sa Party.Sana matino Kadate ko.
HALLOWEEN PARTY
Nasa Gate na ako ng school namin at nakasalubong ko si Jeth.Sya ang Kadate ko? Parang dati hinihiling ko to ah.pero hindi na ngayon.EX Crush ko kasi si Jeth Granada e.
"Kayong dalawa ang magkadate ha?" Sabi ni Ate Lc At pinosasan kami.Sya nga ang kadate ko.Pano kapag nagcr ako? Shet naman.
Nakita ko na yung entrance ng Party.Medyo madilim.Nakakatakot naman Medyo matatakutin ako e.
"Hala Jeth... Ano-- ayoko."bubuksan na sana ni Jeth yung kurtina pero pinigilan ko sya.
"Kadate mo naman ako e kapit ka lang sa braso ko." Sabi nya.
"Ha? Wag na." Sabi ko naman.Nakakahiya naman kasi kahit classmate ko sya at medyo di kami ganun kaclose at kahit EX CRUSH ko sya ayokong kumapit sa Braso nya.
Pumasok na kami sa Entrance.may nanggulat sakin.
"KYYYAAAA!" tili ko at napakapit agad ako sa Braso ni Jeth.sabi ko nga e hindi ako kakapit sa braso nya.tinignan ko yung mukha nya at nakangiti pa sya.baliw din to eh.
Medyo madami din kaming nakasalubong na Nakacostume lahat sila tinakot ako nako nakakahiya naman kay Jeth.
Pagpasok ko pa lang kulay red ang lahat dahil sa ilaw.Medyo madami na ding tao.
"Muling Ibalik ang tamis ng pagibig!" Kanta ng mga Friends ko pagkakita samin ni Jeth.
"Asan si Miggy? Himala di mo sya kadate." Tanong ni Liz,nakita kong kapartner nya si Brent na tagakabilang section.
"Papunta na.Wala eh Late sya."sabi ko.
Nasa isang table lang kaming barkada syempre Kailangan Magkakatabi kami.Buti na lang e magkakasundo yung boys kaya kwentuhan din sila.eto yung magkakadate:
Ellese-Emerson boyfriend nya.
Cassandra-Zedd classmate namin
Kath-Ryan classmate din namin silang dalawa yung inaasar na bagay sila kasi pareho silang kinulang sa height.hahaha!
Allyza-Jam tagakabilang section
Nakita ko na din si Miggy kasama si Camille.Wow Meant to be talaga sila ah.Sila na! Parang may kung anong Kurot sa puso ko nang makita ko sila.Shet naman.Epekto lang ata to nung Malakas na music.
Buong party naggames lang kami at Nagparaffle din sila.Sayaw sa dancefloor at lumamon ng lumamon.Nakakapagod.
Biglang tumugtog ang music na pang slowdance akala ko ba halloween party to? Naging Prom na agad? Bilis ah.
"Tara sayaw tayo." Yaya ni Jeth sakin.
"Sige." Sabi ko at pumunta na kami sa Dancefloor.
Nakita ko si Miggy kasayaw si Camille.Dapat ako yun e! DAPAT AKO.
Konsensya: Asus kunyari ka pa nagseselos ka lang e.
Hindi ako nagseselos.HINDI NGA E.hindi nga ba? Ugh ewan.
"alam mo matagal ko nang hinihiling to." Biglang nagsalita si Jeth.
"ako din e,kaso di na ngayon,tagal mo dumating." Straightforward kong sabi.aware naman kasi sya dati na Gusto ko sya.
"Wala eh,Ang slow ng puso ko ngayon lang ata narealize na mahal kita." Straighforward din sabi ni Jeth.Grabe si Tadhana oh.Akalain nyong mahal ako ni Jeth? Lol.
"Ashley,Can you give me a chance? Pwede bang manligaw ako?" Ano nanaman bang pinagsasabi neto? Sayang talaga to si Jeth.Napakaromantic ng scenario namin ngayon tapos babastedin ko lang sya? Nakonsensya naman daw ako.hindi ako makasagot,ano gagawin ko?
"Kahit naman Bastedin mo ako,liligawan pa rin kita.Oo na Ramdam ko naman na Basted na ko." Malungkot nyang sabi.
"Ano.. jeth-- Sorry." Sabi ko.
"Pwede bang humiling ako ng favor? Pambawi na lang ng Pambabasted mo." Grabe kinonsensya talaga ako.
"Ano?" Tanong ko.
"Eto.Kahit ilang minutes lang please." Sabi nya habang nakayakap sakin.
May naramdaman akong Kung ano sa tyan ko na para bang naiihi ako na ewan tapos ang lakas ng tibok ng puso ko.Hay hindi ko na alam.ganito ba talaga pag niyayakap ka ng isang Jeth Granada?
----
AN: Ano guys Jeth o Miggy?
HAHAHA! Kinikilig ako sa
Chapter na to XD
BINABASA MO ANG
My Boy Bestfriend
RandomPaano kapag nainlove ka sa Bestfriend mo? Sa tingin mo magiging kayo? o hindi? Sino ang pipiliin mo ang taong matagal mo nang kilala o ang taong hindi kaya ganun katagal magkakilala pero handang pasayahin ka?