*oh my god look at that face you look like next mistake,Love's a game wanna play*
Tunog ng alarm clock ko.Nakakatamad pumasok baka makita ko lang nagliligawan si Denny at Miggy.MagkaRhyme pa yung pangalan nila.Sige sila na! Magsama sila!
*Beep Beep* *Beep Beep*
From: Miggy Pogi ❤
Pumasok ka nang maaga please?
Text ni miggy sakin.Ano dahil magpapatulong sya na Ligawan si Denny? Ayoko nga.ayokong masaksihan yun.Bahala sila jan.pwede ba kahit ngayong araw lang Ayoko muna Makita sya.umabsent na lang kaya ako? Ay tae may quiz pala kami.
To: Miggy Pogi ❤
Ayoko.Tinatamad ako.
Reply ko.Bahala sila.
From: Miggy Pogi
Please? Ash sige na.Please?
Iniimagine kong nakapout si Miggy habang Tinatype ko.Ugh nakakabadtrip Asa naman ako.
To:Miggy Pogi ❤
Ayoko nga.
Reply ko.
From: Miggy Pogi ❤
Iiyak ako sige.Sige na kasi! Lilibre kita mamaya.
To:Miggy Pogi ❤
Umiyak ka wala akong pake.Bahala ka dyan.
Pagkatapos ko magreply tinawagan naman nya ako.Sinagot ko naman.Gusto ko marinig boses nya eh.Mamimiss ko kasi sya.
"Uy ash.Please." sabi nya na malungkot.
Ano ba wag ka ngang ganyan baka Pumayag ako!
"Bakit ba kase?" Tanong ko.Kunyari di ko alam.
"may gagawin lang ako.Sige na Ash! Uy!" Pagpipilit nya pa.
"Ash.Sige na." Sabi nya.
"Pumasok ka na kasi ng maaga."
"Ayoko.Ayoko,Ayoko! Ano ba Miggy di mo ba magets yun?"
Sa sobrang inis ko napagtaasan ko sya ng boses.
"Ash kahit ngayon lang,Kailangan kita kasi nga may gagawin ako asfkbdhcsjvajvs" sabi nya.Hindi ko maintindihan yung sinabi nyang huli.
Kasi naman Miggy eh! Kailan ba kita matitiis?
"Matitiis ba kita?" Sabi ko.
"Hindi! Sige Ash wwwoohh! I love you!" Sabi nya.
Ano daw i love you? Kkkyyyaaaaa! I love you daw!
"Ah eh,A-Ano i love you bilang Bestfriend syempre!" Dagdag nya.
Pwede bang bawiin nya lang yung sinabi nya.Ang sakit eh.Tapos mamaya sasaktan nanaman nya ako.Hay ang sakit lang.Bakit ba hindi kita matiis ha? Bakit ba sa isang please at ash mo lang papayag na ako? Bakit ba sa isang Malungkot na boses mo Hindi na kita matiis? Hay nako Miggy.I hate you so much pero Love pa din kita more than you ever Expect.Sana ganun ka din diba? Sana yung sana ko hindi na lang forever maging sana.
Eto ako ngayon naglalakad papunta sa room namin.nasa gate ng school na ako exactly.
"Hi Ashley!" Sabi ni manong guard at may binigay na papel.
'Hi ashley! Hindi si manong guard ang nagsulat nito.find out who may mga magbibigay ng papel sayo.' Nakalagay dun sa papel.
Anong trip ni kuya? Nakadrugs ba to? Irereport ko to mamaya sa principal! Hahahaha!
Itatapon ko na sana yung papel nang makita ko si ma'am jeneth.Mukhang sya ata yung susunod na magbibigay ng papel.
"Good Morning!" Bati nya.
'Ashley i just want to tell you na grabe ka magpakilig kahit lalaki ako kinikilig din ako.Nakakabakla ka.Pero Mahal kita ;)' nakalagay dun sa papel.Wow kailangan may emoticon?
Sa paglalakad ko nakita ko si feliz na papalapit.katulad din ni ma'am may binigay syang papel.
'Gusto kong malaman mo na Kung gaano ka kahalaga para sakin.alam mo yan,Lagi lang akong nandito sa tabi mo.' Yan yung nakalagay sa papel na sinasabi nya
Sumunod naman si elle.
'Ashley Bingi ka ba? Lagi naman tayong magkasama,Hindi mo ba naririnig yung puso ko? Sinisigaw ang pangalan mo?'
Kinilig naman ako dun! Sino ba to laging kasama?
Nakita ko si Allyza binigyan nya din ako ng papel.
'Ashley Alam mo ang tanga tanga ko,Kasi natotorpe ako pagdating sayo,Iba ka! Ikaw lang ang nakakagawa sakin nito.' Sabi nung papel.
Nagbigay din si Kath.
'Kapag ba nalaman mo na Inlove ako sayo? Iiwasan mo na ako? Sana wag tayong magbago ha? Okay lang naman kahit bastedin mo ako eh'
Ugh sino ba to? Si miggy? Eh may denny na yun eh! Dakilang Assumera ako!
Sumunod naman si Cassandra.
'Alam mo ayokong Hanggang MagBESTFRIEND lang tayo?'
ANO DAW?! NABASA NYO BA? KKKYYYYYAAAAAAAA! Si miggy ba to? Si miggy to eh! Si miggy to! Lord thank you! Mahal nya din ako! Mahal nya a---
"Hi ashley! Ako nagbigay nyan! Ashley i love you!"
What the fuck? Jeth? Kelan pa kita naging bestfriend?
BINABASA MO ANG
My Boy Bestfriend
RandomPaano kapag nainlove ka sa Bestfriend mo? Sa tingin mo magiging kayo? o hindi? Sino ang pipiliin mo ang taong matagal mo nang kilala o ang taong hindi kaya ganun katagal magkakilala pero handang pasayahin ka?