Nagrent na kami ng bike ni Miggy.Tigdalawang bike.syempre ayoko ng angkas angkas lang.Ako pa! Joke!
Ayun gala lang kami ng gala ni miggy at paikot-ikot sa park with matching kwentuhan.
Habang naguusap and nagbababike kami may nakaharang na bato sa Dinaanan ni Miggy dahil dun medyo natumba sya.
"Hala Ash." Sabi nya at humawak sa kamay ko.
Para akong nakuryente pero hinayaan ko na lang.Kesa naman bitawan ko sya diba? Sama ko naman na bestfriend.pero bakit ganun dati naman wala akong nararamdaman na kuryente kapag accidentally na nahahawakan ko yung kamay ni Miggy.Hindi kaya... Superhero sya?! Tapos tinatago nya sakin! nagpromise sya sakin no secrets eh! Lakas ng imagination ko,Pagbigyan!
"Don't worry hawak ko kamay mo." Sabi ko.
"Thanks." Sabi nya at nagpatuloy ulit na magbike.
"Sir,Ma'am tapos na po yung time nyo." Sabi ni kuya na pinagrentahan namin ng bike.
"Sige po." Sabi ko.
parehas na namin binigay ni miggy yung bike.
"Tara upo muna tayo.Napagod ako dun ah." Sabi nya.
"Ano okay ka na?" Tanong ko sakanya nang nakaupo na kami.
"Okay naman.Grabe kanina muntik na ko dun ah."
"Kasi naman ang tanga din natin eh magusap daw ba habang nagbibike? hahaha!"
"ayos lang,atleast masaya." Sabi nya ng nakangiti.
"Oo nga eh."
Medyo dumidilim na rin.Tinignan ko yung oras 6:00 pm na.Emergerd! Patay ako neto.pero dahil kasama ko si Miggy ayos lang.Hahaha! Lakas nyan kay mommy eh.
"Miggy u--"
"Alam ko tara na." Pagputol nya.
"K.Dot." Sabi ko na lang.Ganyan po talaga kami magusap minsan.Hahaha! Di po kami galit sa isa't isa.
***
Nasa bahay na kami pagpasok pa lang namin niyakap na ni mommy si Miggy.Anak ba talaga ako? Pag kasama ko to feeling ko ampon lang ako eh huhubels.
"Miggy,anak namiss kita." Walengya itong nanay kong ubod ng ganda akala mo Ang layo lang ng bahay ni Miggy.Jeskelerd!
"Hi po Tita." Ngiting sabi ni Miggy.
Pagkatapos ng yakapan nila pumasok na kami.So ano invisible ako dito? Grabe ha! Huhubels.
Ayun kwentuhan lang sila ni Mommy.Hindi kaya kapatid ko si Miggy? Kaya ganyan sila lagi?! Shet lakas ng imagination ko.
"Tita nagseselos na si Ash.Bwahahaha!" Tawang tawa na sabi ng Magaling kong Bestfriend! Saya grabe! Insert sarcasm tone here.Ugh.
"Whatever." Sabi ko.
"Yung baby ko nagseselos ihh.Baby ko." Sabi ng nanay ko at niyakap pa ko with matching Baby voice.Ugh i hate it when She do this.
"Mom! Puhleassse! Quit doing that.all i need is a hug not an effin Baby Voice of yours."
"Whatever Baby.I love you! Wag na selos."
"I'm not jealous! Please Quit talking like you're a baby! i love you too." Sabi ko.
"Tita alis na ko ah.Bonding muna kayo ni Ash." Sabi ni Miggy.
"Miggy hindi mo kailangan umalis nagdradrama lang tong anak ko."
"Oo nga,To naman parang di na sanay sakin! Acting lang yun.Ayos ba? HAHAHA!" sabi ko.
"Kayo naman! Aalis na po talaga ako,Nandyan si Mommy.alam mo naman yun ayaw ng umuuwi ako ng gabi." Sabi nya.
"Oo nga pala! Sige ingat ka ha! Bye." Sabi ko.
"Sige sige! Hahaha! Tita alis na po ako ah." Sabi nya sabay beso kay mudrakels.
"Anak bagay kayo.Sayang nasa harap ka na nga nya humanap pa sya ng iba." Sabi ni mommy nung nakapasok na kami sa bahay hinatid kasi namin si miggy sa hanggang sa labas.
"Mommy naman.Di kami talo nun.Magbestfriend lang kami at hindi po yun makikipagdate diba nakwento ko na po sayo ganun yung mommy nya.kakabreak lang po nun sa girlfriend nya."
"Malay mo.Bahala na ang Tadhana sainyo."
"Ewan ko sayo mommy.Sige po akyat na ako." Sabi ko.Parang tropa lang kung magturingan kami no? With respect naman syimpri!
*RING! RING!* *RING! RING!*
Habang nagbibihis ako narinig kong yung phone kong nagriring.Tinignan ko yung Caller Id si Liz tumatawag.
(AN: guys Ganto yung convo nila Alternate lang po kaya wag malito.Ge Enjoy Reading ❤)
"Hello?"
"Uy Ash!" Sabi nya.
"Ayyiie.namiss nya ko! Bati na kami.Uy bati na tayo sorry na!"
"di naman talaga kami nagtatampo eh.Si pauline kasi panira! Palibhasa inggitera!"
"Bakit? Explain mo nga!"
"Ito na nga wait lang!"
"Sorry! Hahaha!"
"Kasi naman pinagtritripan ka lang namin.Nabalitaan ni Allyza na kung ano-ano pinagsasabi sayo nung babaeng yun.Promise hindi kami nagseselos." Explain ni liz.
"Buti na lang.Nako hayaan mo na yun."
"Sige yun lang.Ge kain muna ko."
"Sige Bye!"
"Bye!"
End of conversation.
Yun lang pala yun! Ano namang sumapi kay pauline at nagawa nya yun? Hay nako ganyan ata ang nagagawa ng walang kaibigan.Kawawa naman sya.
BINABASA MO ANG
My Boy Bestfriend
RandomPaano kapag nainlove ka sa Bestfriend mo? Sa tingin mo magiging kayo? o hindi? Sino ang pipiliin mo ang taong matagal mo nang kilala o ang taong hindi kaya ganun katagal magkakilala pero handang pasayahin ka?