Chapter 18

54 0 0
                                    

"before i let you go i want to say... I love you." Kanta namin pareho ng pinsan kong si Ate Shen.

Panay ang kanta namin ni Ate shen,pinsan ko.Birthday nya kasi kaya nandito ako sa bahay nila.Niyaya nya akong kumanta kahit wala ako sa mood pero syempre birthday nya kaya pinagbigyan ko na.lagpas 20 ang mga pinili nyang kanta.At kinanta namin lahat yun.

Nakakapaos pero okay lang.binuhos ko na kasi lahat ng galit at nararamdaman ko dahil dito.Parang gumaan na ng konti yung loob ko.pero nung pinili nya ang kantang "Before i let you go." Feeling ko anytime tutulo na ang luha ko.

"Ate cr lang ako.natatae na ako eh." Sabi ko.

Dali-dali akong tumakbong cr at nagiiyak.feeling ko kasi wala na sakin si miggy kahit hindi naman naging kami.ganto na lang ang mangyayari samin?! Sana sinabi na nya sakin na hindi na nya ako mahal.para naman hindi ako na ako umaasa.hanggang ngayon umaasa pa rin ako na hindi totoo ang mga nakikita ko sakanila ni camille.

Sana sinabi nya.hindi yung ganito.he left me hanging! Para akong tanga na nakakapit pa rin! At pilit na kumakapit kahit alam kong sobrang nasasaktan na ako sa mga ginagawa nya.

Lumabas na ako ng cr at naghilamos.para hindi mahalata ni ate na umiyak ako.

"tagal mo ha? Tibe ba?! Hahaha!." Tawa nya.

"oo eh." Sabi ko at tumawa ng plastik.

Natapos na ang kantahan namin at marami nang bisita si ate kaya pumunta muna ako sa kwarto nya.magtwi-twitter lang ako para hindi mabored.

*Beep beep* *beep beep*

From:Miggy Pogi ❤

Kailangan natin magusap.park 5pm.pls ash.

Hanggang ngayon hindi pa rin pala napapalitan ang name nya sa contacts ko.teka ano daw?! Magkikita kami?! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marealize ang tinext nya.Siguro ito na yung time.Time para sa closure namin.Para makapagmove on na ako at para hindi na ako nasasaktan ng ganito.

Nagpaalam na ako sa ate ko na may bibilhin lang. dali-daling umalis na ako papuntang park.

Nakarating na ako at nakita ko na agad si miggy na naghihintay sakin... Nakatungo habang nakaupo sa isang bench.

"Miguel." Sabi ko.ayokong tawagin sya ng miggy,galit ako.

"ash.hindi ko na kaya." Sabi nya at inangat nya ang ulo nya na at nakita kong umiiyak.

Bakit sya umiiyak eh ako yung nasaktan dito?! Ano ako pa ang masama saaming dalawa?!

"Wow ano to?! Ako yung pinagpalit at nasaktan pero ikaw tong umiiyak dyan? Wow miggy.wow." sarcastic kong sabi sakanya.

"ash! Nasasaktan din ako!" Sigaw nya."Ash! Ano to?! Ano?!" Sabi nya at pinakita sakin ang mga picture naming dalawa ni jeth na magkalapit at yung iba magkasama yung iba magkayakap.Ang babaw nito grabe! Naniwala na sya agad dito?! Ni wala ngang picture na magkahalikan kami eh! Ang babaw sobra!

"Miggy! Ano magagalit ka na dahil dito?! Ano ba! Magkaibigan kami ni jeth! At itong magkayap na to! Cinomfort nya ako dito dahil sayo.May nakita ka bang Magkahalikan? Kung talagang may something samin ni jeth may picture sana dito naghahalikan kami! Miggy sobrang babaw nito!" Sigaw ko din sakanya.

"Ash oo hindi ko nakita pero may nagsabi sakin!" Sabi nya.

"sino?! Si Camille ba? Miggy! Siguro sya din ang nagbigay nito no?!" Turo ko sa mga picture."Oo hindi pa tayo pero wala ka bang tiwala sakin?! Ha?! Letse naman."

"Oo! Ash alam kong hindi nya kaya magsinungaling sakin!" Sigaw nya."oo naman may tiwala ako sayo." Mahina nyang sinabi.

"Miggy! Oo naging kayo pero ang hindi mo pa rin sya ganun kakilala! Simula pa lang nung sinagot ka nya dati alam ko nang bitch yang babaeng yan! Sinabi nya yun para sirain tayo dahil hanggang ngayon hindi pa sya nakakamove on sayo! Miggy mahal na mahal kita! Kung mahal mo talaga ako paniniwalaan mo ko." Sabi ko at naghuhurementado sa inis.

"Ash sorry." Sabi nya at lumuhod sa harapan ko at umiiyak na ng todo."Sorry kasi Ang babaw babaw ko,sorry kasi ultimo ganitong kababaw na bagay pinagselosan ko na.Ash ganito lang talaga kita kamahal.. Hindi ko kayang mawala ka sakin,sana bigyan mo pa ako ng isa pang chance para patunayan sayo na mahal na mahal kita." Sabi nya.

"Tumayo ka nga dyan!" Sabi ko at hinila sya,tumayo naman sya."bakit ka muna nakipaglandian kay camille nung isang araw?! Hindi mo ba alam na sobra akong nasaktan dun?! Sobrang sakit miggy." Sabi ko.

"ginawa ko lang naman yun para pagselosin ka,at effective naman pala." Malungkot nyang sabi pero napangisi sya ng konti.

Grabe miggy galit ako ngayon pero sa mga sinasabi mo kinikilig nanaman ako.

Ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg nya at sinabing "Magsimula ulit tayo bilang tayo."

"anong ta...yo?" Tanong nya.

Miggy ang slow slow mo! Tinitigan ko lang sya at inirapan.pero nginitian nya ako at hinalikan ng matagal.

"Ash okay lang naman kung manligaw ulit ako.lahat naman gagawin ko para sayo eh." Sabi nya.

"ayaw mo ba?" Malungkot kong tanong sakanya.

"hindi sa ayaw ko,gustong gusto ko kagagaling lang natin sa ayaw at ayokong isipin mo na nagmamadali ako." Sabi nya.

"Miggy hindi naman panliligaw ang pinapatagal eh,ang relasyon." Sabi ko at nagtagpo ang aming mga labi.

"Hindi ko ipinapangakong hindi kita sasaktan pero gusto kong malaman mong mahal na mahal kita at hinding hindi na kita papakawalan pa.I love you ashley samantha reyes." At hinalikan nya ako sa noo.

Hay nako miggy kaya hindi ako nagsisi na sinagot kita.mahal na mahal ko talaga tong mongoloid na to.

"I love you more than you think Miguel Escod." Sabi ko.

"no i love you most." Sabi nya at nagtawanan kami.

-----

Sorry guys sobrang bagal magupdate ni author :( sorry din kung hindi ko natupad ang mga expectation nyo.Thank you for reading my Story.mukhang matatagalan din po ang next chapter eh sorry! xD

Love foreverpretty ❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon