Pagkatapos akong makita ni jeth na umiiyak.hinatak na lang nya ako papuntang likod ng school,sa garden.
"Iiyak mo na yan." Sabi nya at inabutan ako ng panyo.
Hindi ko na mapigilan at umiyak na ako na talaga ako.Habang umiiyak ako niyakap ako ni jeth at napahagulgol na
.ayoko sa lahat yung may nakakakitang umiiyak sakin,ayokong ipakita na mahina ako.medyo tumagal pa kami sa posisyon na yon.
Pero humiwalay na ako.medyo okay na kasi ako.Nakakagaan kasi ng loob yung pagkayakap nya sakin.Nakakagaan ng loob yung may taong nagsilbing panyo mo kapag nasasaktan ka na at wala ka nang magawa kundi umiyak na lang.
"Okay ka na?" Sabi nya.
"Oo.Salamat ha." Sabi ko at medyo naawkward sakanya.Ikaw ba naman di mo masyadong kaclose tapos nakipagyakapan ka pa?
"Granada! Reyes! Alam nyo bang bawal ang pda dito sa school? Pumunta kayo sa faculty ngayon na." Sigaw ng math teacher namin si Sir Jerry.
Habang naglalakad kami papuntang faculty.napatahimik ako.Nahihiya ako kay jeth.Hindi naman kami napagkamalan pa kaming nagppda?! Nadamay pa sya.
"Jeth sorry talaga." Sabi nya.
"Okay lang yun.atleast medyo okay ka na ngayon." Sabi nya at ngumiti sakin.
Nandito na kami sa faculty at kaharap ang isa sa mga teacher na hindi dapat banggain sa school na ito dahil office or guidance ang abot mo.
"Bakit kayo naglalandian ha? Hindi nyo ba alam ang rules? Wag nyong idahilan sakin na nakalimutan nyo!" Galit na galit na sabi ni sir.
"Sir hindi po kasi ganun yun.kasi p--" Sabi ni jeth.
"Anong hindi ganun?! Ano ako tanga?! Wag nyo akong gawing tanga! Hindi ako bulag! Nakita na nga ng dalawang mata ko eh." Pagpuputol sakanya ni sir.
"Ikaw Reyes! Bakit ka naman nagpapalandi ha?! Ano nakalimutan mo ba ang rules?! Aba!" Tanong nya.
"Sir hindi naman po kasi kami naglalandian." Sabi ko.
"Hindi naglalandian? Aba ang galing naman nagyayakapan hindi landian? Ikaw reyes nagpalandi ka naman dito o nagpalandi ka ng sadya?!" Sabi nya.
Hindi na lang ako sumagot.Ayoko baka kasi may masabi ako sa taong to.Bakit ko pa sasayangin ang laway ko sa mga taong makikitid ang utak? Magsasayang lang ako sa pageexplain ko sakanya dahil wala naman syang balak makinig sakin.Brokenhearted na nga ako dadagdag pa to?! Lord naman.
"Sir--" sabi ni jeth pero pinutol sya ulit ni sir jerry.
"Bakit ba ganyan mga kabataan ngayon?! Yang mga kalandian nyo wag nyong dalhin sa school!" Sigaw nya.
Napatingin ang mga teacher samin habang naglulunch break.This is so great.pinahiya nya kami sa harap ng mga teacher.Pasalamat sya hindi ko sya masagot dahil may respeto at galang ako sakanya.nakakainis makapagsabi ng malandi sakin alam nya ba ang buong pangyayari?! Ha?! Ni hindi nya man lang alamin ang side namin.Porket teacher sya kaya na nya akong husgahan ng husgahan.
"Detention! Mamayang uwian nyo.kayong dalawa! Lumayas na kayo sa harapan ko mga malalandi." Sabi nya.
Umalis na lang kami ni jeth at pupunta nang room dahil malapit na magtime.
"Jeth pasensya na nadamay ka pa." Sabi ko.
"Wala sakin yun ashley.Pasensya din niyakap pa kita,nadetention pa tayo,sorry hindi kita napgtanggol kay sir jerry.wag ka magalala kakausapin ko sya mamaya.ipapaliwanag ko ang lahat kahit ako na lang madetention." Sabi nya.
"Hayaan mo na jethro wag ka na magpaliwanag,mahirap magpaliwanag sa mga taong makikitid ang utak.Hayaan mo na." Sabi ko.
Natahimik na lang sya at nakarating na kami sa room.Nakita na
ako ng mga Bestfriends ko kaya pinagbabato nila akong tanong.dahil nga nawala ako kanina.
"Guys pasensya na pagod na talaga ako ngayon eh.Sasabihin ko naman sainyo kung bakit ako nawala kanina.Wag lang ngayon please?" Sabi ko.
"Sige maghihintay kami Ashley." Aabi ni liz.nakiayon na rin ang sina sandra,lyza,Kath, at elle.salamat naman at initindi nila ako.
Nagaral na lang ako nagaral para mawala yung galit ko.Naiinis ako kay miggy ni hindi man lang nya ako nilapitan.Anong klaseng manliligaw sya?! Akala ko ba mahal nya ko?! Ano hanggang ganito na lang kami?!
Uwian na.sawakas.Pero dahil may detention ako hindi ganun kasaya.
"Ashley,magpipintura daw tayo ng pader sabi ni sir." Sabi ni jeth sakin.
"Tara,para matapos na." Sabi ko at pilit na ngumiti sakanya.
Pumunta na kami sa isang malaking pader sa school.sa may gym.ang laki pa naman nito.Sana matapos kami agad.
Pintura lang ako ng pintura habang si jeth ganun din ang ginagawa.
"Ash bakit ganyan ginawa mo?" Tanong ni jeth.
"Bakit anong mali?" Tanong ko din sakanya.
"Hindi ganyan ang pagpipintura ash dapat ganito." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko,tinuruan naman nya ako magpinturang maayos.napansin kong ang pangit nga ng gawa ko at mas maganda yung sakanya maayos.
"ikaw na may alam sa art." Sabi ko at ngumiti.
"Mas maganda kasi kapag maayos ashley para Maganda tignan." Sabi nya at ngumiti din sakin.
"Eh paano kapag hindi mo alam kung pano ayusin?" Tanong ko naalala ko kasi yung nangyari kanina yung kina miggy st camille.
"Kaya nga nandito ako para tulungan kang maayos eh." Sabi nya.
"Okay." Sabi ko.
Nasa kalahati na kami ng pader.sana matapos na to.tumigil si jeth sa pagpipintura akala ko kung anong gagawin nya pero nagbukas lang sya ng isa pang lalagyan ng pintura paubos na kasi yung ginagamit namin.
"Hala!" Sabi nya at muntik nang matapon ang pintura pero nahawakan ko agad yung lalagyanan.nahawakan ko yung kamay nya at nagkatitigan kami.
"Uy jeth dahan dahan ha." Sabi ko at umiwas na ng tingin.
"Sorry ashley!" Sabi nya at ngumiti ng malapad at pinahiran ako ng pintura sa mukha.
"Jeth paano kapag hindi nabura to?!" Sabi ko at dali-Daling nilagyan din sya sa mukha.
"Ah ganun ha." Sabi nya at balak na lagyan ulit ako pero umiiwas ako.Kinikiliti nya din ako.Halos magkayakap na nga yung posisyon namin ngayon eh.
Nakita kong lumabas ng faculty si sir jerry at tinignan kami.kita kasi ang gym sa faculty dahil malapit lang ito.
Napaayos agad kami ng posisyon ni jeth at nagpintura ulit.nakita namin na bumalik na si sir sa faculty at nagtawan kami.
"HAHAHAHAHAHA!" sabay naming tawa.
"Jeth kasi eh.muntik na tayo dun ah,baka pagkamalan nanaman tayo."
"Oo nga eh! HAHAHAHA!" Tawa din nya.
Medyo sumaya ako ngayon dahil kay jeth.Kahit sobrang malungkot ako napasaya nya ako.Nako thank you lord nakita ako ni jeth nung umiiyak ako.kahit nadetention kami at nasabihan ng kung ano-ano ni sir jerry masaya pa din ako kasi kasama ko sya at Napagaan nya pa ang loob ko.kahit papano medyo nabawasan ang bigat na dinadala ko ngayon.
"Ayan jeth tapos na!" Masaya kong sabi.
"Tara picture tayo para remembrance." Sabi nya.
"Jeth salamat ha." Sabi ko.
"Para saan naman?" Nakangiti nyang tanong sakin.
"Sa pagcocomfort sakin,sa pagpapasaya sakin." Sabi ko at nginitian sya.
"Basta ikaw ashley." Sabi nya at nginitian ako.
BINABASA MO ANG
My Boy Bestfriend
RandomPaano kapag nainlove ka sa Bestfriend mo? Sa tingin mo magiging kayo? o hindi? Sino ang pipiliin mo ang taong matagal mo nang kilala o ang taong hindi kaya ganun katagal magkakilala pero handang pasayahin ka?