KUYA YUNG ITLOG MO

2.8K 22 0
                                    


Nagmamadali akong pumunta sa tindahan dahil baka lalong magalit sa akin si Mama.
'Kainis..'
"Pabili poooo! " tawag ko sa tindera sa may tindahan pero wala pa rin. "Pabili poooooooooo! Pabiliiiiiiiiii!!" Mahabang sigaw ko. Pag ako talaga napagalitan lalo ni Mama ay sisihin ko ang magtitinda na ito!!
"Ano yun Aizel ? " sa wakas lumabas din ang tindera. Itinuro ko ang suka, "Suka nga po yung nasa pack ate." Iniabot ko na ang bayad kay ate tindera at mabilis na tumakbo palayo.

Napahinto na lang ako sa pagtakbo ng may mapansin akong isang basag na itlog sa daan. Tumingin tingin ako sa paligid para tingnan kung sino nagmamay ari ng itlog na iyon. And there someone took my attention. Isang matangkad na lalaki na may dalang plastic, na naglalaman ng pinamili niya.
'Shit likod palang ulam na..'

Kaya hinabol at tinawag ko ito. "Kuyaaaaa! Saglittt! oy kuyaaaaaa!"
Huminto naman ito, at tinitigan ako na may pagtataka sa mukha. Hingal na hingal akong dumating sa harap niya.
"Ka-kasi.. hooo! Ano kasi... ku-kuyaa yung it-itlog mo.."
"W-what the?W-what's about my egg m-miss? " gulat na sabi nito sa akin, na medyo nahihiya.
"Hehe nakita ko ka-kasi yung i-itlog mo.."
"What the fvck miss? Are you crazy?"
'Hala siya pa may ganang magalit! Pambihira naman.'

"Hindi po.. nakita ko po talaga yung itlog mo.." pagpapaliwanag ko. Si kuya naman ay namumula na. May sakit ba 'to? Sa gulat ko ay napaatras ako dahil lumapit ito sa akin, at tinitigan ako nang matagal.
"Tell me saan mo nakita ang itlog ko?" sabay ngisi nito. Nagtaka naman ako sa tanong niya, huli na nang marealize ko ang mga sinabi ko sa kanya kanina.
'Putangina Aizel nakakahiya kaaaa..iba ang dating ng mga sinabi mo sa kanya!' 

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon