SIR YOUR HOT

2.9K 37 3
                                    

"Leighhhhh!" malakas na tawag ko sa kaibigan ko na kanina pa abala sa pagaayos ng kanyang mukha dito sa room namin.
"Oo, saglit lang!" tugon nito, napasimangot na lamang ako sa sagot niya. Higit sa sampung beses na yata niya iyong sagot. Wala akong choice kundi ang higitin siya.
"Aray! Ano ka ba Fiona magdahan dahan ka nga baka masira ang make up ko goshhh!" maarteng reklamo nito.
"Gaga! Sa gymnasium lang tayo pupunta at manonood ng basketball , hindi sa grand ball!" umirap naman siya,"Nandun kasi si Crush ko na si Silver hihi."kinikilig pa nitong sambit. Hindi ko alam kung bakit ko naging kaibigan ang babaeng ito gayong magkalayong magkalayo kami ng ugali at gusto.
'Pag talaga nagsimula na ang game ay malilintikan sa akin ito'
Hindi ko pwedeng palampasin ang game ng asawa kong si Sir Armiel hihihi..

Foundation Day ngayon at may game lahat ng teachers na lalaki dito sa school namin syempre kasama na dun si Sir Armiel ang pinaka gwapo sa lahat ng teacher. Malakas na sigawan ang sumalubong sa amin pagkapasok namin sa loob ng gymnasium, halos mapuno na ang lahat ng upuan. Luminga linga ako sa paligid para maghanap ng bakanteng upuan at sakto meron pang natitira malapit doon sa mga players. Kaya hinila ko agad ang kasama ko, baka maunahan pa kami.

"Okay, magsisimula na ang game Student vs. Teachers. Handa na ba kayo students ?" tanong ng emcee sa amin, kami naman ay sumagot ng yes. Everyone is so excited, ngayon lang kasi ito ginawa sa school namin Students Vs. Teachers it's quite interesting.

Nagsimula nang pumito ang ang referee hudyat na simula na ng laro. Si Sir Armiel, at si Silver ang MVP dito sa school namin ang naglaban para sa jump ball. Natapik namin ni Sir ang bola. Agad na naishoot ng kasama ni Sir ang bola. Lahat kami ay napasigaw sa tuwa.

"Goooooo Sirrr wahhhhhhh! Kaya mo yannnnnn!" sigaw ko dito sa tayo ko. Lumingon naman ito sa gawi ko at nginitian ako. Napayuko naman ako sa ginawa niya dahil biglang uminit ang pisnge ko..

"Silver galingan mo I love youuuuuu!" sigaw naman nitong kaibigan ko, kagaya ni Sir ay lumingon din ito sa amin at kinindatan si Leigh, na naging dahilan para tumili nang tumili at kurutin ako.

Natapos ang isang quarter ay lamang ang grupo ni na Sir Armiel, kaya sobrang inis sa akin ni Leigh.
"Hmp! Matatalo sina Sir." pang aasar niya, " Hindi yan ang laki na ng lamang oh 45-35" pagtatanggol ko.

Lahat ng players ay nag water break muna, kaya naman may pagkakataon akong makita si Sir ng malapitan.
'Shit ang hot niya...'
Kahit basang basa na ito ng pawis ay mas lalo lang ito nakadagdag sa kagwapuhani Sir. Napakagat labi na lang ako ng wala sa oras dahil sa naiisip ko.
"Excuse me.. kuhanin ko lang yung towel ko."
"P-po?" wala sa sariling tanong ko. Halos mapaupo ako dahil si Sir Armiel pala ito.
"Yung towel ko naipit mo kasi.." dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kamay ko na nakapatong sa may silya kung saan nakapatong ang towel ni Sir.
"Sorry po Sir.. hehe" ngumiti lang ito sa akin at pinunasan niya ang mukha niya at buhok niya.

"Sir ako na lang ang magpupunas para sayo.."

"May sinasabi ka ba Ms. Fiona?" napatakip na lamang ako sa bibig ko.
'Wth Fiona? Anong sinabi mooo..'
Dahil sa inis ko sa sarili ko ay nasapo ko ang noo ko. Sa isip ko lang dapat yun e, bakit napalakas ? Hayss... nakakahiyaaaa....

"Nothing Si-Sir.." he just chuckled.

Nagstart na ulit ang game, ganun pa rin ang lamang ng grupo ni Sir. Armiel siya ang halos nakakapag bigay ng puntos sa grupo nila. Mas lalo akong nahuhulog.. nang matapos ang 2nd at 3rd quarter ay naabutan na ng grupo nina Silver ang score ng group nina Sir. This is the 4th quarter at last 5 seconds na lang lamang ng 2 ang group nina Silver, 117-115 ang score. Hawak ni Sir Armiel ang bola para sa 3 points, tila may dumaan na anghel sa loob ng gymanasium dahil sa sobrang tahimik. Halos hindi na ako makahinga dahil sa kaba na nararamdaman ko.
3

2

1

Shoot!

Kyaahhhhhhhh!

Waaahhhhh ! Sir ang galing mo poo.

I love you Sir Armielllllll

Ilan lamang ang naririnig kong sigawan ng mga babae sa tabi ko. Napairap na lamang ako.
'Ako lang ang pwedeng sumigaw ng iloveyou sa asawa ko!'

"Okayyyy and the winner is the TEACHERS!! Palakpakan natin sila." anunsyo ng emcee sa nanalo. Pumalakpak ako ng malakas dahil sa tuwa.

"Kyaahhhhhh! Ang galing mo talaga Sir!!! " sigaw ko. Hindi ako nagpatinag sa mga babae na nagsisigawan dahil kay Sir.

"WAAAHHHHHH SIR YOUR HOTTTTTTT!" sigaw ko ulit, bigla naman tumahimik ang buong gymnasium. Nagtaka ako dahil doon, kaya tiningnan ko si Leigh. Gulat na gulat ang itsura niya. Dumako naman ang tingin ko kay Sir Armiel nakatingin din ito sa akin at nakangiti. Juskolorddd!
"Le-leigh bakit tumahimik kayo?"
"Gaga ka talaga!"sabay hampas sa akin," Narinig dito sa buong gymnasium ang sinabi mo." Dahil sa sinabi ni Leigh ay nanlaki ang mata ko. Paanong narinig ? Napatingin naman ako sa tabi ko.
Tangina bakit may mic dito?!!

Kyaaahhhhhh!
Ohmygashhhh! Lalapitan ni Sir yung babae!!
Waahhhh kinikilig ako sana ako rin!!

Napakurap na lamang ako sa nakikita ko, nasa harap ko na si Sir at ngiting ngiti sa akin. Sobrang init na ng pisngi ko sa nangyayari.
'Palabasin nyo ako ditoooo'
Lumapit siya sa akin, kaya napaatras ako. Waahhh anong gagawin ko.
"Ms. Fiona.." banggit niya sa name ko, tapos bigla niya akong hinila papalapit sa kanya kaya ngayon napayakap ako sa katawan niya. Ang kaninang maingay na paligid ay biglang nawala. Tanging ang nakikita ko na lamang ay kaming dalawa ni Sir. Armiel.
Habang nasa ganun posisyon pa rin kami ay bigla siyang nagsalita. "You don't need to say that words in front of many people.."very seductive yung voice niya, para naman may kung anong paro paro ang kumikiliti sa stomach ko.
"P-po?"tanging nasabi ko, hindi pa rin ako makapag react dahil sa hiya.
"I want to hear those words come from your lips again Ms. Fiona.."sabi pa ulit nito..
"Pe-pero Sir.."
"Just say it again Fiona please.."
"Sir your hot.." nagulat na lang ako sa paghigpit ng yakap niya sa akin .
"I'm all yours now and my body baby.."

-Loren Rose🌹

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon