HOW TO GET YOUR MAN JEALOUS

523 16 0
                                    


Nandito kami ngayon ng boyfriend ko sa may dahil sinama ko siya makipag meet up sa kaklase kong lalaki noong high school.

"Naiinip ka na ba?" I asked him.

"Nope. Why would I? Sinamahan kita dito para masigurado kong ligtas ka. I can wait," he said.

Hindi ko na itong sinagot at lihim na napangiti sa inusal nito. Makalipas ang ilang minuto nang paghihintay ay dumating na rin ang kanina pa namin hinihintay na si Khalil.

"Khalil! Dito!" I called him while waving my hands.

"Thea!" tugon nito at patakbong lumapit sa amin at ako naman ay sinalubong ko kaagad ito ng yakap.

Hindi ko binanggit kay Kevin na si Khalil ay boy bestfriend ko noon. I have plan to make him jealous. Tawagin niyo na akong nababaliw pero gusto ko siya magselos ngayon ng sobra.

Sinadya kong balewalain si Kevin at kinausap si Khalil. This is part of my plan.

"I miss you so much! Ang tagal na natin hindi nagkita, Khalil!" saad ko at muling niyakap ito.

"Miss na rin kita, Thea. Alam mo naman na busy ako sa trabaho ko kaya hindi na kita nakakausap."

Matapos ang kumustahan ay nagyaya si Khalil na kumain. Habang kumakain kami ay pansin kong naging tahimik ang dating makulit kong boyfriend.

"Naalala mo ba noong high school tayo? 'Yung napahiya ako sa room? Grabe nakakatawa talaga 'yon hahahahaha!" kwento ni Khalil habang tumatawa ng malakas na sinabayan ko rin.

"Kaya nga eh hahaha! Naalala ko pa noon na hiyang-hiya ka kasi nakikita ka ng crush mo hahaha!" wika ko.

"Magbabanyo lang ako."

Natigilan kami ni Khalil sa pagtawa ng tumayo si Kevin at nagpaalam. Magsasalita pa sana ako ng tumalikod na ito.

Its working.

Nagseselos na siya ngayon. Sa loob ng ilang buwan namin na magkarelasyon hindi ko pa ito nakikita nagseselos. Siguro nagseselos siya hindi niya lang pinapahalata o hindi talaga siya selos that's why planned this.

Naghintay pa kami ng ilang minuto ni Khalil kay Kevin bago umalis dahil muling nagyaya si Khalil na mamasyal.

"Thea saan mo gusto?" tanong ni Khalil habang matamis na nakangiti sa akin.

I smiled at him. " Hindi pa kasi ako nakakapuntang EK, p'wede ba tayo pumunta roon, Khalil? Please," I said while pouting my lips.

Napailing na lang si Khalil sa ginawa ko.

"Kevin? Babe, okay lang ba?" baling ko kay Kevin na hanggang ngayon ay tahimik at nakasimangot na.

Gusto ko tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Let's go? Baka gabihin tayo," saad ni Khalil.

"Tara na!"

Kukuhanin na sana ni Kevin ang kamay ko upang hawakan ito nang maunahan ko dahil ikinawit ko ang braso ko sa braso ni Khalil.

Dinig ko na lang ang pagbuntong-hininga ni Kevin sa likod namin.

"Hey, hindi ba ako gugulpihin ng boyfriend mo?" kabadong bulong ni Khalil sa akin.

"Hindi gano'n klaseng tao si Kevin. Don't worry ako ang bahala sa'yo, trust me," sagot ko.

Mahaba ang naging biyahe namin bago namin marating ang EK.

"Khalil, gusto ko ng cotton candy," sabi ko kay Khalil.

"Wait, I'll buy you some," anito at lumakad patungo sa bilihan ng cotton candy.

Hinarap ko naman si Kevin na walang imik.

"Are you okay babe?"

"I'm okay as long as you okay, Thea," Kevin answered.

Ngumiti na lang ako sa kanya at tiningnan si Khalil na ngayon ay pabalik na sa pwesto namin na may dalang cottong candy.

"Thank you!" wika ko nang makuha ko ang cotton candy at kinain 'yon.

"Dude, here's yours,"sabi ni Khalil at ibinigay ang cotton candy kay Kevin na agad naman tinanggap.

Lahat ng rides na meron sa EK sinubukan namin. Lagi akong nasa gitna nila at habang tumagal ay nararamdaman ko ng hindi na okay si Kevin. Kung may pagkakataon ay humahawak ako sa kamay ni Khalil na dapat ay kay Kevin pero dahil sa plano ko ay hindi ko ginawa 'yon.

"Nag-enjoy ka ba, Thea?" tanong ni Khalil sa akin habang umiinom ng tubig.

Papauwi na kami ngayon dahil gabi na rin.

Muling niyakap ko si Khalil dahil hindi na naman kami magkikita at the same time mami-miss ko rin siya.

"Salamat ah, napasaya mo kami ngayon araw," saad ko. "Hindi ba babe?" baling ko kay Kevin.

"Yeah, thanks bro."

"Oh, paano? Mauuna na ako ah. Mag-ingat kayo pag uwi. Thank you, Thea! Sa'yo rin, Kevin, right?" wika ni Khalil sabay tapik sa balikat ni Kevin at sumakay na ng kotse at nag drive papalayo sa amin.

Akmang papasok na sana ako sa kotse ni Kevin ng hilahin niya ang braso ko dahilan upang mapasubsob ako sa dibdib niya.

"Aray! Babe, ano ba 'ya--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng halikan niya ako kaya natulala ako.

He grin.

"What was that for?" I asked him.

"Tinatanong pa ba 'yan, Thea?" kunot-noong tanong nito.

I pout. " Of course! Bakit mo nga ako hina--"

Again, he kissed me.

Nakakadalawa na siya ah!

"Akala mo ba hindi ko nahahalata 'yon?"

"W-what?" I uttered.

"Tss. Akala mo ba hindi ko nahahalata na sinusubukan mo ako pagselosin?" saad nito at nilapit ang mukha sa mukha ko.

Nakagat ko ang labi ko. Oh no!

"Hindi naman kita pinag--"

For the third time he kissed me again.

"Waahhh! Stop kissing me, Kevin!" singhal ko sabay takip ng mukha ko dahil feeling ko ay namumula na ako.

"Why not?"

"Ang daming tao dito…." mahinang saad ko ngunit muling hinalikan niya ako.

"This kiss is for hugging other guy."

He kissed me again.

"This kiss if for holding other guy hands."

He kissed me again.

"This kiss is for asking something to eat in other guy."

He kissed me again and again.

"And this last kiss is for making me jealous."

Natulala ako sa ginawa nito at hindi nakakurap.

What the hell?

"Ke-Kevi--"

I thought, hindi na niya ako hahalikan pero nagkamali ako. He kissed me again, a passionate one. A kiss that full of love.

"And this kiss is for calling me in my name not by our endearment tsk," anito bago pumunta sa tapat ng pintuan ng kotse niya.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Ang daming kiss!

"One more thing, babe. Don't try to make me jealous again if you don't want a punishment on bed."

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon