MAHAL KITA KIB!

2.9K 22 0
                                    

Tapos na ang klase at nakatingin lang ako sa kay KIB na abala sa pag aayos ng mga gamit niya. Inayos ko muna ang aking sarili bago lumapit dito.
"Ahh KIB! Pauwi ka na ba? Sabay na tayo?" nakangiti kong tanong sa kanya.
He just chuckled,"Mauna ka na Loren, may kasabay kasi ako pag uwi at tsaka baka magselos yun." Sabay gulo ng buhok ko.
Bigla na lang kumirot ang puso ko.
'Tangina! Sino ang babaeng humarot sa mahal ko?!'
"Ma-may girlfriend ka na?" hindi siya sumagot sa tanong ko. Silence means yes! Napayuko na lamang ako sa pagka dissappoint. Akmang aalis na ito nang pigilan ko siya sa wrist niya.
"May kailangan ka ba?"
"KIB.. alam kong tingin mo ay desperada ako sa gagawin ko pero.. pwede bang ako na lang? Pwede ba ako na lang ang mahalin mo ? Kasi MAHAL NA MAHAL KITA KIB! Naiintindihan mo ba ? MAHAL KITA KIB!.. Since bata pa lamang tayo.. I know I'm too late pero nagbabakasakali pa rin ako na marerealize mo na ako ang mahal mo at hindi siya.." pag amin ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at may kung anong kuryente akong naramdaman.
"Im sorry Loren pero kaibigan lang ang tingin ko sayo and also my little sister." hingi niya nang paumanhin, ako naman ay hindi mapigilan umiyak sa harap niya dahil sa sakit na nararamdaman ko.
'Friendzone..'

"LOVE!!"sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Lumingon lingon pa ako sa paligid para tingnan kung sino ang tinatawag nito na Love. Nagtaka ako dahil ako na lamang ang babae na natitira dito. Lumapit ito sa amin, "Teka ako ba yung tinatawag mo ?" tanong ko dito pero hindi niya ako pinansin.
"Let's go Love?" tanong nito kay KIB and my jaw was dropped. P-PUTANGINA?
"Let's go Love. Bye Loren ingat ka pag uwi." pagpapaalam nito sabay kawit ng braso niya kay SIC.
Naiwan akong tulala dito sa room.
'Hell no..'

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon