Prologue

55 8 0
                                    

Love? Is it really existing? I don't believe in love. Eh paano nga ba naman ako maniniwala sa pag-ibig na yan kung ako mismo hindi nakaramdam ng pagmamahal sa sariling magulang. Yep, you read it right. Lumaki akong walang kalinga ng magulang, lumaki akong walang kinikilalang magulang. I'm only 1 year old ng mamatay ang tatay ko at iniwanan ako ng nanay ko sa lola ko meaning to say lumaki ako sa lola ko pero 15 years old pa lang ako nang pumanaw na si Lola and it was really hard for me. Iyak ako ng iyak nun, ilang araw kong natiis na hindi kumain. Hindi ko kasi matanggap na iniwanan na ko ng lola ko, hindi ko matanggap na yung kaisa-isang taong nagparamdam saakin ng pagmamahal ay iniwanan na ko. Simula nung iniwan ako ng lola ko, namuhay na ko ng mag-isa. Gusto akong kunin ng tita ko, pero mas pinili ko pa ding manatili sa bahay namin ni lola. Wala rin naman silang nagawa kundi ang hayaan na lang ako ang tumulong sakin pinansyal. Every month pinapadalhan nila ako ng allowance at sila din nagpapa aral sakin. Kaya kahit papaano thankful pa din ako sakanila.

Somehow ninais ko ding makilala nanay ko. Ninais ko ding maramdaman kung ano bang pakiramdam ng may nanay na nagmamahal sayo. Ninais ko ding maramdaman yung mga yakap at halik ng isang ina. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi lungkot, pangugulila at galit. Oo, galit ako sa nanay ko. Kasi bakit ganon na lang ang ginawa niya sakin? Iniwan niya ako na parang isang tuta lang? Ano bang nagawa kong kasalanan para iwanan niya ko? Kasalanan ba tong ipinanganak ako sa mundo? Kasalanan bang isinilang ako? Ano bang mali sakin para iwanan niya na lang ako bigla?

Minsan, nakakainggit yung ibang bata. Sila kumpleto pamilya, samantalang ako eto nag-iisa. Walang pamilya. Sinubukan kong hanapin yung nanay ko, pero ni anino niya hindi ko nakita. Siguro nga, ayaw niya talagang magpakita sakin kaya hindi naglaon sumuko na ko. Mahirap kasing hanapin yung taong ayaw magpahanap. Mahirap magkunwaring okay ka lang, tapos deep inside sobrang nasasaktan ka na.

Minsan naisip ko na ring, magpakamatay. Kasi ano pa bang sense ng buhay ko kung puro lungkot na lang nararamdaman ko? Ano pa bang sense ng buhay ko kung ito ay patapon na.

Sa buhay natin, may mga pagsubok talaga tayong mapagdadaanan. Pero bakit itong pagsubok ko, ilang beses ko ng sinubukang daanan pero hanggang ngayon nandito pa din ako. Sinilang ba ko sa mundong ito para lang masaktan? Sinilang ba ko sa mundong ito para lang maranasan kung gaano ako kawalang kakwentang tao? Sinilang ba ko sa mundong ito para lang magdusa?

Amg unfair din naman ni God eh, bakit sa dami ng taong nilikha niya ako pa tong pinili niyang magkaroon ng malungkot na istorya ng buhay? Sa dami ng tao sa mundo, ako pa tong pinili Niyang pahirapan.

Edi sana, kung ganito rin pala mangyayari sakin hindi na lang Niya sana ako nilikha. Hindi na lang sana ako sinilang sa mundong walang kwenta.

Sabi nila, huwag daw isisi sa Kanya yung mga nangyayari sa buhay natin. Hindi naman kasi maiiwasan yun, hinding-hindi.

I used to believe in God, everynight nagdadasal ako until kinuha Niya yung lola ko sakin. Doon nagsimula ang pagtalikod ko sakanya, alam kong mali pero masyado ng sarado ang puso't isipan ko para pa maniwala Sakanya.

Sabi ni Lola, magpray lang daw ako kay God at ibibigay daw nito lahat ng hilingin natin. Noong sinugod si Lola sa hospital, hindi ako kumalimot magdasal sakanya. I always pray to Him na pagalingin niya si Lola, pero anong ginawa niya? Binawi niya sakin yung Lola ko, binawi niya yung nag-iisang pamilya ko. Simula nun, hindi na ko nagdasal pa ulit sakanya. Para ano pa? Para gawing tanga yung sarili ko? Para lang akong kumakausap ng hangin.

Heto ako ngayon sa may rooftop ng school namin. Wala na namang sense yung buhay ko diba? Dito din naman ang punta nating lahat, kaya uunahan ko lang.

Goodbye.

Don't Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon