Kabanata 8

19 7 0
                                    

LUNES nanaman, nalate ako ng gising kaya hindi na ko nakapag luto. Balak ko na lang na imbitahan sila Gwyn sa bahay. Naglalakad na ko papunta ng school ng may biglang bumusina sa likod ko.

*Beep!Beep!Beeeeeeep!*

"Vex!!" Pamilyar sakin ang boses na yun, ayokong lumingon. Ayoko.

'Wag kang lilingon Vex, wag na wag'

"Huy Veeex!" Sumigaw na ito ng malakas kaya lumingon na ko at pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante.

"Ah.. eh... Ikaw pala yan Matthew, hehehe" Naiilang kong sabi.

Teka nga, bat ba ako naiilang?

"Hahaha ako nga. Kanina pa kita tinatawag ah? Di mo ba naririnig?" Tanong nito sakin at ngumiti.

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko.

"H-hindi e-eh"

"Ah, I see. Halika sabay ka na sakin"

"Ah.. eh... Nako! Wag na, malapit na naman ako eh" at ngumiti ako dito ng pilit.

'Bat ba kase ako naiilang?!'

"No, I insist"

"N-nako, w-wag na talaga. I-ilang hakbang na lang naman eh" Nauutal kong sabi.

Grabe! Bat ba ko nauutal?

"Okay, okay. Weird mo today eh? But anyway di na kita pipilitin pa. Oh sige, una na ko huh? See you na lang sa lunch" Ngumiti ito sakin.

*Tug*Tug*Tug*Tug*Tug*Tug*Tug!

Ano ba to? Bat bumibilis tibok ng puso ko?!

Tumango-tango na lang ako bilang sagot, baka kasi pag sumagot pa ko mautal nanaman ako.

*Beep!*

Narinig ko namang pinaharurot na nito ang motor nito.

Napabuntong hininga ako.

'Wheeew, buti naman at di na nagpumilit'

"Okay, class listen! Half day lang kayo ngayon---"

"Woooooooh!"

"Yeeeeeees, makakatulog ako ng mahabaaaa!"

"Yeeeees namaaaan, makakapaglaro pa koooo!"

"Tatahimik kayo o tatahimik kayo?!! As I was saying ay half day lang kayo today dahil may biglaang meeting and hindi ko pa alam kung para san yun dahil nga biglaan. So that's all for today, class dismissed!" At lumabas na si Maam.

Palabas na ko ng room nang makita ko si Gywn na kumakaway-kaway kaya kumaway ako dito pabalik.

"Hi veeeeex!" Pasigaw na bati nito sakin. Hinanap naman ng mata ko si Matthew.

Eh teka nga? Bat ko ba hinahanap yun.

"Ay veex, nandito ako!" Hindi ko alam na sa ibang direksyon pala ako pupunta.

"Ay sorry, bakit pala?"

"Anyare sayo te? Wala ka sa wisyo?"

"A-ah w-wala. Ay oo nga pala Gwyn, yayayain ko sana kayo sa bahay eh---"

"Ay gusto ko yaaaaan! Tara na, naghihintay sila Dyrroth sa may gate!" Putol sakin ni Gwyn..

Hinila naman ako nito papuntang gate at nandun nga sila Dyrroth at Matthew.

Don't Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon