Kabanata 2

17 7 0
                                    

ILANG LINGGO na rin simula nung maging magkaibigan kami ni Gwyneth, nagpapasalamat ako sakanya dahil kahit papaano ay may napagsasabihan na ko ng mga problema ko. Nakakatuwa lang isipin na kahit papaano ay may taong handang makinig sa mga hinanain at drama ko sa buhay.

"Vex, alam mo na ba?" Andito kami ngayon ni Gwyneth sa canteen. Sa ilang linggo naming magkakilala,  naobserbahan ko na masiyahing tao sa Gwyneth. Para bang ang positibo ng pananaw niya sa buhay, kaya hindi mo aakalain na naging suicidal siya. Siguro nga naka move on na siya sa mga nangyari sa buhay niya.

Ako kaya? Kaya ko pa kayang umusad? Kakayanin ko pa bang maging positibo ulit? Hindi ko alam.

"Hey!?" Nabalik lamang ako sa wisyo ng magsalita pa ulit sa Gwyneth, tumingin ako sakanya at mababakas sa mukha nito ang pag aalala na para bang nagtatanong kung okay lang ako.

"Ay sorry, ano nga ulit yun?" Tanong ko na lamang dito at ngumiti.

Ilang pekeng ngiti pa ba ang dapat iguhit ng labi ko para lang pagmukhaing tanga ang sarili ko na okay lang ako?

"Kako kung alam mo na ba? Papasok na ulit dito si Dyrroth dito" Nagtatakhang tinignan ko si Gwyneth.

"Ah okay, sino ba yun?" Tanong ko kahit hindi naman ako interesado sa kung sino man yun.

"Isa sa mga kilalang estudyante yun dito, kung sabagay hindi ka nga pala masyadong nakikihalubilo sa mga estudyante dito kaya hindi na ko magtataka kung bakit di mo siya kilala" Sabi ni Gwyneth, sabay inom nito sa kape.

Sa araw-araw naming magkasama ni Gwyneth dito sa school, napag-alaman kong mahilig din pala ito sa kape.

"Hmm, ganon ba?" Sabi ko na lamang.

"Tignan mo, wala pang 1 minute maghihiyawan na mga haliparot dito" Sabi ni Gwyneth. Sasagot pa sana ako pero biglang umingay sa canteen. Agad naman akong napatingin sa entrance ng canteen at doo'y nakita kong niluwa nito ang isang lalaking may katamtamang tangkad. Hindi ito maputi kundi moreno, ang buhok naman nito ay itim na itim at ayos na ayos. Ang mga mata nito ay mapupungay at ang mga kilay ay akala mo ay inahit. Matangos din ang ilong  Nakapasok ang mga kamay nito sa magkabilang bulsa niya.

Hindi ko masabing gwapo o panget siya, siguro malakas lang ang dating niya.

"Oh diba? Sabi ko naman sayo eh! Nako di ko ba nasabi sayo na yung instinct ko ay malakas? Tyaka sabi ko na nga ba, pati ikaw mamamangha sakanya eh" Sabi ni Gwyneth na parang natutuwa pa sa nasasaksihan niya.

"Huh? Hindi no. Nagulat lang kasi ako sa mga tilian ng mga babae dito. Hindi naman kasi ako sanay talaga sa mga maiingay na lugar" Totoo naman kasi, ayoko sa mga maiingay na lugar. Naiiinis ako pag nasa maingay na lugar kaya mas ninanais ko na lang talaga na magkulong sa bahay sa tuwing walang pasok. Kung may pasok man, doon ako sa rooftop kumakain. Pero ngayon, hindi na masyado. Lagi na kong inaaya ni Gwyneth sa canteen, gustuhin ko mang tumanggi pero sadyang mapilit tong si Gwyneth. Paano nga ba naman daw ako magiging masaya sa buhay kung palagi na lang akong nag-iisa.

Sasaya pa nga ba ako?

"Kung sabagay. Pero aminin mo, ang gwapo niya no? Pinoy na pinoy ang dating! Pero baka isipin mo may gusto ako sakanya huh? No way, actually tropa niyan si Matthew kaya hindi talaga ako magkakagusto sakanya." Tumango na lamang ako.

Si Matthew ay yung kaibigan ni Gwyneth, hindi ko pa siya nakikita kaya hindi ko pa din alam ang itsura nito.

"Hoy, Gwyn!" Gayon na lamang ang gulat ko ng may lalaking pumunta sa pwesto namin at tinawag si Gwyneth

Don't Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon